Part 11

432 26 3
                                    

After 7 years

Deanna's POV

"Go Deannaa!!! Go ChocoMucho!!" sigaw ng mga tao na nanonood samin, finals kasi at kalaban namin yung Cignal

Ilang years na din yung lumipas at marami ng nangyare, nakapagtapos na ako ng college at naging pro volleyball athletes na din ako, teammates parin kami nila Ate Bea, Ate Maddie, Tots, at Ate Jho. Si Ate Jia naman nasa Creamline na.

7 years na yung nakakalipas pero hindi ko parin makalimutan si Jema, wala parin akong balita sa kanya. Nagfocus ako sa paglalaro ng volleyball, sinikap kong maging magaling para sa kanya

"Deanns, two points nalang at champion na tayo!! Focus!" bulong sakin ni Ate Bea, tumango naman ako

Sobrang lakas ng sigawan ng mga tao, mas marami yung nagchi-cheer samin

Siguro kung nandito lang si Jema isa din sya sa sumisigaw dyan at chinicheer ako

Napangiti ako

Masaya kaya sya kasi pinagpatuloy ko yung paglalaro ng volleyball?? 

Siguro naman updated sya sa buhay ko diba? Kasi hindi naman sa pagmamayabang pero marami din akong fans, isa ako sa pinakasikat na volleyball player dito sa Pilipinas, kapag nasa labas ako palaging may sumusunod sakin para magpapicture, bantay sarado yung bawat galaw ko, siguro nagiging free lang ako kapag nasa condo na ako

Nagserve ako at napangiti ako dahil nag-Ace yon

"Yeeess!!!" sigawan nila

"Waaaaahhh!!! Go Deanna Wong! Ang galing mo!!" sigaw ng mga tao

Napapikit ako at huminga ng malalim

Alam nyo ba kung anong iniisip ko ngayon?? Iniisip ko na nagchicheer sakin si Jema, iniimagine ko na pinapanood nya ako, iniimagine ko na tumatalon sya dahil sa saya

"Deanns! isa nalang!" sigaw ni Tots

Nagserve ako kaso nareceive ng kalaban pero regalo iyon kaya pinalo iyon ng malakas ni Ate Bea kaya score samin... ibig sabihin Champion na kami!

"WAAAHHHHHH!!! CHAMPION NA TAYO!!" sigawan namin

Nagyakapan kami dahil sa sobrang saya, ang tagal kasi naming hinintay to

Maya-maya lang at isa-isa na kaming inenterview

"Ah Deanna, anong pakiramdam?? anong masasabi mo ngayong nagchampion na kayo? Syempre ang tagal nyo ding hinintay to!" tanong ng interviewer

"Hehe! Syempre sobrang saya, sobrang saya maging champion, uhm... first and foremost, I just want to say thank you to all fans of ChocoMucho, thank you kasi hindi nyo kami iniwan! Simula umpisa palagi kayong nandyan, kahit talo kami naka support parin kayo samin. Thank you din mga coaches and sa management kasi talagang nagtyaga sila samin, thank you din sa teammates ko kasi ang sisipag din nila... at syempre thank you din kay God kasi binigay nya yung matagal na naming pinagpi-pray, hehehe! Sana naman Lord makita ko na si Jema, hi Jema! Sana magpakita kana sakin! I miss you! I love you!" sabi ko habang nakangiti kaya nagsigawan nanaman yung mga tao

Lumapit sakin sila Ate Bea at...

"HI JEMA!!!" sigaw nila kaya natawa ako

"Ayon! Hahah! Kung sino ka mang Jema ka magpakita kana daw kay Deanna Wong! Palagi ka nyang binabati dito! Hahahah!" rinig kong sabi ng interviewer sabay tawa

Heheh! totoo yung sinabi nya, tuwing ini-interview ako hindi ko nakakalimutang batiin si Jema

"Deanna! ako si Jema!!" sigaw ng isang babae kaya napatingin ako sa kanya kaso... HINDI 😂😂

TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon