Chapter Five

234 9 0
                                    


TINATAWANAN lamang ni Duncan si Dixon na nagsesermon sa kanya sa gitna ng hapunan. Kung sa mga magulang nga nila ay nagkaroon na siya ng immunity sa mga sermon ng mga ito tungkol sa mga kalokohan niya sa buhay, makikinig pa ba siya sa kakambal siya?

"Dix, magkaedad lang tayo. Matanda ka lang ng ilang minuto sa akin kaya huwag kang umaktong parang Kuya ko," kontra niya dito.

"You're not acting like an adult, James Duncan!" exasperated na bulalas naman ni Dixon na katonong-katono ng panenermon sa kanya ng kanilang ama.

"Could you please quit treating me like a kid?" naiinis nang sabi ni Duncan. "Alam ko ang mga ginagawa ko. I've been surviving adulthood just fine and dandy. Iba lang ang pamamaraan ko sa mga bagay-bagay kesa sa iyo, but that doesn't mean that I'm doing it wrong, dear brother. Hindi mo puwedeng asahan na tutulad ako sa iyo sa lahat ng bagay. 'Tang-na-loob, magkamukha na nga tayo, pati ba naman sa personalidad ay kailangang magkapareho pa? Ang boring nu'n. Saka magkaiba lang naman tayo ng mga tinatahak na daan. You chose to take the straight road while I chose the winding path just because I thought it'd be more exciting. I just deal with life in a different way, Dix. You need to get over it already," litanya niya.

Ayaw na ayaw niyang kinukumpara siya kay Dixon. Dati ay nagagawa niyang ipagwalang-bahala iyon ngunit mula nang makilala niya si Melina at ipamukha nito na nakakahigit daw si Dixon sa madaming bagay sa kanya ay nasaling ang ego niya. Biruin mo, mayroon din pala siyang ego!

"Then stop flirting with Melina!" pagbabalik ni Dixon sa topic.

Tumawa uli si Duncan. "Ano ba talaga ang eksaktong isinumbong niya sa iyo?"

"Sinabi niyang gusto mo siyang landiin at naiinis siya sa iyo."

He grinned. "Right." Hindi pala ini-elaborate ni Melina kay Dixon ang mga panglalandi niya dito. "Relax ka lang diyan, wala naman akong ginagawang masama sa kanya."

"Wala pa." Umiiling na uminom ng tubig si Dixon. "Kelan ka ba talaga titino, Dunn?" tanong nito sa kanya nang mailapag ang baso sa mesa.

"Kung magsalita ka naman ay parang ang sama-sama kong tao," hinampo niya.

"You need to straighten up your life, seriously! Tumatanda ka na, kailangan mo nang isipin ang kinabukasan mo."

"You're talking as if I'm a bum! May trabaho naman ako, hindi ba? I'm making good money, I have a health and life insurance. I'm pretty good, thank you very much."

"Tinanggap mo lang ang trabahong iyon dahil iyon ang gusto mong lifestyle. May libre kang nightout."

"Tinanggap ko ang trabahong iyon dahil mataas ang sahod," tanggi niya ngunit hindi niya naman maililihim na ini-enjoy niya talaga ang trabaho sa Escape. Bilang manager ng club ay parte ng trabaho niya ang nasa floor siya't nag-i-entertain ng mga customers doon. Baha ang alkohol at babae gabi-gabi para sa kanya. Mga babaeng hindi niya naman naikakama dahil iba ang gusto niyang makasiping.

"Saka sabi ko naman sa inyo ni Thomas na kung may available lang na magandang posisyon sa Riders ay doon ko talagang gustong magtrabaho. Magaling ako sa sales talk. Kita mo nga, sa maikling panahon kong pagiging freelance sales agent ng Riders ay may mga napagbentahan na ako."

Dalawa sa tauhan ng club sa Escape ay nakumbinse niyang kumuha ng Yamaha motorcycle at kahapon ay nakausap niya ang restaurant manager na bumili naman ng Honda CRV. Nagbukas din siya ng account sa Sulit.Com upang dumami ang kanyang mga kliyente.

"Sigurado akong ubos na ang komisyon mo."

"Nasa bangko po ang pera ko. Seriously, Dix, you need to leave me alone! Bakit ba maligalig ka na lang lagi? Lemme guess, wala ka pa ring s3x life kahit may steady date ka na, ano?"

Dreamlovers: Duncan And Melina (PREVIEW ONLY)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin