Part 8

556 30 15
                                    

Deanna's POV

Tulad ng sinabi ni Jema sasama sya ngayon sakin sa pag-uwi, nagpaalam na din sya kay Ricci, ayaw pa sana syang pauwiin ni Ricci dahil hindi pa tapos yung fiesta pero nagpumilit sya, dinahilan nya na pinapauwi na sya ng papa nya

Wala ng nagawa si Ricci kundi ang pumayag, hinatid nila kami sa terminal dahil bus lang yung sasakyan namin

"Jema, tatawag ka sakin pag nakauwi ka ha" sabi ni Ricci nang makarating kami sa terminal

Tinanguan lang sya ni Jema

Napaiwas ako ng tingin sa kanila nang nakita kong hahalikan ni Ricci si Jema

Hindi ko na kasi kayang makita... tama na yung nakita ko kagabi

Maya-maya nasa byahe na kami ni Jema, hindi parin kami nagpapansinan

Madilim na nang nakarating na kami sa Manila

"U-Uuwi ako ngayon sa dorm" sabi ko sa kanya, tumingin sya sakin, seryoso parin yung mukha nya

"Sumama ka sakin, mag-uusap pa tayo diba?!"

Napalunok ako

Yung totoo natatakot ako kapag ganito si Jema

Sumakay kami ng taxi

Maya-maya nakarating na kami sa tapat ng apartment nya

"H-Hindi na ako papasok" sabi ko

"Bakit?!" inis na tanong nya sakin

"Jema napapagod na ako, gusto ko ng magpahinga!" sagot ko

"Pwede kang magpahinga sa loob Deanna!" sabi nya

"Gusto ko ako lang mag-isa!" sagot ko, naiinis na din ako

"Bakit?! Iniiwasan mo ba ako??!" tanong nya sakin

Hindi ako makapagsalita

"Siguro naman masasagot mo na ako ngayon Deanna? Wala na tayo sa bahay nila Ricci, sagutin mo ako, napapagod ka na ba sakin kaya iniiwasan mo ako?!" tanong nya ulit sakin

Napayuko ako

"Deanna! Ano??!" tanong nya sakin

Hindi na ako nakapagpigil

"Oo Jema!" sagot ko

Halata sa mukha nya na nabigla sya dahil sa sagot ko

"Napapagod na ako! Napapagod na ako sayo!"

Kumunot yung noo nya

"P-Pagod na akong sumunod-sunod sayo at pagod na kong magpanggap! Nasasaktan na ko ehh!" mahinahon lang yung pagkakasabi ko pero ramdam yung sakit

Mabilis na nangilid yung luha sa mga mata ko

"....A-Ang sakit na dito oh!" sabi ko sabay turo sa puso ko

Nakatingin parin sya sakin

Tumulo na yung luha ko

"Ang sakit na ng mga pinaggagawa mo eh... h-hindi ko na kaya!"

Nakita kong may luha na din sa mga mata ni Jema

"Napapagod kana pala eh bakit hindi mo sinabi sakin?! Maiintindihan naman kita eh! Sana sinabi mo sakin na 'Jema, ayaw ko na kasi nasasaktan na ako' maiintindihan ko yon Deanna! Sana pinaintindi mo sakin!"

Napayuko ako

"P-Pero hindi ko kaya..." sagot ko

"B-Bakit??"

Hindi ako nakapagsalita

Hindi ko masabi yung gusto kong sabihin

"Deanna sagutin mo ako! Bakit??!"

TADHANAWhere stories live. Discover now