Chapter Six

470 9 0
                                    


NANG nakarating sila sa duplex ay nagsalo sina Melina at Dixon sa kape sa porch. Doon ay ikinuwento ni Dixon sa kanya ang tungkol kay Haley.

"Haley was my first love." Ngumiti ito nang mapait, kasing-pait ng boses. "My first and only true love. I was twenty-one and she was twenty when we first met. Mayaman ang pamilya nila at ayaw sa akin ng kanyang biyudang ina. Itinago namin ang aming relasyon hanggang sa umabot sa puntong nagpasyang makipagtanan sa akin si Haley. Nang magkita kami sa sinabi niyang tagpuan namin ay aksidenteng nabaril siya sa tagiliran, tinamaan ng ligaw na bala mula sa mga drug pushers na hinahabol ng mga pulis."

He paused, parang nag-iipon ng lakas para ipagpatuloy ang pagkukuwento. Nag-crack ang boses nito nang magpatuloy. "S-she almost died, I was so scared I didn't know what to do. Inaway ako ng Mommy niya, tinakot. Sinabi niyang hahayaan niyang mamatay si Haley at sisirain niya ang buhay naming mag-anak kung magpapatuloy pa ako sa pakikipagrelasyon sa kanyang anak. Kaya nagdesisyon akong putulin na ang lahat sa amin. Sa panahong iyon ay dalawa lang naman ang mayroon ako: Pride at ang pag-ibig ko kay Haley. Hindi ko na inisip ang kaligayahan ko. Inisip ko ang kalagayan ni Haley at ang kabutihan ng pamilya ko. So, I broke up with her without telling her the truth about her mom's blackmail. Sinabi ko na lang na hindi ko na siya kayang mahalin pa."

Bumuntong-hininga ito at tumingin sa mga bituin. "Hindi na kami nagkita mula noon. Ang huli kong narinig nang magkita kami ng pinsan niya ay nasa Amerika na daw siya at hindi na muling bumalik pa ng Pilipinas. Hanggang sa magkita muli kami sa beach house na iyon..." Mapakla itong tumawa. "Would you believe that we were really planning to buy a house by the beach in the future? Pero noon iyon, noong mga bata pa kami at puno ng pangarap. Noong akala naming kaya naming harapin ang mundo na kaming dalawa lang."

"It's a beautiful love story," nakangiting sabi ni Melina nang matapos si Dixon sa paglalahad. "Pang-telenovela, kumpleto pati kontrabidang nanay," biro pa niya pero sa loob-loob ay naiinggit siya kay Haley. Would she ever find true love like that? Kaya ba iyong ibigay sa kanya ni Duncan na siyang nakatadhana niyang makatuluyan?

"It already ended, almost in a tragedy," malungkot na sabi ni Dixon.

"May sequel pa. Book two," pagpapalakas niya sa loob nito. Babae siya, alam niyang hindi makikipaghalikan nang ganoon si Haley kay Dixon kung wala itong nararamdaman para sa dating nobyo.

Tumawa si Dixon saka umiling.

"You two really belonged together, Dixon. I can feel it."

"You think so?"

Tumango siya. "Naniniwala ka bang may nakatakda na talagang tao na para sa iyo? Iyong isang taong iibig sa iyo at iibigin mo rin nang habangbuhay?"

"Para mo na ring sinabing nakaguhit na ang kapalaran natin sa mundong ito."

"Nasa atin naman kung susundin natin iyon, hindi ba? Look, you found your true love on Haley but you chose to let her go before because you felt it was the right thing to do. Sometimes, I think, nakakatagpo na natin ang tunay na pag-ibig, pero sa iba't-ibang kadahilanan ay ayaw lang nating bumigay, o pinipili nating tumalikod na lang. It's sad, but it happens sometimes."

"Hindi ka ba talaga in love sa akin, Melina?" tudyo ni Dixon.

Kinurot niya ito sa tagiliran. "Oh, I wish. I wish in love ka rin sa akin at walang Haley na asungot." Tumawa siya. "But seriously, what are the odds na magkikita pa kayo ni Haley, hindi ba? Sa inyong dream house pa kayo nagtagpo. A serendipity. That's so romantic, Dixon! Sa tingin ko taaga ay pinaglapit kayong muli ng kapalaran para bigyan kayo uli ng chance."

"You know what, Duncan told me the same thing," nangingiting sabi ni Dixon.

"Really?" gulat na sabi ni Melina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dreamlovers: Duncan And Melina (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon