CHAPTER 3

16 5 0
                                    

CHAPTER 3

~ALETHEIA POV~
Pagkatapos namin ilibing si Lola Valentina kaagad kaming umuwi ng bahay ni Kuya at nagpahinga saglit.

"Kuya" tawag ko.

"Oh?" sagot niya.

"Turuan mo ako gumamit ng armas gusto kong ipaghiganti si Lola" kaagad akong lumapit kay kuya at umupo sakanyang tabi.

Napatingin si kuya sa akin at huminga nang malalim.

"Aletheia,sigurado kaba sa desisyon mo?"

"Oo naman kuya gusto kong ipaghiganti si Lola" sagot ko.

"Pana o espada?" tanong niya.

Napatayo ako at kaagad na pumunta sa harap ng bintana. "Kuya ayokong gamitin ang mga armas na iyan wala nabang iba!" pasigaw kong sambit.

"Ano gusto mong pag-aralan?" tanong niya.

"Kahit ano basta wag lang ang pana at espada mas masasaktan lang ako pag naalala ko kung pano nila pinatay ang lola" pa-iyak na saad ko.

"Wala ng ibang armas na maaring gamitin Aletheia liban nalang kung gusto mo pag aralan ang martial arts."

"Wala nabang iba kuya?" reklamo ko.

Mapili ako sa lahat ng bagay pag hindi ko nagustuhan hindi ko talaga magugustuhan kaya nga wala akong masyadong kaibigan dahil sa sobrang mapili ko.

Sa pag-iisip ko kung ano nga bang armas ang gagamitin ko kaagad akong pumunta sa kwarto ng aming ina ilang taon narin namin itong hindi nabubuksan.

"Saan ka pupunta?" tanong ni kuya.

"Kuya nasaan yung susi ng kwarto ni Mama?" ako naman ang nag tanong.

"Bakit mo hinahanap?" siya ulit ang nagtanong.

"Sisilipin ko lang" sagot ko.

"Nasa taas ng aparador" sagot naman niya.

Kaagad akong pumunta sa aparador na tabi ng kwarto ni Lola hindi niya sa amin ito pinapabukasan hindi ko naman mawari kung bakit.

Kumapa ako sa taas ng aparador at doon kona ito nakapa kaagad ko itong kinuha at sinubukan ko nang buksan yung pinto ng kwarto ni Mama.

I slowly entered this room that was full of dust and dead insects.

At sa gilid ng kama ni mama nakakita ako ng isang malaking kahon kaagad akong lumapit sa kahon at hinipan ko ang ibabaw nito.

Binuksan ko ang kahon at tumambad sa akin ang isang malaking armas hindi ito pamilyar sa akin ngunit dinampot ko parin ito.

Hanggang sa may napansin akong isang sulat sa isang kapirasong papel kaagad ko itong binasa.

“ Take care of it as I take care of it”

—Alejera

"Alejera?"

*FLASHBACK*
"Lola maari ko po bang magtanong kung ano ang pangalan nang aming ina?" tanong ni kuya Alexio.

"Oo nga po Lola" sabat ko.

"Oo sya sya mga apo sasabihin kona ang pangalan ng inyong mga Magulang" kaagad kaming lumapit kay Lola.

"Ang pangalan ng inyong ina ay Alejera Sally Salazar at ang inyong ama naman ay si Ares Salazar, kasal ang inyong mga magulang ngunit naghiwalay din sila dahil sa isang away na hindi napagkasunduan" kwento ni Lola.

Nalungkot ang aming mukha sa aming nalaman.

*END FLASHBACK*

"Kung gano'n galing ito sa aming ina" nakangiting saad ko.

Agad akong lumabas ng kwarto ni mama at pumunta sa kinaroroonan ni  kuya.

"Kuya! Kuya! Meron tignan mo may armas si mama na nakatago" nanlaki ang mga mata ni kuya.

"Ngayon ko lamang ito nakita ah" namamangha saad niya.

"Kuya marahil nasa libro yung pangalan ng armas na ito saglit hahanapin ko lang sa Weapon's book ko" kaagad akong pumasok sa aking kwarto at hinanap ko ang libro ng mga armas.

Nahanap kona ang libro at hinanap ko yung katulad ng armas na nahanap ko sa kahon ni Mama.

"Ito na ata kuya kaparehong kapareho sa armas na iyan" binasa ko ang nakasaad sa libro.

"Sniper isa itong uri ng baril" saad ni Kuya.

"Delikado yan Aletheia!" sigaw ni kuya.

"Wala namang mawawala kung susubukan ko diba?" napangisi nalang ako.

"Mag ingat ka Aletheia hindi madali ang sniper!" paalala ni kuya.

Binasa ko ang nakasaad sa libro at inaral ko itong mabuti.

"Ikasa ang baril at itutok ito sa iyong target"

Kinuha ko ang baril at agad akong pumuwesto sa harap ng bintana at itinutok ito sa isang ibon.

At hindi ko inaasahan natamaan ko ang isang ibon laking tuwa ko ng unti unti kona itong natutunan.

"Aletheia!" sigaw ni Kuya.

"Kuya kung makikita mo lang natamaan ko yung ibon" tuwang tuwa sabi ko.

"Aletheia naman! Sinabihan na kita sa pag-gamit ng armas na iyan hindi ka talaga marunong sumunod!" sigaw sa akin ni kuya.

"Kuya gusto ko po itong pag aralan kaya sige na payagan mona ako" pag mamakaawa ko.

"Hayss oo na sige na tuturuan na kita!"

"Yehey!!"

PURPLEMOON💜

BECOME A DEMON(DEMON SERIES#2) Where stories live. Discover now