EPILOGUE

15 2 0
                                    

EPILOGUE

~ALETHEIA POV~
SUMUKO na kami hindi nalang kami lumaban dahil sa totoo lang wala kaming laban kahit labag ito sa amin para rin naman sa kaligtasan namin ito kaya no choice kami.

"Totoo ba 'yan sumusuko na kayo" tuwang tuwa na saad ni Urianna.

"Oo mahal na Reyna" saad ni Kailiff.

"Kung ganon tinatanggap kona kayo" nagkatinginan kaming lahat. "Dahil ayoko narin magkagulo mas maganda sa buhay yung peaceful lang" dagdag nito.

"Tawagin ang mga katulong upang makapag handa tayo ng maraming pagkain" utos niya sa mga dama.

Sumunod sakanya yung mga dama. Napahawak nalang ako kay Knyve, sa sobrang kaba dahil sa buong buhay ko pinangako ko sa aking sarili na hinding hindi na ako susuko sa buhay kailangan kong lumaban!.

Ayoko nalang na nandito lang ako pero para sa kaligtasan namin mas pipiliin ko nalang ito tanga na kung tanga pero para rin naman ito sa aming lahi.

Sumunod kami kay Urianna, dinala niya kami sa malaking lamesa ang daming pagkain ang nandito para kaming bibitayin. Pinaupo niya na kami at inumpisahan nang kumain.

Konti lang yung kinain namin dahil hindi namin alam baka may lason na inilagay rito delikado na baka mamatay agad kami at hindi pa kami makaganti.

"Konti lang yung kainin natin mamaya may nilagay palang lason dito e'" bulong sa akin ni Knyve.

"Alam ko" bulong ko rin.

Pagkatapos namin kumain agad naman kaming nagpahinga sa labas ng palasyo hinayaan lang kami ni Urianna, lumabas kahit kailan talaga uto uto siya.

Habang nilalasap ko ang simoy ng hangin nang mapansin kong tahimik si Hezekiah, sa isang gilid tahimik lang ito at kanina pa walang imik agad ko siyang nilapitan.

"Alam kong hindi mo parin tanggap" bulong ko sakanya.

Tumango lang siya at umiwas ng tingin at mapansin pansin yung pagpupunas niya ng luha. Niyakap ko siya maririnig mo sakanya yung hikbi niya alam kong masakit i'yon para sakanya pero hindi naman natin masisi si Brice, kung bakit niya nagawa i'yon.

Hindi na ako galit sakanya dahil bago kami pumuntang palasyo kinausap niya ako at ipinaliwanag niya sa akin ang lahat. Gusto niya lang daw maligtas si Hezekiah, dahil ang sabi sakanya ni Kailiff, ayaw na ayaw daw ni Urianna, ang mag-ibigan dahil pinapapatay daw nito ang babaeng iibig.

"Siya parin" hikbi niya.

"Ramdam ko pero i know you will be able to get through the pain and move on" saad ko.

Hinawakan ko ang kanyang balikat at mas lalong lumapit sakanya.

"Siguro nga mas mainam na mag move on nalang ako" pinunasan niya yung luha niya.

"Alam mo ba ang sabi nila Meeting a right person at a wrong time is a myth" napatingin siya sa akin.

"Maybe, I don't deserve love" mas lalo pa siyang Napa-iyak.

"Hezekiah.." Singit ni Gianna. Lumapit siya sa amin at niyakap si Hezekiah. Sumunod din si Archi, sa akin naman siya lumapit at yumakap.

"Sorry nakita niyo pa akong umiiyak" nakangiti siya habang pinupunasan yung luha niya.

"Stop apologizing for your emotion, your emotion is valid" singit din ni Archi.

"Tayo nalang yung girls kaya dapat tayo nalang din yung magtutulungan" paalala ko.

"Pero hindi ko kayang magalit kay Gianna" napayakap kaming lahat kay Gianna.

"Wag niyo nang ipaalala!" Sigaw niya.

"We will never be this young again, do what makes you happy" saad ko.

"Enjoy nalang natin yung life kahit maraming nangyari"saad ni Archi.

"Anong nangyayari bakit nagkakaiyakan kayo?" Tanong ni Knyve.

"Wala may naalala lang kami" sagot ko.

Lumapit din sila sa amin at pinag aakbayan kami napatingin nalang kami sa kalangitan na nakangiti kahit masakit sa amin lahat nangyari mas pinatuloy parin namin ang lumaban.

"Aletheia, may gustong sabihin si Knyve, sayo" saad ni Brice.

"Amm ano 'yon?" Tanong ko.

"Aletheia, I liked you from the first time we met. I already knew that I would feel something for you, so I hope you don't mind that I like you." Nabitaw ako sa pagkaakbay ni Knyve.

"Let me heal Knyve, I promise I will never waste your feelings" napangiti siya.

Nagsigawan naman lahat ng mga kaibigan ko muli niya akong inakbayan wala naman sigurong masama kung sumubok muli pero sa ngayon ayoko munang palitan si Kieler, dahil hanggang ngayon siya parin pero gaya ng sabi ni Brice, hindi ko raw makakatuluyan yung first love ko.

Maraming nang-iwan sa akin pero itong mga kaibigan ko never akong iniwan nanatili silang kaibigan ko at ramdam kong mahala ako para sa kanila mahalaga rin naman sila sa akin pero wala nang papantay sa mahalaga ng pagsasama namin.

Kung bibigyan man kami ng pagkakataon bumangon ang mag umpisa muli hinding hindi kona ito sasayangin idadaan kona ito sa tamang proseso nang hindi ako nakakasakit ng kaibigan ko.

Now I'm become a demon i will fight for those I love

~~~

"At dito na nagtatapos ang kwento ni Lola" saad ko sa aking apo.

"Nay, grabe pala yung pinag daanan ninyo" umiiyak na saad ng anak kong si Alicia. Lumapit ito sa akin at yumakap.

"Lola nanghihina po kayo" saad ng aking apo na si Athena.

"Kinuwento mo yung buhay mo sa huling buhay mo" umiiyak na saad ng aking anak.

"Susunod na ako sa ama mo at sa mga kaibigan ko sigurado a-akong i-ina-antay na n-nila a-akong m-ma-maalam" utal na saad ko.

Papikit na ang aking mga mata rinig ko ang mga hiyawan at mga iyak nila nalulungkot ako dahil hindi kona nasusubaybayan yung paglaki nang aking apo na si Athena, at hindi kona ma guguide si Alicia, sa pag aalaga ng anak niya.

At masaya naman dahil makakasama kona ang mga kaibigan ko dahil nakita ko muli sila nakangiti nila akong sinalubong kompleto kaming sampo.

"Kieler"
"Kailiff"
"Annasandra"
"Aletheia"
"Knyve"
"Brice"
"Hezekiah"
"Cassandra"
"Archi"
"Gianna"

END.

~~~~~
"Matuto tayong lumaban kahit tayo ay napag-iiwanan gawin nating inspirasyon at magpatuloy na bumangon sa buhay"—PurpleMoon_18

BECOME A DEMON(DEMON SERIES#2) Where stories live. Discover now