UNMISERABLE LIFE WITH MY MYSTERIOUS BOYFRIEND (CHAPTER 9)

1 0 0
                                    

Lumipas ang mga araw na ganun pa din naman.Lagi nya akong hinahatid at sinusundo papunta sa university at Pauwi sa bahay.Mag kasundo na nga sila ni mama eh.

Nakatulog ako sa sasakyan ni Shan habang hinihintay sya na bumibili sa nadaanan naming 7/11.

KYLE SHAN'S POV.

Pumasok nako ng sasakyan ng makita ko si Jemah na nakatulog na.Pagod na siguro to.

Nilapitan ko naman ito at hinubad ko ang jacket ko para ikumot sakanya.Nilalamig ata sya.Kaya hininaan ko naman ang Aircon ng sasakyan.

"Ang cute mo pala matulog"-naka ngiti kong saad habang nakatitig sa mukha nya.

"Gusto kitang halikan Jemah" ani ko at tumawa ng bahagya.

Umayos nako ng pwesto at nag maneho na ng sasakyan.Nakarating na kami sa bahay nila at di ko naman na ito ginising.Binuhat ko na ito at ilalabas na sana ng sasakyan ng magising ito.

"Shan"-ani nito na nahihiyang tumingin sakin agad naman nitong tinakpan ang mukha nya.

"Kanina pa kita nakita,ang ganda mo pala kahit tulog."-ani ko at ngumiti.

JEMAH KIM'S POV.

Nagising ako bigla ng maramdaman ko na biglang may bumuhat sakin.Shan? Nahihiya naman akong tumingin sakanya.

Nakakahiya kayang makita ng crush mo na natutulog ka! Hindi ko alam bat dito pa kasi ako nakatulog.

Kanina nya pa pala ako nakitang matutulog,ano kayang itsura ko nun?

"Pumasok kana sainyo,dun kana sa kwarto mo matulog."-natatawa nitong ani.

"A-hh salamat sa pag hatid"-nahihiya kong ani at tumakbo na pa loob.Naka salubong ko naman si mama sa pinto.

"Hi tita,uwi na po ako!"-rinig kong sigaw ni Shan mula sa labas.Nag paalam pa sya kay mama.

"Ingat ka ijo,salamat."-sagot namn ni mama habang pinapakinggan ko sila sa likod ng pinto.Bumusina naman si Shan at tuluyan ng umalis.

"Arayy!"-sigaw ko ng biglang bumukas ang pinto at mauntog ang ulo ko.

"Bat ka ba kasi anjan?"-tanong ni mama ng makita akong nakahawak sa ulo ko Ang sakit gàgo.

"Bat di mo man pinatuloy si Shan?"-tanong nito saakin ng makapasok na .

"Hindi namn na kailangan ma."-sagot ko at binaba ang bag na dala ko.

"Pupunta ba sya bukas?"-tanong ni mama sakin na ikina taas ng kilay ko.

"Opo lagi naman,susunduin pa din nya ko."-ani ko at natawa naman si mama.

"Ibig kong sabihin,mag cecelebrate ba tayo kasama sya?"-nagulat namn ako,ayy oo nga pala birthday ko bukas!

"Ahh wag mo ng sabihin ma.Di nya naman alam,tsaka wag mo na din syang i-inform.Matutulog nako"-ani ko at tumakbo papunta ng kwarto ko.

Hindi naman kailangan na kasama sya noh.Tsaka alam ko naman na wala syang pake.Nakatulog naman na ko dahil inaantok talaga ako ng subra kanina pa.

UNMISERABLE LIFE WITH MY MYSTERIOUS BOYFRIEND Where stories live. Discover now