CHAPTER 1

26 6 0
                                    

CHAPTER 1

~THIRD PERSON POV~
Sa isang nayon meron mag asawang Alejera at Ares, meron silang anak na sila Aletheia at Alexio.

Ngunit nagkaroon ng problema ang mag asawa na humantong sa hiwalayan at dahil sa kakulangan sa pera mas inuna muna ni Alejera, na umalis ng kanilang mundo at mamuhay sa mundo ng mga tao.

"Nay', kayo napo ang bahala kila Aletheia at Alexio, mag iingat kayo rito mahal na mahal ko kayo" saad ni Alejera.

Kahit mahirap sa'kanya kailangan niyang lumayo para sa ikakabuti ng anak.

"Sige na umalis kana Alejera, baka magising pa sila Aletheia at Alexio, mahihirapan kapang maka alis niyan" saad ng ina ni Alejera na Valentina.

"Sige napo kayo na 'ho ang bahala sa dalawa" ngumiti si Alejera, at tuluyan nang nag paalam sa ina.

Pumasok na si Valentina sa kanilang bahay upang tignan kung gising paba ang dalawang bata.

"Alexio, alam kong gising ka" saad ni Valentina, kaya naman ka agad na bumangon si Alexio, at nag tanong sa kanyang Lola.

"Lola, hindi napo ba babalik si Mama?"tanong ng batang si Alexio.

"Apo,  wag kang mag alala dahil sa tingin ko hindi naman magtatagal doon ang Mama mo babalik din siya pag may sapat na siyang pera pang buhay sainyong magkapatid" saad ni Valentina.

Naniwala naman ang bata sa sinabi ng kanyang lola, kahit ang totoo hindi na ito muling magbabalik at magpapakita pa sakanila.

"Apo sige na matulog ka muna ulit" utos ng kanyang lola.

Sa lugar nila walang utos at batas na dapat sundin lahat may karapatan mamuhay ng payapa at malaya.

Sa pamumuno ni Reynang Kilofa, naging maayos ang lahat marami ang magagalang at hindi pa uso ang patayan lahat may karapatang mabuhay.

Mahirap o mayaman may katungkulan o simpleng mamamayan ay may karapatan.

"Kelan kaba uuwi Alejera, ayokong magsinungaling sa mga anak mo hindi ko alam kung babalik kapaba o hindi na" sabi sa sarili ni Valentina.

"Valentina,nasaan si Alejera? Hinahanap siya ni Ares?" saad ni Mang Nastor, ang ama ni Ares.

"Nastor, wala na siya umalis na siya ng nayon" paliwanag ni Valentina.

"Hindi maari ang mga apo ko nasaan!!" sigaw ni Mang Nastor.

Nauwi sa pagtatalo at sigawan ang dalawa hindi nagpapatalo si Mang Nestor at patuloy niya parin gustong makuha ang dalawang apo niya.

"Akin na sila Aletheia at Alexio!" pag pupumilit si Mang Nastor.

"Hindi mo sila maaring makuha dahil sa akin sila inihabilin ni Alejera!" sigaw naman pabalik ni Valentina.

"May karapatan din kami sa bata,Valentina kaya ibigay mo na siya sa amin!" sigaw ni Mang Nastor.

"Ayoko kahit anong mangyari hindi ko ibibigay ang mga apo ko sainyo!" padabog na isinarado ni Valentina ang pinto.

Samantalang patuloy parin sa pag wawala si Mang Nastor, hindi parin ito tumitigil sa pag sigaw at patuloy na kinukuha ang dalawang bata na si Alexio at Aletheia.

Samantalang ayaw naman ibigay ni Valentina, ang dalawa sapagkat hindi naman mababantayan ito ng maayos kahit na may kaya sila Mang Nastor at ang anak nitong si Ares, ay wala parin tiwala si Valentina sa kanila.


PURPLEMOON💜

BECOME A DEMON(DEMON SERIES#2) Where stories live. Discover now