UNMISERABLE LIFE WITH MY MYSTERIOUS BOYFRIEND (CHAPTER 11)

4 1 0
                                    

"Shan"-gulat na ani ko ng makita ko si Shan na nag lalakad papunta sakin.

"Pano mo nalaman?"-dagdag ko pa na ikinangiti nito.

"Sinabi sakin ni tita eh"-nilapitan naman ako nito.

Ang ganda ng view dito sa rooftop,ewan ko nga kung asan kaming lugar.

"Asan pala tayo?"-takang tanong ko dahil naninibago ako sa lugar na ito.

"Nasa bahay kita Jemah"-saad nito at kinuha ang cake na nasa mesa.

"Happy birthday Jemah"-nakangiting saad nito at sinindihan ang kandila,habang sina mama ay kumakanta.

"Mag wish kana anak"-tuwang ani sakin ni mama.Pumikit naman naman ako at binulong kung ano ang wish ko.

"Beh ano wish mo?"-interisadong tanong ni Ecka.

"Syempre secret lang yun noh"-ani ko at natawa.

"Kain na tayo,gutom na din kasi ako"-dagdag ko at kumuha ng plato.Nag effort talaga sya para dito.

Bumaba sina mama dahil nilalamig na daw sila at dun nalang daw nila sa sala ipapatuloy ang pag kain.

"Di ka ba nilalamig?"-tanong sakin ni Shan habang kumakain.

"Hindi naman.Bahay mo pala to?Ang laki kasi"-ani ko na ikinatango nya.

"Balak ko sana na sa condo nalang kaso masikip dun tsaka medyo malayo"-pag kukwento nito.

Alam ko na seryuso sakin si Shan. Siguro dapat ko na syang sagutin.

"Jemah may ibibigay pala ako sayo"-tumayo naman ito at kinuha ang maliit na kahon sa katabing mesa.

"Isuot mo ito"-ani nya at pumunta sa likod ko.

Sinuot nya sakin ang kwentas na mukhang mamahalin at maganda ito.

"Regalo ko yan sayo"-seryusong saad nya.

"Ahh salamat."-nahihiya din kase ako,,sya kaya kailan kaya birthday nya?

"Dito nalang kayo matulog nina tita gabi na din kase."-gusto ko din makita ang buong bahay nya.Nakatakip kase mata ko kanina kaya di ko man lang nakita.

"Baba na din tayo"-pagaaya ko dito at pinaligpit nya na ang mga pinagkainan namin sa katulong nya.

"Ahh Shan.."-seryusong ani ko dito.Sasabihin ko na ba?

"Bakit Jemah?"-tanong nito at deritsyahang tumingin sakin.

"Wa-wala, matutulog nako."-sinamahan nya naman ako papuntang kwarto.Hindi pa ko handa.Maghahanap muna ako ng timing.

"Good night Jemah"-ani nito at hinalikan ako sa noo.Di na ko umiwas,grabi kase ang kaba ng dibdib ko kaya't hindi na ako makagalaw kapag lalapit sya.
Bumaba naman na sya at nahiga nako sa kama.

To be continue.

✍️ Maessie Manunulat

UNMISERABLE LIFE WITH MY MYSTERIOUS BOYFRIEND Where stories live. Discover now