Erin: Stalker Mode

17 1 0
                                    

Sunday na ng gabi nakabalik si kuya mula sa outing nila sa Puerto Galera. Sya na talaga! Samantalang ako ay nasa bahay ng Lola ko para sa isang family diner. It was nice and I'm not saying na hindi sya worth it. I love my whole family. My cousins are crazy but very cool. They are also my travel buddies. Halos malibot na namin ang buong Luzon. Kung kilala mo si Jonaxx sa Wattpad ay parang kami ang Montefalco family sa Mindanao. Except of the part na clubbing and partying so much. We party but music and jamming is our thing.

Well then, balik sa aking Wattpad Prince into reality crush ko. Nahihiya ako kay kuya na mag tanong ng anything about him. Lalaki sya at bakit sya ang k-kwentuhan ko about my crush di ba. Nakakainis dahil wala akong choice. Wala din kasi akong pan load para maitext man lang ang closest cousin ko na nasa antipolo.

But one Tuesday, umalis sila Mama para makilamay sa kaibigan ni Papa na namatay. Kami lang ng bunso kong kapatid ang nasa bahay nang dumating si kuya from the office.

Tyumi-tyempo ako kung kelan ko ibo-brought out ang topic about him. I need to know at lease his name. Pero eto na. Lakas ng loob lang yan!

"Kuya, yung Officemate mo na sinama mo dito, mukang bata pa ah." There! I said it! I was able to open it up. Good job Erin!

"Si Nico? Hindi ah. Matanda sa akin yun ng dalawang taon." He exclaimed.

"Ahh. So mga nasa 25 na sya." Tango tango ko. "Cute sya ah." Dagdag ko pa na halos pabulong.

'Okay lang yun! 5 years lang ang agwat nyo!' Sabi ko sa isip ko.

"Tropa ko eh. Wala akong tropang panget. Alam mo yun, tatlo lang ang lamang sa akin nun eh." Nakakunot pa ang noo nya. Hinintay ko syang ipagpatuloy ang sasabihin nya. "Una, mas maputi sya sa akin."

"Oo naman no!" Tawa ko sa kanya. Pareho kasi kaming moreno.

"Pangalawa, mas magaling ng unti sa akin yun mag basketball." Dagdag nya.

Now that caught me of guard. Magaling mag basketball si kuya. Sa family namin na mahilig mag basketball, halos lahat ng mga pinsan kong lalaki ay magagaling mag laro ng basketball and my brother is the quickest. Maliksi sya like Miyagi sa Slamdunk na anime. Isa syang magaling na point guard. And this guy he says is much better than him? Wow!

"And lastly." Talagang may pause pa and grin for the last part. "Mas firm ang abs nya kesa sa akin."

At dun ko na nakagat ang labi ko. Syeeettt!!! Alam talaga ng kuya ko ang weakness ko. Lord, sya na ba ang para sa akin. Please Lord, Please! Sana sya na ang hinihintay ko for 20 years of my life. Pa birthday mo na sa akin sa July, please! Lahat ng standards ko nasa kanya na!

"Gwapo na sya, di na cute. Hahahaha. Baka naman pamin yan kuya." Biro ko pa. Mabuti nang makasiguro di ba? Hahaha.

"Hindi. Lalaki yun. Ikaw talaga." Tawa din ng kapatid ko.

"Mabuti nang sigurado. Naalala mo yung sa Bataan last time. Ang gwapo sana di ba pero ang voice, chos!" Tawa ko. After ng tawanan namin ay umalis na sila ng bunso kong kapatid para mag laro na ng dota somewhere. Kunsintidor talaga tong si kuya. Maaga kaya ang pasok ng mga yan. Bahala silang hirap gumising sa umaga.

By Wednesday ay naisipan ko syang i-search sa Facebook. I went to my brother's account and search from his friends. I tried typing Nico from his friend list pero madaming Nico, pero buti nalang ay nakita ko ang mga tagged pictures nya sa mga inupload na photos ng girlfriend ni kuya from their outing kaya naghanap ako ng pic nya doon. Mag ka officemate din kasi si kuya at ang girlfriend nya kaya kasama din yun sa outing nila.

Nakakita din ako ng picture kung saan tagged sya at huala! Nakita ko na account nya. Dahil dalawa ang mutual friend namin ay medyo na istalkan ko ang account nya. Puro tagged pics lang ang nakikita ko at parang gumawa lang sya ng Facebook account dahil may Facebook. Hindi sya active at sobrang boyish ng page nya. Simpleng profile pic at walang cover. Lakas ng dating nya talaga sa akin. Dunno why?

Nakakaasar lang dahil hindi nakalagay ang birthday nya. Halatang hindi talaga sya palahalungkat ng FB. Nakakatuwa din na madaming natuwa sa pinost ko sa group about sa kalandian kong ito. Natatawa nalang ako na isiping may kinikilig din para sa akin. Hahahaha.

Nakita kong online din sa FB ang pinsan ko na pinaka close ko kaya nag chat kami. Una ay tungkol sa story sa Wattpad na sinusubaybayan namin hangang sa napunta na sa pag-amin ko sa kanya that I have a new crush. Actually, ngayon palang ako umamin sa kanya na may crush ako. Lakas maka highschool lang. Lels. Puro artista at singer lang kasi ang crush ko eh. :)

Me: May bago akong crush.

Me: Hahaha.

Klare: Sinoww? Hahaha

Me: di ka gwapuhan sa picture pero gwapo sa personal. Officemate ni kuya.

Klare: Haha. Lemme see.

Me: *sent a link

Me: Ganda katawan nyan teh at mas magaling daw yan mag laro ng basketball kay kuya. May abs pa. Hahaha

Klare: One thing I learned on crushing on kuya's acquaintance is, DON'T

Me: Why?

Klare: Well first, it's awkward. And second, your kuya will hate you for it, I guess. Hahaha. And third, you will always be looked at as a creepy little kid...

Klare: No matter how old you actually are.

Me: he's 25 at alam ni kuya na crush ko yun. Well I think it was obvious for him. He's a guy too.

Me: So I should NOT add him???

Klare: No. You should not. Hahaha.

Klare: It's creepy for his part.

Me: Okay.

Klare: It's for your own good.

Me: I understand. T^T

Now I don't know what to do. People from the group where I shared this told me to pursue him but my closest cousin says no. What am I gonna do?

Well. I guess the answer is obvious. I have to go with a smart choice. I will go with my cousin.

But I really like him. Hayy. Siguro kung gusto nya ako ay sya na mismo ang mag a-add sa akin. Pero hindi. I guess hangang dito nalang to. Nico and I will never happen I guess. :(

(A/N: Fan po talaga ako ni Queen J kaya naisipan kong gamitin ang name ng dalawang characters nya dito pang substitute sa names namin. Hehe. Klare Ty and Erin Montefalco. Sya si Hendrix ko. Lels. ^_^v)

Just A CrushDove le storie prendono vita. Scoprilo ora