Chapter 1- Hero again?

12 6 0
                                    

RUTH 'S POV

Muntikan na akong nalate sa klase dahil may aksidente sa highway kanina at dito yung dinadaanan ng bus na sinasakyan ko papuntang paaralan. Habang nakatengga kami sa loob ng bus  ay may biglang manganganak na babae. Dahil sa aming sitwasiyon ay hindi rin namin siya maitatakbo sa ospital kase nga may aksidente at labis ang trapiko sa ngayon na halos hindi umuusad ang mga sasakyan. I want to ignore her pero patuloy siyang nanghihingi ng tulong sa akin at hindi ko siya matanggihan dahil naka nursing school uniform ako ngayon. Mamaya mapagalitan pa ako ng aming prinsipal kung dedeadmahin ko yung pasiyenteng manganganak. Baka ma expel pa ako sa first day ng klase namin kung magbubulagbulagan ako ngayon. Buti nalang ay nanonood ako sa mga delivery procedures videos sa internet at kahit papaano ay may idea ako kung ano ang aking gagawin. May tumulong din naman sa akin na lalaking naka itim kaya mas napadali yung pagpapaanak ko sa babae.

Pagkatapos kong mapaanak yung babae ay maayos ko naman siyang inasikaso hanggang dulo. Hinatid ko pa siya sa ospital at pinaliwanag sa mga doctor yu v mga naganap kase VVIP pala nila yung babae kanina. Bakit kase nag bus pa kung mayaman naman? Careless... Patu tuloy ako naabala.

Nakaupo ako sa pinaka likod na hilara ng mga upuan kase mas nakikita lahat mula dito. Pero bakit sila nakatingin sakin? I looked at myself in the mirror and napaka haggard ko! Nilabas ko yung wet wipes pinunasan yung mukha ko. Hinugasan ko ng alcohol yung mga kamay ko at inamoy kung ito'y malansa at mukhang hindi naman. Naglagay ako ng kaunting lipgloss sa aking labi at nilugay ang akin maalon na buhok, sinuot ko din ang bilog kong eyeglasses at nilabas ang aking laptop. Boom!I'm fresh again. But they're still watching me...Bakit sila nakatingin sa akin? What's wrong with these people? I looked around and the professor just came in.

"Good morning class, let's check the attendance"

Paunang ika niya saka inumpisahang magcheck ng attendance. Tuazon yung apilyedo ko ngayon kaya naman nasa hulihan ang aking pangalan sa alpabegikong pagkasunodsunod. 'Nga pala, napakabata pa lamang ng aming propesor at kung siya ay titignnag mabuti ay mukhang nasa limang taon lamang ang aming agwat. How did he became professor in such a young age? Nevermind, ako nga halos di nag highschool pero nasa kolehiyo pagkatapos lng kumuha ng mga pagsusulit  kaya hindi imposibleng magkaroon ng mga batang professor.

"Ruth Jercy Tuazon" He called my name so I raised my hand upang ipaalam yung aking presensiya. He stared at me and I also stared at him intensely. His cold demeanor is terrifying at ganoon din naman ako.

"Stand up" Sabi niya kaya ako'y tumayo. Pinagtitinginan naman ako ng mga kaklase ko. Bakit nanaman? Did I do something wrong? Kanina pa kayo ah..baka gusto niyong tawahin ko si kamatayan para sunduin kayo?

"Do you know what you've done this morning?" Tanong ng aming propesor.

"Which one? I did a lot of stuffs this morning" sagot ko kase totoo naman eh. Napakarami kong ginawa at hindi ko alam kung alin doon ang kanyang tinutukoy.

"The thing in the bus" sabi niya. Ahh! Someone might post my video earlier. Sa totoo lang ay dapat hindi ko iyon hinawa sapagkat ako ay isang second year lamang at wala pang karanasan sa mga pang propesiyonal na gawain pero hindi ko rin matanggihan dajil naka yuniporme ako ng pang nursing student. Kaya naman kahit may gawin ako o wala ay mayayari ako pero dahil wala namang nangyaring masama sa mag ina kanina ay may laban naman ako. I might sent to prison  or got expelled if something happened sa mag-ina but how can I just ignored the lady when I'm wearing my Nursing uniform diba? Tulungan ko man o hindi ay may mapupuna sa akin.

"Yes Sir, I'm aware of what I did but if the situation happened again, I'll do the same thing" I said with confidence pero ng totoo hindi ko na ito gagawin muli. May mga umiirap, may tumatango na tila'y sumasangayon sakin at may mga nakangiti lang. Kaya pala kayo nakatingin kanina ay dahil dito. Nagviral nanaman ba ako?

Former Mercenary Goes To CollegeWhere stories live. Discover now