Chapter Two

4.4K 93 20
                                    


"BAKIT hindi mo sinabi sa aking sexy pala ang landlady mo?" nakangising tanong ni Duncan kay Dixon nang pumasok siya sa loob ng inuupahan nitong duplex. Muli siyang naglagay ng kape sa kanyang tasa na napabilis yata ang paghigop niya dahil sa panunuyo ng lalamunan.

That hot chick was turning him on! Kahit black yoga pants at white tank top lamang ang suot ni Melina nang makilala niya ito kanina ay pagkaganda-ganda pa rin ito sa kanyang paningin. And, sexy. She was very sexy! Maganda ang kurbada ng katawan nito, maliit ang beywang, bilog ang balakang at tayong-tayo ang mga dibdib. And, her butt... He could just imagine himself digging his fingers on those firm mounds, scooping them as he grind his pelvis against hers.

F*ck! Umagang-umaga ay kahalayan na agad ang nasa isip niya.

And just when did he easily got arouse like this? Sure he had a healthy libido, but it would take more than just a woman clad in clothes while sweeping the ground to turn him on. Mayroong mahika o gayuma yata si Melina at daig pa niya ang naengkanto sa alindog nito!

"Huwag mong malandi-landi si Melina, Dunn. I'm warning you!" asik sa kanya ni Dixon na sumunod na kumuha ng kape mula sa coffeemaker.

"May warning agad?" natatawa niyang sabi. "And what's with the hostility, Dix? Ano naman ngayon kung lalandiin ko siya? Naalala kong sinabi mong single pa siya."

"Huwag mong itulad si Melina sa mga babae mo. Disente siya."

Muli siyang tumawa. "Kung magsalita ka, parang balahura lang ang mga babae ko."

"Balahurang kagaya mo!"

"Well, excuse me, Mr. Nice Guy. Hindi lang kami boring kagaya mo," kantiyaw niya sa kakambal.

Kahit magkamukhang-magkamukha sila ni Dixon ay sa ugali sila nito nagkakatalo. They were the exact opposite. Dixon was a bit anti-social, often quiet, serious and straight-living; while he, on the other hand, was talkative, carefree and a playboy. Para kay Dixon, ang buhay ay pinagpa-planuhan at sineseryoso; para sa kanya, ang buhay ay isang malaking palaruan at nabubuhay ang mga tao sa mundo upang magpakasaya at maglibang.

"Bakit ba ura-urada kang pumarito?" sita pa sa kanya ni Dixon.

"E, nasa bakasyon ako. Naisipan kitang dalawin dito, masama ba 'yun?" nakangusong sagot niya.

Humingi siya ng dalawang linggong bakasyon mula sa Makati branch ng Hive, isang sikat na music-cum-sports bar kung saan siya ang assistant manager. Tatlong araw ang lumipas na puro good time ang inatupag niya nang maisipan niyang magtungo sa Rosario upang dalawin si Dixon at ang kanilang paternal cousin na si Thomas na nakatira din doon.

Halos isang taon na rin si Dixon na lumipat sa Rosario mula sa Maynila mula nang bigyan ito ng trabaho ni Thomas bilang sales manager ng Riders, isang dealership na nagbebenta ng iba't-ibang klaseng mga brand new at pre-owned vehicles; pati jetski, speedboat at yate ay binibenta din roon. Pag-aari ng ama ni Thomas ang Riders, ang nawawalang mayamang ama nito na kailan lamang nito natagpuan. Tumira muna si Dixon sa bahay ni Thomas bago ito lumipat sa duplex na pagmamay-ari ni Melina. Ayaw daw kasi nitong makaistorbo sa privacy ni Thomas at ng misis nitong si Carlee. Kahit kailan ay napakarami talagang kaartehan sa katawan ang kakambal niya. Praktikal nga itong mag-isip, ngunit madalas ay ang simple ay ginagawa nitong kumplikado, ang maikli ay pinapahaba nito, pati ang comedy ay ginagawa nitong drama. Hindi niya talaga masakyan ang trip nito sa buhay!

"Ikaw na siguro ang pinakahuling taong kilala ko na dadalaw sa probinsiya," sabi pa ni Dixon.

"Boring din sa Maynila pag nakabakasyon," aniya.

Siguro dahil sa pagtatrabaho niya sa Hive ay naumay na din siya sa panggabing gimikan. May access na siya sa clubbing gabi-gabi, kaya bakit pa siya sasama sa kanyang mga barkadang gumimik sa gabi habang nakabakasyon siya? He needed to do something new. And he thought going to Rosario was a good idea. Matagal na ring hindi siya nagagawi sa beach. Saka sikat na tourists' destination ang Rosario dahil lumalaki na ang popularidad ng surfing sa Pilipinas.

Dreamlovers: Duncan And Melina (PREVIEW ONLY)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang