Part 9

513 27 1
                                    

Deanna's POV

Ilang araw na yung lumipas simula nang maging kami ni Jema

Ang sarap gumising sa umaga kapag inlove, feeling ko ako na yung pinakamaswerteng tao sa mundo

Kinahapunan, nandito kami sa gym para magtraining, balik training kasi kami pagkatapos ng sembreak

"Hanep! Iba talaga kapag inlove!" asar ni Tots sakin

Alam na kasi nila na gf ko na si Jema

Ngumiti ako

"Hehehe! Hindi parin talaga ako makapaniwala na gf ko na si Jema" sabi ko

"Anong feeling?" tanong ni Ate Bea

"Masarap sa feeling te Bei, masarap pala sa feeling kapag mahal ka din ng mahal mo" sabi ko

"Sana all" sabi ni Tots

"Doon ka ba matutulog ngayon?" tanong ni Ate Bea sakin

Tumango ako

"O-Oo" sagot ko

"Ayyiiee! Baka mag-ano kayo ha!" asar ni Tots, kahit hindi nya sabihin alam ko na yung ibig nyang iparating

"Huy! Ikaw talaga!!" saway sa kanya ni Ate Bea

"K-Kaya nga" utal na sabi ko

Natawa naman si Tots

"Iba kasi yung tinutukoy ko" 

"Asus! Alam namin yang takbo ng isip mo!" sabi ni Ate Bea kaya natawa uli sya

"Hahaha! Pero Deanns nag-ano na ba kayo??" tanong nya sakin

Feeling ko namula yung mukha ko dahil sa tanong nya

"N-Nag-ano?" tanong ko

"Nagkiss! Ito naman, kung ano-anong iniisip!" sagot nya

"H-Hindi pa" pagsisinungaling ko

Bigla kong naalala yung halik sakin ni Jema kaya napangiti ako

"Hahah! May naaalala to!" sabi ni Ate Bea sakin

"W-Wala ah!" sagot ko

"Hoy! Kayong tatlo magtraining na nga kayo, kwentuhan kayo ng kwentuhan dyan eh" si Ate Jia yan, kakarating nya lang kasi dito

Nagtraining na ulit kami

Ilang oras pa yung lumipas at natapos na din kaming magtraining kaya mabilis akong bumalik sa dorm para maligo at kumuha ng mga gamit

Sa apartment kasi ako ni Jema matutulog

Nang makarating ako dorm agad akong naligo, dahil sa sobrang pagkaexcite mabilisang ligo lang yung ginawa ko

Paglabas ko ng CR nakita ko sila Ate Bea, Ate Jia, Ate Jho, Ate Maddie at Tots na nakahiga sa kama ko

"Hala! Ang bilis maligo! Hahahah!" asar ni Ate Maddie

"Excited ang baby Deanna na yan? Hahah!" asar din ni Ate Jho

"Deanna, siguraduhin mo lang na makakabalik ka dito bukas ng umaga ha! May training pa tayo!" sabi naman ni Ate Jia

"Opo" sagot ko

Kumuha ako ng damit para may pangpalit ako bukas

"Deanns, balitaan mo ako bukas tungkol sa kakainin mo mamaya ha!"

Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya

"Ang bastos mo Tots!" sabi ni Ate Bea

Natawa nama  sya ng malakas

TADHANAWhere stories live. Discover now