Chapter 18

39 2 1
                                    

Apologize

“HAHAHAHAHA!"

Napapikit ako sa inis. Konti nalang pasa mukha nito ni Tim at Wavin. Join forces pa talaga sila sa pagtawa, may pahawak hawak pa sa tyan!

“AHAHAHAHAHA! NU BA 'YON, GEORGE!" Itinuro pa ako ni Wavin.

“Saya ka dyan?"

Inirapan ko sila bago lumakad palayo.

Nakakainis. Anong tingin nila sa'kin clown? Pinagtatawanan nila ingles ko e pinagisipan ko pa 'yon ng matagal. Isa pa, ayoko talagang magturo ng english. Hindi bagay sa'kin, ni hindi ko nga pinangarap maging guro dahil mabilis akong maasar buti sana kung palaging cute na cute na bata ang tuturuan ko kaso hindi, damulag na abnoy pa. Walang pag-asaang mapapayag nila 'ko.

“Hindi ka majoke."

Kasunod ko na din sila. Inis na humarap ako. “Mukha ba akong nakikipagbiruan?"

Tumitig muna bago sumagot sabay pa silang tumango. Aissh, kahit kelan talaga 'tong dalawang 'to. Napailing ako bago maglakad uli. Nakasunod pa rin sila sa'kin. Tss, bahala sila.

Madilim na at nandito pa rin kami kayna Lolo M na resort. Tinawagan ko si kuya kanina pumayag siya kaya hindi aki masesermonan. Hindi ako napapayag nina Spade na magturo ng english. Todo iling ako. Alam ko naman na para sa ikauublad naming lahat 'yon pero seriously? Bakit ako huhu.

Si Archer ang napunta sa English na dapat ay sa values maaasayn, then si Jacob ang sa values. Ang ending walang napunta sa'kin.

“George, tumigil ka saglit."

“Bakit?" Hindi ako huminto.

“Basta! Ay, kakulet."

Napaubo ako nang higitin ni Tim yung likod ng damit ko. Punyeta, balak pa ata akong ideds. Agad kong hinila ang damit nila, sa kwelyo ko sila hinawakan at siniguro kong mahigpit ang hawak ko don.

“BA'T AKO NADAMAY!"

Reklamo pa 'tong si Wavin buti nga hindi ko siya inawt of place.

“T-tama na pumapatol ako sa babae." Giit ni Tim na tila hirap na hirap na huminga.

Napaevil laugh ako nang wala sa oras.

“Pumapatol din ako sa BAKLA!"

“H-hoy! Sama mo. Baho ng hininga mo ah!" - Tim.

Aba't, teka. “Mas mabaho hininga mo, amoy putok!"

“Nagdeodorant ako."

Oh jusko. Kababuyan. Kinain 'yung deodorant? Iiww, so dugyot ha. At dahil diyan, mas lalo 'tong lagot sa'kin. Hinigpitan kong lalo hawak sa kwelyo niya.

“ANO BA!" reklamo ni Tim.

“BAKIT, IKAW NAMAN NAUNA AH!" Syempre hindi ako papatalo.

“BAKIT AKO?!"

“IKAW NAMAN TALAGA--."

“SHAAAAATTAAAAAAAAAPPP!"

Awts. Napabitaw ako sa kanilang dalawa. Yung sigaw ni Wavin, nakakamatay.

“KANINA PA AKO NAIINGAYAN SA INYO! ANG DALDAL NIYO! ANG DUGYOT NIYO! GUSTO NIYO PAGUMPUGIN KO KAYONG DALAWA?!"

Sa tuwing sisigaw siya napapatakip ako sa tenga. Kingina, saan ba siya pinaglihi?

“HINDI KAYO MAKASAGOT? SUMAGOT KAYO!"

Class of Morpheus Season 2Where stories live. Discover now