Part 4

488 28 1
                                    

Deanna's POV

Ilang araw pa yung lumipas at bakasyon na

Yes!! Sa wakas!!

Nandito kami ngayon sa living room nila Jema, binubuo namin ni Mafe yung lego nya

"Hay! Ang hirap naman! Ate tulungan mo nga kami ni Ate Deanna dito" sabi ni Mafe

"Bahala kayo dyan, ginusto nyo yan diba? Lego kayo ng Lego, parehas na kayong walang ligo!" asar nya samin

Natawa naman ako

"Sinong walang ligo?" tanong ko sa kanya

"Ikaw!" sagot nya

Lumapit ako sa kanya at pinaamoy ko sa kanya yung kili-kili ko

"Aaaahhh!! Deanna ano ba?!"

"Hahahahah! Kahit amuyin mo yan walang amoy yan!" sabi ko sa kanya

"Oo na!" sabi nya pagkatapos tinulak nya ako palayo

Tumingin ako sa kanya habang nakangiti

"Tambay tayo sa dati?" tanong ko sa kanya

"Sa park?" tanong nya

Tumango ako

"Huy! Sama ako!" sabi ni Mafe

"Wag na! Maglego ka nalang magdamag dyan!" pagtataray ni Jema sa kanya

"Iihh! Mamayang gabi na ako maglelego, heheh! Sasama ako" sabi nya

Tumingin sakin si Jema

"Isama na natin" sabi ko

"Sige na nga! Maligo muna kayo!" sabi nya samin

Agad naming sinunod yung utos ni Jema

Ilang oras pa yung lumipas at nandito na kami sa park, bumili ulit kami ng ice cream

"Deanna, kailan yung dating ng mommy mo?" tanong ni Jema sakin

"Baka bukas" sagot ko

Yung totoo sanay na ako na wala si mommy, palagi kasi syang wala sa bahay, mas nasanay ako na kasama yung pamilya ni Jema

Simula kasi nung naghiwalay sila ni daddy palagi na syang nasa ibang bansa, uuwi sya dito pero mag-i-stay lang sya ng ilang araw

"Magiging masaya kana ulit kasi darating na si mommy mo, heheh! Namimiss mo na sya diba?" tanong nya sakin

"Oo naman, namimiss ko sya, pero kasi nasanay ako na palagi syang wala dito" sagot ko

"Kailan kaya mag i-stay ng matagal dito yung mommy mo no?" tanong nya sakin

Nagkibit-balikat ako

"Ewan" sagot ko, "Pero okay lang, basta nandyan lang kayo okay na ako" sabi ko habang nakangiti

Nginitian nya din ako

"Deanna, may itatanong ako sayo"

"Ano yon?"

"Bakit hindi ka nag-a-ate sakin? Mas matanda ako sayo diba?" tanong nya

Napangiti ako

Isang taon lang yung tanda ni Jema sakin

"Hahah! Secret!" sagot ko sabay kurot sa pisngi nya

"Sabagay! Ayaw ko din naman na tawagin mo akong ate, hahah! Feeling ko sobrang tanda ko na" sabi nya

"Matanda ka naman talaga diba?" tanong ko sa kanya

Tiningnan nya ako ng masama

"Ilang taon lang yung agwat natin Deanna, wag kang ano dyan!" sabi nya sakin

TADHANAWhere stories live. Discover now