ROA 36

19 0 0
                                    

Chapter 36


Ibinalik ko sa kahon ang mga tela na hindi ko nagustuhan. Simula tumira ako rito sa Iloilo, wala naman akong naging trabaho kaya wala akong pinagkakaabalahan. Hindi ako sanay kaya hindi ako mapakali, nabalitaan kong may pa liga sa bayan. May pageantry daw kaya sinubukan kong sumilip para sa paghahanda nila.

Hindi ko napigilan ang magbigay ng komento sa pag aayos ng stage na gagamitin. Sa loob lang naman ito ng plaza pero mas maganda pa rin pinaghandaan ng maayos. Sa ilang buwan ko dito, pabalik-balik ako sa bayan at hindi napipigilan ang pagtatanong nila kung dayo ako. Lagi akong sumasagot kaya ngayon karamihan sa kanila ay kilala na nga ako.

"Miande, ano sa tingin mo ang dapat na ilagay sa bawat gilid?" Lumapit sa akin si Karen. Isa sa mga organizer pero first time niya raw ito.

"Pwede naman ang matataas na vase, lalagyan nalang ng bulaklak. Nakausap ko na si Paolo at siya na daw ang bahala magtanong kay Aling Yena." Sagot ko.

Tumango-tango at inekis na ang nakasulat sa listahan. "Salamat, Miande! Kung wala ka dito hindi mapapadali ang trabaho namin! Ang laki mo talagang tulong!" Halos yakapin niya ako.

Natawa ako sa kanya. "Ayos lang, wala rin naman akong ginagawa. Dadalaw ito ako bukas."

Inayos ko na ang tali ng buhok, medyo nagulo iyon dahil nabusy ako sa pagtulong dito. Medyo mainit rin kaya hindi pwedeng hindi ako nakatali. Hindi naman masyadong mataas ang tali ko pero sapat para masakop ang mahaba kong buhok.

Nagusot rin ang puti kong t shirt kaya medyo inayos ko rin iyon, na pinaresan ko ng fitted jeans at puting sneakers.

"Balik ka talaga bukas! Aantayin ka ni Paolo!" Pang aasar nito, umiling-iling nalang ako. Sanay na sa kantyaw nila.

Tipid akong ngumiti sa kanya. "Sige na, Karen. Oras na ng uwian ng mga bata, pupunta na akong eskwelahan." Paalam ko.

Tumango-tango siya. "Oo, pasensya ka na! Naabala ka na ng mabuti!"

Tumawa lang ako sa kanya at kumaway na paalis. "Basta ang mga tela, bukas ay mamimili ako ulit! Paki balik na ang mga nilagay ko sa kahon!"

Kumaway rin ito sa akin at malawak na ngumiti. "Noted! Ingat ka!"

Nilakad ko lang ang plaza hanggang eskwelahan. Pareho lang naman na nas bayan, sayang lang pag nag tricycle pa ako. Hindi na rin ganun ka tirik ang araw. Makalipas ang halos limang minuto ay nakarating na nga ako sa eskwelahan.

Huminto ako sa gate at tinanaw ang mga batang lumalabas. Natigilan ako nang makita ang isang maputi at batang lalaki na tumatakbo at parang may hinahanap. Ngumiti ako at kumaway upang makita niya ako.

"Ranier!" Sigaw ko.

Mabilis niyang narinig ang boses ko at hinanap kung saan iyon nang galing. Lumitaw ang malawak na ngiti sa labi nito at tumakbo patungo sa akin. I bend down to level our height. Namumula ang pisngi nito at halatang natamaan ng sinag ng araw.

"Ate Miande!" Masayang bati niya at niyakap ako.

Niyakap ko ito pabalik bago kinuha ang backpack niya. Pinatalikod ko siya upang tignan kung basa ba ang likod niya. Sumunod naman ito tulad ng nakasanayan niya.

"Kamusta ang pag aaral?" Tanong ko habang pinupunasan ang likod nito gamit ang panyo.

"Ayos naman! Very good daw ako sa assignment ko sabi ni Ma'am!" Proud na proud na tugon nito, natawa ako at pinaharap na siya nang matapos ako.

"Wow! Sabi sa'yo tama ang gawa mo." Kunyari ay namamangha kong sabi.

Ngumuso ito at kinamot ang gilid ng ulo. "Kasi tinulungan mo ulit ako, Ate." Diretsahan niyang sabi.

Raindrops of Astalièr (Tonjuarez Series IV)Where stories live. Discover now