UNMISERABLE LIFE WITH MY MYSTERIOUS BOYFRIEND (CHAPTER 10)

1 0 0
                                    

Pakarating namin ni Ecka sa bahay,agad naman ako hinila ni mama papuntang kwarto.

"Bumihis ka dali!"-dali dali naman nitong kinuha ang bistida na kulay maroon.

"Ba-bakit po,diba dito lang naman tayo mag cecelebrate?"-takang tanong ko kay mama habang nag tatanggal ng uniform.

"Hindi ako naka luto eh,aalis tayo bilisan mo"-aww masayang ani ni mama at tinulak nako papuntang banyo.

Bat naman di sya nag luto,buti nalang si Ecka lang ininvite ko.Dali dali naman akong nag bihis ng binili ni mama na damit para sakin.

"Kailan nya kaya to binili? Di ko naman to nakita nung namalengke sya"-saad ko sa sarili ko.Na amoy ko na parang sa mall nya ito nabili,ang mga damit kase na binibili nya ay galing sa ukay kaya parang iba to.

Dali dali naman akong lumabas pakatapos ko itong ma suot.Binigay naman ni mama yung sandal ko saka nya ko tinulungan na masuot ito.

"Ang ganda mo anak"-ani sakin ni mama at ngumiti.

"Ma naman eh bat kasi ito pa?"-inis na tanong ko,medyo maiksi kasi ang dress na to.

"Bagay naman sayo"-inabot naman sakin ni mama ang isang set ng make up.

"Dalian mo anak hihintayin kita sa baba,bilisan mo ah"-tumango naman ako at nag lagay na ng make up na binigay sakin ni mama.

"Dali dali naman akong bumaba at nakita ko si Ecka na nag aabang sakin.

"Beh ang ganda mo!!"-sigaw nito at tumawa.Nako parang ewan.

"Tara na nga"-hinila ko naman sina mama para maka alis na.

"San ba tayo pupunta?"-pag tatanong ko habang pasakay kami ng taxi.

Bigla akong tinakpan ng panyo sa mata ni mama na ikinagulat ko.

"Ano bang ginagawa nyo."-takang tanong ko sa mga ito.

"Surprise nga diba"-ani naman ni mama at hindi naman na ko umimik.

Biglang tumigil ang taxi at alam ko na nadito na kami sa pupuntahan namin.

"Pwede ko na ba tanggalin?"-tanong ko habang bumababa sa taxi.

"Sandali malapit na bah"-sagot naman ni Ecka sakin.

Dahan dahan naman kaming nag lakad, parang nasa restaurant ata kami ewan ko ba.

"Anak pwede mo na tanggalin"-saad ni mama at dahan dahan ko itong tinanggal.

To be continue.

✍️maessiemanunulat.

UNMISERABLE LIFE WITH MY MYSTERIOUS BOYFRIEND Where stories live. Discover now