Chapter 30

2.3K 98 46
                                    

Atticus Pov

NANDITO kami sa sala at sama-samang nagkakape. Nandito din si Ruwi na bahay at wala daw siyang balak umalis ngayong araw. Kompleto kaming lahat kaya naisipan namin maglinis ng bahay. 

I sipped my coffee while listening to Salem's gossip. Taga dala talaga siya ng tsismis dito sa bahay. Kahit hindi namin kilala ang pinagsasabi niya ay nakikinig parin kami sakanya. With action kasi siya kapag nag kwe-kwento kaya para siyang tanga sa harapan namin. 

"Nagsaing na ba kayo?" Tanong bigla ni Lucifier.

"Si bunso tanungin mo. Yung paborito mong utusan kasi ay kagagaling lang sa pag pla-plantsya. Baka daw mamatay siya kapag humawak ng tubig." Sagot ni Levi saka kumagat sa hawak niyang tinapay. 

"Problema ba yun.. eh 'di ililibing natin siya. Marami pa namang bakante sa simenteryo ahh.." sabat naman ni Salem. 

"Baka ikaw ang ilibing ko, kayo ni Lucifier. Akala niyo hindi ko alam yang mga ginagawa niyong pangbabae ha! Ubos na pasensya ko sa inyong dalawa!" Inis na sabi ni Ruwi na nahuli na naman ang dalawa na mya kinama. Mabuti pa ako good boy. Hindi talaga ako tutulad kay Salem at Lucifier na panay hanap ng babae. 

"Parang alam ko na kung sino na naman ang nagsumbong samin." Sabi ni Lucifier na tumingin pa sa 'kin. Pinakita ko lang ang gitnang daliri ko dahil pinagbibintangan na naman ako ng gago. 

"Hindi ako! Si Andrei ang tanungin niyo." Depensa ko sa sarili ko.

"Kahit sino pa ang nagsumbong sakanila ay malalaman ko pa din naman. Kapag hindi pa kayo tumigil na dalawa ako mismo maglilibing sainyo!" Banta ni Ruwi kay Salem at Lucifier na napangiwi pa talaga.

"Anong una nating lilinisin?" Tanong ni Raizen.

"Yung mukha mo," pang-aasar na naman ni Salem kay Raizen. Sanay na kami sa dalawang ‘to na walang ginawa kundi mag-away. 

"Buburahin ko talaga yang mukha mo Salem. Tangina ka!" Galit na sigaw ni Raizen kaya tumayo si Ruwi sa kinauupuan niya at naglakad papunta sa iang cabinet namin na may mga dagger. Bumalik siya at may dala ng dalawang dagger at inabot niya Raizen at Salem. 

"Magpatayan na kayong dalawa. Manonood kami." Sabi ni Ruwi saka umupo ulit at kumagat sa tinapay niyang hawak.  Hindi naman kumibo ang dalawa kaya napailing nalang ako. Titigil lang naman kasi sila kapag kinuhaan ni Ruwi ng kutsilyo o baril ang dalawa.

Natapos kaming magkape kaya tumayo na kami sa kinauupuan namin. Si Caiden ang naka tokang maghugas ng pinagkapehan namin at si Theo naman ang bahala sa pagpupunas ng mesa at magwawalis. 

Lumabas na ako ng kusina at tinungo ang maliit na garden na naka konekta sa  field. Magtatanim kasi kami ngayon ng halaman. Kasama ko si Kier, Isaac at Aizen. 

"Saan na naman kaya ninakaw ‘to ni Salem." Saad pa ni Aizen ng makita niya ang mga halaman na halatang ninakaw na naman ng hayop naming kaibigan. 

"Isipin niyo nalang na hiningi ‘to ni Salem." Saad naman ni Isaac na pinulot ang mga halaman na nakahiga sa lupa. Yumuko ako para kunin sana ang isang halaman ng biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko. A red alarm and it means danger. 

Agad akong tumakbo papasok ng bahay at nakita ko pa si Ruwi na nakatitig sa suot niyang bracelet na pinagawa niya sa 'kin.

Tumingin sa 'kin si Ruwi at para bang nakikipag usap siya sa 'kin sa pamamagitan ng mga mata namin. Agad akong tumakbo papunta sa computer room para tignan ang nangyayari. Binuksan ko agad ang dalawang computer maging ang laptop na palagi kong ginagamit. 

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng room ngunit hindi ako lumingon dahil naaamoy ko  ang pabango na gamit ni Ruwi.

"Anong nangyayari, Atticus? Bakit bigla nalang umilaw ang bracelet na ginawa mo?" Tanong  sa 'kin ni Ruwi. 

Crimson Blade Assassination Where stories live. Discover now