Erin: Displacememt

12 1 0
                                    

May family dinner kami ngayon. Nakaugalian na kasi namin na mag dinner buong angkan kahit walang anu mang okasyon. Makapag sama sama lang. We love to bond kasi, a very tight family.

I was busy with my phone nang naisipan kong puntahan ulit ang page nya. Ewan ko pero feel ko lang pumunta. Ngayon ko nalang ulit pinuntahan ang page nya after last time.

"Tita Dana, tignan mo to. Officemate ni kuya." Ipinakita ko sa tita ko na 5 years lang ang tanda sa akin ang picture ni Nico. She's single at kasing age nya lang sya.

"Oh. Officemate ni Ron yan? Gwapo ah." Sabi ni tita, gwapo nga ang loko.

"Dinala ni kuya yan sa bahay last week at teh, mas gwapo yan sa personal." Pag mamayabang ko. Wala kasi ako ma-kwentuhan nito sa bahay kaya naisipan kong i-share sa kanya ang tungkol kay Nico. Being an only girl suck sometimes.

"Talaga? Huhm, maguusap kami mamaya ni Ron. Tawagin mo ko pag nandyan na sya ah." Biro pa ni tita sabay tawa. Nakitawa nalang din ako kahit na sa loob loob ko ay plastic na ko. Haha. Displacement pa more. Hahayaan ko sya ang mag tanong further more about kay Nico. Talino mo talaga Erin! Mwahahaha.

Nag kakainan na kami nag dumating si kuya. Kumukuha ako ng salad nang narinig ko ang usapan nila.

"Hoy Ron, may pag uusapan tayo." Panimula ni Tita.

"Luh. Ano yun?" Biglang tanong ni kuya dahil sa seryosong approach kanina ni Tita.

"Haha. Wala. May sinabi kasi si Erin kanina." Sagot ni tita as we walk towards our table.

"Ano naman yun?" Kuya asked as we get settled in. Nasa may round table sila samantalang nasa maliit na rectangular naman ako na di naman kalayuan sa kanila.

"Wala. May pinakita kasi si Erin sa akin na picture, officemate mo daw." Itong tita ko talaga na to, walang hiya. Okay lang, at lease makakahagilap ako ng info about Nico.

"Loko ka talaga Erin, bakit mo sinabi dito kay Tita ang kay Nico." Pabirong sabi ni kuya. Hilig kasi naming asarin ang tita naming to eh. Sya lang ang tita na nag papa bully sa mga pamangkin nya. Hahaha.

"Pinakita ko lang naman. Alam mo na. Hehe." Palusot ko.

"Sus. Unti lang naman lamang sa akin nun eh. Sa abs lang. Ikaw ba naman, kung ang sports mo eh basketball at American football eh, kung di maging ganun ka ganda ang katawan mo." Pagmamalaki ni kuya sa kaibigan. Sheze, he's so sporty. Kaya pala ang ganda ng build nya. And syempre, ang gwapo pa nya. Wattpad prince in real life indeed. Hayyy...

"Grabe pala yang kaibigan mo Ron." Said tita na mukang manghang mangha na din kay Nico.

"Psh. Wala ka nang pagasa dun Tita. May nililigawan na yun." And that sentence echoed in my head.

"May nililihawan na yun..."

Ouch. Wala na pala talagang pag asa, give up na... Game over. Hayyy..

"At seryoso sya dun." Dagdag pa ni kuya.

Naman oh. Bakit ganun? Bakit parang masakit? At tsaka wala naman akong hika katulad ng buong immediate family ko ah pero parang ang hirap huminga. Tama ba to? Crush ko lang naman sya ah. Nung highschool nga ako eh iba't iba ang crush ko every school year at nung college naman ay isa lang pero hindi naman ako nakaramdam ng ganito. Bakit iba?

Hay.. Nasosobrahan na yata ako kakabasa sa wattpad kaya ang OA ko nang mag react. I just met the dude once at mukang hindi ko na sya makikitang muli. Crush lang ito, madaling mag move on. Wait, move on eh crush mo lang naman. Oh come on Erin, you're so much better than that.

After mag dinner ay pahinga konte then nanood kami ng insidious 3 sa Mac book ng pinsan ko. Tilian kami ng tiliang mga girls na kinainisan ng mga oldies. Hahaha. Idadaan ko nalang sa horror para makalimot and it actually works, for a while.

Just A CrushDonde viven las historias. Descúbrelo ahora