Erin: Meeting Him

39 5 6
                                    

Ilang sabado na din akong lumalabas pero this coming Saturday ay team bahay ako. Buti pa kuya ko may outing bukas, gala nanaman. Mid June na pero may outing pa sila. Sinusulit pa talaga.

Ako nga pala si Erin. Isang unemployed na babaeng aspiring na maging writer. Ito ang gusto ko eh.

"Sige pre, pasok ka." Lumingon lang ako saglit sa kuya ko pero binalik din ang tingin sa TV dahil gusto ko tong pinapanood ko.

"Kapatid ko at Papa't Mama ko." Pakilala nya sa amin. Lumingon ako sa kanila at tinanguan ang kasama ni kuya. "Officemate ko, si Nico. Ganyan talaga, puro kami gwapong mag kakaibigan." Pag yayabang pa ni kuya.

Tumalikod kagad ako sa kanila at nanood nalang ulit. Sa totoo lang ay hindi ko narinig ang name nya. Nadistract ako kasi ang gwapo nya. Umupo sya sa may bandang likod ko kaya umusod ako ng unti para matamaan sya ng electric fan. Maliit lang kasi ang bahay namin at sala pero malinis naman.

Dumiretso si kuya sa dining area at kumuha ng tubig para sa kanilang dalawa. Pareho pa silang naka basketball jersey at mukang pagod. Iniwan ni kuya ang bola nya ng basketball sa kwarto at baumalik sa sala kung nasaan kaming dalawa.

"Dito ka pre. Mainit dyan." Saway ni kuya sa kaibigan na nasa pinaka likod na upuan. "Dito ka oh." Sabay turo sa upuan malapit sa akin.

"Hindi, okay lang." Napansin ko na nahihiya sya at pinipigilan ko lang ang ngiti ko way deep inside. Ang lalim ng boses nya at ang malumanay.

"Hindi. Dito ka na." Pilit pa ni kuya at lahad ng upuan sa kanya. Umupo na nga lang sya at napansin ko ang malaki nyang braso. Oh. My. God. Bakit parang ang yummy nya?

"May pagkain ba Erin?" Tanong ni kuya kaya tumayo ako para pumunta sa kusina. Mauubusan ako ng hangin dun.

Ipinaginit ko sila ng ulam namin kanina na nilagang baboy na lutong ko pa mismo. Nakakahiya ang luto ko, ang tigas kasi ng karne na niluto ko. Wala tuloy akong guts na ipagmalaki na luto ko to.

Tanaw ko mula sa kinauupuan ko sila and nakakatuwa na sumasali sya sa pa trivia ko kay kuya.

"Sobra ang cool nga eh. Yung Rhum na mismo ang umaakyat para mapalitan ang water sa taas. Ang galing." Sabi ko as I explain kung anong nangyari sa isang experiment sa Street Smart ng National Geographic.

Yaya ang peg ko ngayon dahil ako pa ang nag ligpit ng pinagkainan nila. Pampalakas ba. Hehe. After ko mag ligpit ay sumali na ulit ako sa kanila sa sala. Tapus na ang isa pang episode ng Street Smart kaya nilipat ko. Wala naman silang reklamo kung san ko dalhin ang channel. Nilagay ko sa HBO at exsakto na Grown Ups 2 ang palabas. We watched the movie and ang gwapo din ng tawa nya. Kinakagat ko nalang ang labi ko para maiwasan ang pag ngiti kahit wala namang nakakatawa sa part. Nangingiti ako sa tunog ng tawa nya.

Sa kalagitnaan ng movie ay naisipan kong mag hugas ng plato. Napanood ko na kasi to and malaya na akong ngumiti nang parang tanga dahil nakatalikod naman ako sa kanila. Nyehehehe. At yun nga ang ginawa ko habang nag huhugas. Reviewing the arm muscles and the face that I saw earlier. Yung amoy nya na kahit kakagaling sa pag ba-basketball ay hindi maasim. Syet talaga. Ang landi ko. Hahaha.

After kong maghugas ay nag shower na ako. Sinuot ko na ang spaghetti strap top ko at hindi naman short na shorts na pantulog ko. Si kuya naman ang nag shower after ko.

Ayaw ko pang matulog! Insomniac naman talaga ako eh kaya di pa talaga ako aantukin kahit na 11pm na natapos ang movie.

"Hindi na kayo matutulog?" Tanong ni Mama sa kanya habang nasa shower pa si kuya.

"Hindi na po tita. 2am po ang alis namin dito eh. Sa byahe nalang po." Magalang na sagot nya kay Mama. Lord, bakit ang perfect nya?

Bumalik pa ako sa sala kahit na naka PJs na ako dahil gusto ko pang manood ng Ancient Aliens na pinapanood nya. Naupo ako sa isang mono block habang nakaupo naman sya sa sofa. Naka bun ang buhok ko dahil nag shower nga ako kanina kaya binaba ko na. Lande lang? Tawa pa more!

Nang lumabas si kuya sa cr ay sya naman ang pumasok.

"Ito yung ilaw pre, pasok ka lang. Walang maninilip sayo dyan." Biro pa nya sabay tingin sa akin. What did that suppose to mean!

May ka text si kuya na mga ka officemate pa nya yata para sa kitaan nila mamaya. Nakatingin ako sa phone ko nang lumabas sya and... TOPLESS!!

HOTNESS OVERLOAD!!!

Hindi ko ma check kung may kakaway sa aking mga pandesal sa may bandang stomach area nya pero di makakaligtas sa akin ang well firmed muscles nya sa arms. Hindi ako makapaniwala na may ganitong kaibigan si kuya. I have a crush on one of his highschool barkada before pero payatot kasi yun, but this one? Gosh lakas maka wattpad prince in real life. Pwede akin ka nalang?

Mga 1:40 ay umalis na sila kuya. Nasa higaan na ko nun at sumigaw nalang ng "Ingat!" sa kanila while in my room. Nang wala na sila ay nag paikot ikot ako sa higaan while nag pipigil ng tili. Sa mga ganitong pagkaataon ako nag sisisi bilang only girl. Walang mapagsabihan ng kilig ko ngayon!

Dahil babae ako at I just want to take this kilig out, I went into Facebook and broadcast it to a group I am in kahit na alas tres na ng madaling araw. Kinikilig kasi ako at feeling ko ay di ako makakatulog pag hindi ko ito nasabi kahit kanino.

Feeling ko hindi ako makakatulog hangang sa wala akong napag k-kwentuhan nito. Kinuha ko ang phone ko at pumunta sa Facebook. Gusto ko mag status about sa kanya pero hindi because duh, I have my brother there! Very wrong move yun kung sakali. Kaya ang ginawa ko eh nag post nalang ako sa group na sinalihan ko sa Facebook at dun nilabas lahat ng ka-ewanan ko. Hindi na ako nahiya pero I found refuge there. Bahala na kung mapagsabihan. I just have to get it out of my system para dalawin na ako ng antok. Sana nga...

Just A CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon