B: DRAFT OF A MURDERER

64 5 6
                                    

If you've been given a chance to retell your life, how do you want to be written?

If I'm in control, I wanted to be a perfectly crafted human who do not sin. Although, I am well aware that it is impossible because we are all sinners, but for me it's much worse, I do sin a lot, and that made me afraid to call God.

They say, 'God made humans in his own image' so I wonder what am I in his own point of view since he Himself was the creator?

Does He hate me for ruining His image as much as His people on earth loathe my kind?

For now, I am unsure. I can only prove that when I'm on the peak of my epilogue. I will know His judgement when my own story close its page.

ANG mata ko'y mulat na nakapokus sa isang babaeng nakaupo sa isang mesa sa entablado. Abot-tainga ang ngiti niya sa mga taong kumpulan na kanina pa nakakabinging humihiyaw. May mga camera din na nakatutok sa kaniya at bawat salita nito'y paniguradong nakakatatak sa isipan ng mga humahanga sa kaniya. Pinagmasdan ko ang mga taong narito.

Seeing from these people, they were highly devoted to her and her works. She really was highly praised. Her words can really move mountains, huh?

Halos kalahating oras din ang akong nakasamang nakinig sa mga matatalinhaga niyang mga salita. Napapitlag ako ng may biglang tumabi sa kina-uupuan ko.

"What took you so long, Angelus?" seryosong asik ko kay Angelus na tumatagtak pa ang pawis at hinihingal.

"Sorry, muntik na akong mahuli ng mga guwardiya. Buti na lang mabilis akong nakatakbo," hingal na hingal pa na wika nito sabay abot sa akin ng isang libro. Kumurba naman ang ngiti sa labi ko.

"Glad, you find and bought me a copy," galak na litanya ko.

"Hindi ko 'yan binili, patago ko lang na kinuha roon sa tatanga-tangang baba-" I cut off his words.

"Say that word again and I swear I'll cut off your tongue, Angelus," seryosong saad ko at matalas siyang tinitigan kaya napatikom na lamang ito ng bibig.

"The book signing will now start. Please follow the protocols and stay on your line," anunsiyo ng host.

"Prepare your hands for a get ready with me make-up death tutorial, Angelus. I'm ready to be dead. I hope I will," wika ko kaya bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Tumayo na ako, hawak-hawak ang libro para pumila.

"I don't want a pink lipstick, Angelus, it should be black, keep that in mind, or else I'll hunt you in your sleep," huling paalala ko sa kaniya at saka iniwanan na siya sa upuan.

Nakasuot ako ng itim na bestida at nakahanda na pangburol. Nalalapit na ang katotohanan. Malapit ko nang makuha ang inasam-asam ko. Ang pirma ng kamatayan.

I'm next on the line. This is it!

Tumatalon-talon akong lumapit sa kaniya kaya napansin kong umiba ang awra ng mukha nito. Malamang ay nawierduhan siya sa akin.

"Puwede niyo po ba akong turuan kung paano pumatay?" bungad na bati ko sa kaniya kaya nakuha ko rin ng tuluyan ang atensyon niya.

Malakas kong inilapag ang libro niya sa lamesa kaya napapitlag ito. Matalas ang mga titig niya sa akin, sa puntong 'yon alam kong binabasa niya ang pagkatao ko, ngunit ilang sandali pa ay ibinaling na lang nito ang atensyon sa librong ipapapirmahan ko. Nang buksan niya ang unang pahina, napakuyom ito sa nasaksihan kaya bahagya akong napangisi. May isang maliit na note roon na nakalagay.

 May isang maliit na note roon na nakalagay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Who Shall Kill Me? Where stories live. Discover now