Sunrise
“Are we there?"
"Mukhang wala pa." Sagot ko kay Corine na kanina pa tanong ng tanong.
"Are we there yet?"
"Wala pa nga."
"Omyghad. Dito na ba yon?"
Napapasapo nalang ako sa noo. Kanina pa sila tanong ng tanong. Bawat makikitang mataas na lugar, nagtatanong sila. Ang nakakaasar don, sa akin nagtatanong hindi kay Lolo M o kay Spade!
"Dito na ba tayo?"
"Kanina pa tayo naglalakad baka abutan na tayo ng sikat ng araw nyan."
"Dito na ba tayo?"
Sinulyapan ako ni Mindy.
"Wala pa."
"Bakit wala pa?!"
Nagalit pa. Kasalanan ko ba yon?
"Hoy! Kanina pa kayo tanong ng tanong unli lang unli?" Wika ni Timothy.
"E pano namang hindi kami magtatanong. It's so tiring kaya." Ani Olyvia.
“Wala pa nga tayong limang minuto naglalakad. OA~." Asar ni Timothy.
Nagsagutan na sila. Napakaiingay. Jusme. Nauuna sa amin sina Lolo M. Galing nga e parang hindi siya napapagod. Nasa unahan din yung trio tapos si Spade. Etong si Tim at si Wavin ang kasabayan ko pati na sina Corine.
"Whatever, diyan na nga kayo. Panget!" Ani Olyvia na tumakbo pataas.
Naasar na kay Timothy kaya tumakbo na. Sina Corine naman binilisan na din. Bale kasabay na sila nina Achylis maglakad na parang hinihintay din sila. Hele, sene ell.
“BAGALAN MO PA GEORGE!"
—_—
Kasabay ko pala sila.
"Sige sabi mo e."
Mas lalo kong binagalan ang paglalakad.
Napasama ng tingin si Wavin sa'kin. O bakit ba? Bawal na palang maging masunurin ngayon?
“GUSTO MO BA BUHATIN PA KITA HA?!"
Akmang lalapit siya sakin nang pigilan ko siya.
"Huwag na please, maawa ka sa sarili mo."
—_— - him
^_^ - me
"Ba't ba kasi ambagal mo maglakad?" - Tim.
"Inaantok pa kasi ako."
"MAKAKAHINTAY YANG ANTOK MO YUNG ARAW HINDI. PASIKAT NA!"
"Huwag kang OA diyan!"
Sobrang OA talaga nito ni Wavin.
“Aabutin din natin yan." Chill kong sagot.
"Hindi pwede dapat magkakasama tayong lahat sa taas. KJ mo naman George."
“TARA NA!"
"Ayoko."
Nangengealam sa paglalakad ko, hmp.
"Kapag hindi ka bumilis sa lakad sasabihin ko kay Pres may gusto ka sa kaniya!" Sigaw ni Timothy.
Pinandilatan ko siya ng mata. Buti nalang ang layo na nila. Hindi rinig nina Zero.
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus Season 2
Non-FictionNoblesse High The school that she transferred to── eskwelahan kung saan niya naranasan ang hindi pa niya nararanasan. She met a lot of people, mga kaibigan lalo't higit ang mga kaaway. Sa pagdaan ng araw, will she be able to find strength para magp...