Erin: Date?

11 1 0
                                    

"Erin, lalabas kami para manood ng Minions, sama ka?" Kuya asked.

"Sure! Gusto ko yan. Kahit third wheel ulit ako." Pag papayag ko naman.

"Sige, maligo ka na. Alis tayo ng mga 2:30." At nanood na sya ng eatbulaga habang nag c-coc.

Tuwang tuwa naman ako kasi mapapanood ko na ang Minion. Okay lang na third wheel basta mapanood ko sya. Bait talaga ng utol ko. O baka dahil malapit na ang birthday ko? Di bale, basta mapanood ko ang Minion, yun ang mahalaga.

"Oo nga pala, di lang tayong tatlo, kasa ibang mga officemate ko." Pahabol ni kuya as I was about to enter the bathroom.

He said what!!

I keep my cool and look back at him then said.

"Okay." At tumalikod na ako. Pagkatalikod ko ay iba't ibang facial expression ang ginawa ko. Oh my, kasama kaya sya?

Mag kukuskos pa sana ako ng husto kaso ay kinakatok na ako ng tatay ko sa banyo dahil sa tagal ko at na na-number 2 na daw sya. Kaya sa ayaw at sa gusto ko ay lumabas na ako sa banyo nang nakabihis.

Nalate pa kami ni kuya kasi um-atack pa sya sa coc nya. Obvious naman na addicl sya noh. Sa aming mag kakapatid ay ako lang ang walang coc. Di ko kasi gets eh.

Dinaanan na namin ang girlfriend ni kuya at pumunta na ng mall. Nag miryenda pa kami sa food court ng Greenbelt habang hinihintay ang mga kasama nila.

Bumaba kami para pumunta sa NBS dahil may pinapabili ang kapatid ng gf ni kuya sa kanya kaya hinanap namin. Humiwalay ako sa kanila at nag punta sa mga wattpad published books. Nakakita ako ng heartless and naisipan kong lubuslubusin na ang kabaitan ng kapatid ko at mag papabili sana ako. Dumampot din ako ng mga Sudoku puzzles para kay Papa para pa good shot effect. Pumayag naman ang kapatid ko kaso may isang book pa akong nagustuhan and I end up buying that one instead. Di ko nalang sasabihin kung ano yun, hehe.

Pag labas namin ng NBS ay nakita ko sya. Ayun sya... May kasamang babae.

Ang magaling kong kuya ay hindi man lang ako ipinakilala pero base sa pangangasar ng gf ni kuya ay na figured out ko na ito ang nililigawan nya na officemate din nila.

Hindi ko man lang sya nginitian o tinanguan. Nagkatitigan lang kami and he half smiled. Syete naman oh. Nag uusap usap sila so ang labas ko ay parang fifth wheel. Great... Huhuhu. Why did I agreed to this in the first place? Oh right, baka kasi nandito sya. Oo nandito nga, may kasama naman.

Sa Greenbelt na talaga kami nanood at habang bumibili sila ng ticket ay nandun lang ako sa dulo, may sariling mundo. Malapit lang si Nico sa akin at naisipan kong buksan ang mga binili ko sa NBS. Pag bukas ko ay nahulog ang resibo at akma dapat nyang dadamputin pero inunahan ko na sya. Why do you have to be such a gentleman!!!!

Nag thank you nalang ako sa kanya at ngumiti sabay baling na ulit kung saan.

May isa pang officemate si kuya na classmate nya since highschool and college na crush ko naman during that time. Sinamahan nya lang kami pero hindi sasabay sa panonood dahil kasama nya ang family nya, how sweet.

Nag puntahan kami sa Seattle's Best para kunin ang free namin from the movie we, I mean they, purchased.

Nagsi-partner-an sila pero ako ay tahimik lang. Tinanong nila kung ano ang gusto ko pero I declined, I don't drink coffee kasi, and to my surprise ay Nico declined too.

Nagsi order na sila sa loob because our table is outside. Nasa mga 9 na kami pero ang mga magagaling ay iniwan ako dito. Buti nag paiwan ang isa sa kanila which is yung friend ni kuya since highschool na naging crush ko din.

Nilabas ko nalang ang libro na binili ko para tignan muna when he spoke.

"Nag susulat ka?" He asked. Yep, yung book na ipinagpalit ko sa Heartless ay isang book about writing.

"Ah. Feelingera lang, hehe." Nahihiyang sagot ko. Is he really trying to start a conversation with me? Oh. My.

"Ano naman ang sinusulat mo?" Second question.

"Wala lang. Mga fictions, ganun." And I smiled at him. Syet he smiled too. Ang cute nya talaga. Si Nico kasi ay gwapo. Nyehehe, may bias na ako.

"Ikaw yung kapatid ni Ron di ba? Si Erin?" Third question.

He knows my name!!!

"Ah, yeah." Simpleng sagot ko. Keep it cool Erin, keep it cool. I kept that mantra.

Tumingin sya sa phone nya at tumayo na. Di man lang sya nag paalam na aalis na sya. Am I that boring to him? Napanguso nalang ako.

So ang nagyari ay naiwan na ako ditong magisa na taga bugaw sa mga mag tatangkang umupo sa table namin. Ang hirap nun noh. Pasalamat sila mabait ako, hmp!

They have their coffees now and I want to leave that place. Even the smell of coffee is making me nauseous. Kaso nahahanddle ko pa naman so I stayed. Baka masabihan pa akong maarte. Call me a freak for being a bookworm and writer wanna be who doesn't love coffee.

After sa coffee ay umalis muna kami para bilhin ang book na pinapabili ng kapatid ni gf ni kuya. Hinintay pa kasi namin ang confirmation nung kapatid bago bilhin ang 1k plus na book na yun.

When we came back ay almost complete na kaya nag decide na sila where to eat.

Just A CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon