ROA 11

1.8K 29 4
                                    

Chapter 11

"Akin ang barbeque, Miande!" reklamo sa akin ni Achilles at pilit na kinuha ang karne sa paper plate ko, mabilis ko iyong nilayo sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

"Akin 'to! Ako nakakuha ng huling hiwa!"

Lumapit pa siya sa akin at seryoso na balak talagang kunin ang pagkain. "Ni-reserved ko na 'yan!"

"Anong reserve? Ano 'to parking?" lumayo ako sa kanya at tumabi kay Kuya Rohen pero hinila niya ako pabalik kaya hinawakan rin ni Kuya Rohen ang braso ko.

"Miande! Seryoso gutom pa ako."

"Kanina ka pa kumakain! Ikaw na nga naka-ubos ng barbeque! Highblood ka na, mataas na cholesterol mo!"

"Ang ganda ng katawan ko, hindi mo ako matatakot!"

"Wala sa hulma ng katawan 'yan, pag matakaw ka pwede kang ma-highblood! Doon ka na nga. Pakainin mo na ako." taboy ko sa kanya at sumubo na sa pagkain ko.

Doon ko lang napansin na kanina pa pala kami pinapanood ng mga kasama namin, kahit si Kuya ay tahimik lang na pinapanood kami habang iniinom ang softdrinks niya. Lumipat ang mata ko sa katabi niya na mariin rin na tinitignan kami, pero iniwas ko rin agad.

Lalapit pa sana si Achilles kaya nagtago na ako sa likod ni Kuya Rohen, "Mag lumpia ka na lang, akin kasi 'yan Miande!--"

"Here. Shut your mouth, nakakarindi."

Nabalot kaming lahat ng katahimikan nang tumayo si Craig at ilagay niya sa plato ni Achi ang barbeque niya. Bago siya naglakad palabas ng kubo at bumalik sa dagat. Nagkatinginan kami ni Achi, matapos ay si Thione.

Achilles just shrugged his shoulders and silently went back to Thione and started eating.

Eleven na kami nakauwi kagabi, matapos kasi kumain ay naligo pa ulit sila kahit gabi na at malamig. Naiwan lang ako sa kubo at nagsimula nang magligpit para pag natapos sila, ay makakauwi na rin kami.

May practice pa ako bukas kaya gusto ko na magpahinga.

Busy akong nilalagay ang mga basura sa malaking supot, nang may biglang magsalita sa likod ko.

"Nasaan ang mga plastic cups?" saad ng pamilyar na boses.

Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ang paglilinis, hindi ko na rin siya inabalang lingunin pa.

"Nasa basket na, kumuha ka na lang." malamig kong sagot.

Hindi na siya sumagot at narinig ko na lang ang pagtunog ng supot sa basket. Mas binilisan ko ang pagliligpit ngunit bago pa ako umabot sa may jug ay nauna na siya para kumuha ng tubig. Para akong nakuryente at mabilis na lumayo sa kanya. Muntik ko pa mabitawan ang supot na hawak.

Wala itong pang itaas na damit at basa ang buong katawan.

Napansin niya ang mabilis kong pag galaw kaya napalingon siya sa gawi ko, nakita ko ang pag igting ng panga nito habang kumukuha ng tubig.

"Paki-lagay na lang ang basura mo sa supot kapag tapos ka na." patay malisya kong sabi at inilapag sa may upuan ang supot na puno ng basura. Aalis na sana ako nang mag salita siya.

"I'll go, kumuha lang ako ng tubig. Don't bother to avoid me, just continue cleaning." pigil niya sa akin at siya na ang nagtapon ng nagamit na baso sa supot at padabog na ibinalik iyon sa upuan, bago naglakad paalis at iniwan ako.

Nilakasan ko ang buga ng tubig sa gripo at nag hilamos ulit para mas lalong magising. Hindi mawala sa isip ko ang ekspresyon niya kagabi. Hindi ko alam kung saan ako dapat mabahala at maguilty.

Raindrops of Astalièr (Tonjuarez Series IV)Where stories live. Discover now