Chapter 27

2.4K 79 9
                                    

Kier’s Pov

TODAY is our exam day. Easy lang naman kaya nasagutan ko agad. Hindi ko lang sure kung tama ang sagot ko. Kasalanan kasi ni kuya Salem kung bakit ako hindi nakapag review. Sabi kasi niya ay matalino naman na daw ako kaya hindi ko na daw kailangan mag review. Hindi ko alam kung inuuto lang niya ako para makasama siyang bumagsak. Yari talaga ako kay ate Ruwi pag bumagsak ang grades ko. 

Tapos na ang exam ngayong araw kaya naglalakad na ako palabas ng classroom. Taas noo akong naglalakad sa hallway at walang pakialam sa paligid. 

Nakarating ako sa tambayan naming magkakaibigan at agad nakita ang mga kuya ko na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Naglakad ako palapit sakanila at agad kong tinapik ang balikat ni kuya Eros na nakatalikod sa gawi ko. 

"Kamusta exam niyo mga kuya?" Tanong ko sakanila. 

Tumingin sa 'kin si kuya Salem na para bang nalugi sa sabong. Nagtawanan naman sila kuya Lucifier at kuya Raizen habang nakatingin sa itsura ng kuya Salem. 

"Wag nga kayong tumawa mga gago!" Galit na sabi ni kuya Salem sa dalawa.

Sasabat na sana ako ng biglang nag vibrate ang cellphone na nasa bulsa ng pants ko. Kinuha ko yun at baka si ate Ruwi yun at kinakamusta ang exam namin. Binuksan ko agad ang phone ko at nakita ang message ni kuya Eros. Kumunot ang noo ko habang binabasa ang chat niya. 

Ipasa mo ‘to sa 16 ka tao kung hindi ay habang buhay kang mamalasin. Basa ko sa chat ni kuya Eros kasama ang mukha ni kuya Salem na nakasimangot habang nakanguso. Natawa nalang ako saka nireplayan ang kumag na nakaupo lang sa katapat na upuan ni kuya Salem. Kaya siguro niya na picturan ang naka busangot na mukha ni kuya Salem.

"Atticus.." tawag ni kuya Salem.

"Ano?" Tanong naman ni kuya Atticus.

"Pwede mo ba akong hanapan ng apartment?" Tanong ni kuya Salem. Tahimik lang kami na nakikinig sa dalawa.

Kumunot naman ang noo ni kuya Atticus. "Bakit mo naman kailangan ng apartment?" Tanong ni kuya Atticus.

"Baka mapatay na ako ni Ruwi kapag nakita niya ang score ko sa exam. Kasalanan 'to ng classmate ko eh. Hindi sinabi sa 'kin na may essay pa sa likod ng test paper. Hindi ko tuloy nasagutan." Nakasimangot na sabi ni kuya Salem. Natawa ako ng mahina dahil nag yabang na naman siguro ‘to kaya hindi niya tinignan kung may mga question pa sa likod ng test paper. 

Natawa na naman si kuya Lucifier at maging ang iba pa naming kaibigan. "Ipagdarasal nalang namin ang kaluluwa mo, buddy." Saad pa ni kuya Andrei.

Akmang sasagot sana si kuya Salem sa sinabi ni kuya Andrei ng biglang tumunog ang cellphone ni kuya Atticus. 

"Nandyan na si Ruwi sa labas ng gate." Sabi niya kaya nag inat ako ng katawan saka ako nagsimulang maglakad. Inakbayan pa ako ni kuya Nuroi at sabay na kaming naglakad. 

"Wengya! Sabi pa naman ni Ruwi
sa 'kin na magkalimutan na daw kami kapag bumagsak ako. Ano kaya itatawag ko sakanya.. Pwede na kaya ang aling Ruwi?" Tanong pa niya samin. 

"Try mong tawagin si ate Ruwi ng ganyan para paglamayan ka namin." Sagot ko naman.

"Ako na bahala sa biscuit mga buddy. Dalhan niyo nalang yan ng otot-otot na flower." Sabat naman ni kuya Lucifier sa usapan namin. Sabay-sabay kaming naglalakad palabas ng gate hanggang sa tuluyan kaming nakalabas ng gate. 

Nakita ko ang sasakyan ni ate Ruwi. Dala niya ang sasakyan na kasya kaming labing lima. Nauna kami ni kuya Nuroi na naglakad papunta sa kotse na nakaparada sa kabilang kalsada. 

Crimson Blade Assassination Where stories live. Discover now