ROA 7

1.2K 24 1
                                    

Chapter 7

Minulat ko ang mga mabibigat na talukap ng aking mata. Malungkot akong tumitig sa puting kisame ng aking kwarto. Hinila ko ang makapal na kumot at ibinalot sa sarili ko. Ang bigat sa pakiramdam, ganito pala iyon.

Pumikit ako ulit at tinaklob sa buong katawan ang kumot. Ayoko kong tumayo at umalis sa kama, gusto kong magmukmok at magpag isa buong araw. Para akong tinakasan ng lakas at wisyo ko para magpatuloy ngayong araw.

Ni hindi ko mapunto kung saan ba ako nalulungkot at nasasaktan, dahil ba napagtanto kong seryoso at lumalalim na lalo ang nararamdaman ko kay Craig o dahil sa narinig ko. Hindi ko alam, basta ang sigurado ako ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

Mahal ko na ata talaga si Craig, nahuhulog na ata ako. Sabi ko crush lang naman 'to! Bakit umabot sa ganito? Ilang taon ko na siyang gusto pero hindi ganito kalalim, kinausap ka lang nahulog ka na agad Miande?!

"Anong oras mo balak tumayo diyan?!" hinila nito ang kumot ko at agad akong nakaramdam ng lamig galing sa aircon.

"Kuya!" reklamo ko at hinila pabalik ang kumot at binalot sa sarili ko, nanliit ang mata niya sa akin at walang kahirap-hirap na binawi muli iyon. Halos malukot ang mukha ko.

Hinila niya iyon at itinapon sa gilid ng kama. Naka uniform na ito at handa na sa training, pero ito ako nakahilata pa rin.

"Tanghali na Miande Yves! Wala kang balak pumasok?"

"Wala kaming pasok Kuya!" dabog ko at bumangon na kahit labag sa loob. Wala na tuluyan nang nagising ang diwa ko.

"Nag declared ba? Sinong may sabi?" pagtataka niya.

"Ako!" sagot ko. Sumimangot siya at ibinato ang isang unan sa akin.

"Tumayo ka na, hindi ka pa kumakain kahit umagahan." seryoso niyang turan bago ito naglakad palabas ng kwarto ko, ni hindi ko siya narinig na pumasok. Ginagamit niya na kahit sa pamilya niya ang natututunan niya sa training, pwede na siya mag akyat bahay.

"Wala akong gana, Kuya." mahina kong saad.

Huminto ito sa pagsasara ng pinto at humarap sa akin, hawak-hawak pa rin ang doorknob. "Bumangon ka na at kumain, wag ka nang pumasok ngayon. Magpahinga ka na lang, at babaran mo ng yelo 'yang mata mo. Para kang pinapak ng langgam at ipis, namamaga ang mukha mo." bilin niya bago nito isinara ang pinto.

Natigilan ako at kinapa ang mata ko, kaya pala mabigat. Sinabunutan ko ang sarili at humiga muli sa kama.

"Anak ng tokwang pag ibig 'to!"

Sinunod ko si Kuya at hindi na talaga ako pumasok tutal late na rin naman ako. Nakakapanibago lang dahil hindi ako nag aabsent dati, kahit bumagyo o bumaha pa 'yan, kahit nilalagnat ako walang nakakapigil sa akin na pumasok.

Kaya hindi ko lubos maisip na dahil lang sa mga narinig ko kahapon ay magbabago ang papanaw ko bigla. Dahil kahit anong pagpipilit ko hindi kong maitago ang tunay na nararamdaman, hindi ko matakbuhan. At parang nanghihingi sa akin ang katawan ng ko ng pahinga.

Hinila ko ang nabuhol na hose at itinapat sa halaman, wala akong ibang magawa kaya nag dilig na lang ako ng mga halaman dito sa garden. Ang mga katiwala lang naman ang nag aalaga dito dahil wala namang hilig si Kuya, e mas lalo naman ako.

Umupo si Raifer sa paanan ko, isa sa mga rottweiler na aso ni Kuya.

"Mababasa ka diyan." sita ko pero parang wala itong narinig.

Hinayaan ko na siya at nagpatuloy na lang sa pagdidilig. Lumulutang ang isip ko sa kawalan kaya nabalot kami ng katahimikan, wala sila Kuya dito kahit ang ibang agents dahil nasa agency lahat. Kaya wala talaga akong makakausap dito ngayon. Pero tama ito, dahil kailangan ko ng katahimikan para mag isip.

Raindrops of Astalièr (Tonjuarez Series IV)Where stories live. Discover now