CHAPTER 5

20 5 0
                                    

CHAPTER 5

~ALETHIEA~
NASA KALAGITNAAN, ako ng pagsasanay ko tinuturo narin sa akin kung paano humawak ng armas at kung paano makipag laban gamit lamang ang aking mga kamay.

Nakakapagod at walang tigil ang pagsasanay hindi narin ako nakakadalaw sa aking kaibigan dahil mas inuuna ko ang pagsasanay ko.

Ang hirap pala pag marami kang responsibilidad nakakapagod at nakaka pressure kaso para sa minamahal mo gagawin mo talaga ang lahat para ipaglaban sila.

"Kuya pagod na ako" reklamo ko.

"Hindi ka pwedeng mapagod konti nalang Alethiea matatapos na tayo" saad ni Kuya. "Ilang buwan na tayong nag sasanay at nakikita ko na unti unti mo nang natutunan kung paano makipag laban hindi ka pwedeng sumuko" natahimik ako sa sinabi ni kuya.

"Balik na tayo sa pag eensayo"

Kahit pagod ay pinag patuloy parin namin ang pag sasanay.

Ilang oras ng nakalipas ay natapos narin kami pinayagan na nga ako mag pahinga ni kuya papasok na sana ako ng bahay ng may narinig akong sumigaw mula sa likuran ko.

"Ahhhggg" sigaw ni Kuya.

Agad akong napatingin sakanya nakita ko ang kanyang dibdib may nakatusok ditong bala ng pana.

"Kuya..." agad kong nilapitan si Kuya.

Tumingin ako sa rooftop ng bahay nang kapitbahay namin may nakita akong isang hugis ng lalaki na ang sama ng tingin sa akin.

Binabalak ko sanang habulin ito ngunit hindi kona naabutan.

Muli kong binalikan si kuya upang tignan yung sugat na natamo niya hinawakan niya ang aking pisngi.

"Alethiea, sa darating na panahon gusto kong matuto ka at tumayo ka sa sarili mong mga paa ayokong umasa ka kung kani-kanino" hingal na saad niya.

"Kuya wag muna rin akong iwan..." mangiyak ngiyak na saad ko.

Hindi na nag salita si Kuya.

"Kuya wag plss wag pati ikaw iiwan ako Kuya!!!" napalakas ang pag iyak ko.

Unti unti ng bumagsak ang katawan ni Kuya at nawalan siya ng buhay sa mga bisig ko.

Katulad din siya ni Lola iniwan ako hindi ko alam kung paano na ako mag sisimula muli kung wala na yung mga taong mahahalaga sa akin?.

Mga ilang Oras din ay kaagad na nilibing si Kuya hindi uso rito sa amin ang pag libing ng ilang araw sa mga bahay dahil para lamang iyon sa mga mayayaman.

Ang hustisya ay hindi kampi sa amin dahil wala kaming Salapi.

"Alethiea, sorry ngayon lang ako nakapunta sinasanay kasi ako ni Inay e" saad ni Annasandra.

"Ayos lang sa akin Anna, ang mahalaga ay nakapunta ka" saad ko.

Yumakap siya sa akin ng mahigpit. Kahit kailan talaga hindi niya ako iniwan lagi nalang siyang nandyaan para sa akin.

"Sabay tayo pasok bukas ah" saad niya.

"Syempre naman" tugon ko.

"Saka nga pala kay Mama kana mag paturo ng armas na ginagamit mo" napatingin ako sakanya.

"Seryoso ok lang kay tita?" tanong ko.

"Oo parang kapatid naman kita kaya for sure akong ok lang sakanya" nakangiti namang sagot niya.

Minsan nga na cu-curious ako sakanya kung may kapatid ba siya pero sa tingin ko meron dahil yung baby picture niya may punit tapos yung sa pic ni Anna, may kamay ng isang bata.

BECOME A DEMON(DEMON SERIES#2) Where stories live. Discover now