Spade and Angel
Nakasunod ang paningin ko kay Spade habang buhat buhat si Angel sa likuran niya. He look nervous. Kitang kita rin na nag-aalala siya. Marahil ay malalim ang pinagsamahan nilang dalawa.
Hindi ko na mawari ang gagawin ko. Susunod ba ako o huwag nalang?
Napatitig ako sa ice cream na dala ko. Meron nga pala akong dala nito. Baka matunaw 'to kapag hindi ko agad naibigay don kayna Timothy. Siguro naman ay kaya na ni Spade ihatid si Angel sa pinakamalapit na hospital. Magpapaalam nalang muna ako sa kaniya---.
“Astair!"
Saktong naisip ko na magpaalam, tinawag ako. Napatakbo ako palapit sa kanila. Nakahinto si Spade sa may tapat nung bench kanina. Ibinaba niya don si Angel.
“May number ka ba nina Yvo? Ni Tristan o kahit sino?"
Cellphone mumber? Teka, parang meron!
Kinalakal ko 'yung phone ko. Ang tanda ko ay mayroong number na ginamit si Yvo para ipantext sa akin noong tintext niya ako ng death threats.
Nasaan na 'yon?
“Ayun! Meron. Wait, tawagan ko." pagkausap ko kay Spade na nakatingin kay Angel na wala pa ring malay. Halatang nag-aalala siya.
Hindi na 'ko nakapag-isip. Dinial ko na agad ang number ni Yvo. Sana lang sagutin! Namumutla na si Angel e. Wala pa naman akong dalang pamaypay.
“Kelangan niya ng tubig."
Tumango si Spade sa akin bago tumakbo papunta sa bilihan ng tubig. Umupo ako sa kalapit ni Angel na wala pa ring malay. Ipinaypay ko 'yung kamay ko sa kaniya.
“Hello?"
Sa wakas! After ilang ring sinagot na niya! Teka. Paano ko ba kakausapin 'to si Yvo? Nakakatakot naman humingi ng tulong sa kan--. Hindi! Kaya ko 'to! Napalunok ako bago magsalita.
“Yvo.."
Tongono, George. Sa dami ng sasabihin, 'yan lang nasabi mo?
“Napatawag ka, Georgina."
Napaawang ang labi ko sa sagot niya. Paano niya nalaman na ako 'to?
“Kelangan ko ng tulong mo! Nahimatay si Angel! Nandito kami ngayon sa may katapat ng ice cream, sa may 2nd floor. Puntahan mo na siya dito, hindi pa rin siya nagigising--."
“Yan lang ba ang sasabihin mo?"
Huh? Maang na napatingin ako sa phone ko.
“Ano ba, sa ibang araw mo nalang ko awayin!"
“I thought may maganda kang sasabihin sa'kin. Something interesting." I can hear him scoff. “Tapos eto lang? I have no time for this."
Shete. Ngayon pa talaga siya nagkaroon ng sungay. Naikuyom ko ang kamao.
“Yvo, this is urgeant--."
“I don't care. I'm not wasting my time--."
Napahugot ako ng malalim na hininga bago magsalita to cut him off.
“Please."
Hindi ko kelanman inexpect na magmamakaawa ako kay Yvo. Pero kelangan. Alam ko na kahit gustuhin ni Spade na siya ang magdala kay Angel ay hindi niya gagawin. Mas lalo namang hindi maaasahan sina Timothy para tumulong kay Angel. Wala akong choice.
Wala akong narinig na ingay sa kabila. Ang tahimik. Hindi siya nagsasalita.
“Please. Pumunta ka na dito ngayon din. Yvo--."
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus Season 2
Non-FictionNoblesse High The school that she transferred to── eskwelahan kung saan niya naranasan ang hindi pa niya nararanasan. She met a lot of people, mga kaibigan lalo't higit ang mga kaaway. Sa pagdaan ng araw, will she be able to find strength para magp...