01

427 9 0
                                    

Chapter 1

Nasilip ni Chynna ang kuwarto ng kapatid na si Vincent bago nito naisara ang pinto. Nang tingnan niya ang mukha nito ay mababanaag doon ang guilt.

“I swear, iimisin ko pag-uwi ko, Ate,” pangako nito.

“Vincent, parang dinaanan ng bagyo ang kuwarto mo, ah,” iiling-iling na sambit niya.

“Eh, Ate, male-late na kasi ako,” katwiran nito habang nagkakamot sa ulo. “Nandiyan na ang school bus.”

Sa labas ay maririnig na nga ang pamilyar na ingay ng pagparada ng school bus. Sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita niyang palabas ng kuwarto nito si Dotie, ang bunsong kapatid nila na nasa grade one. Bago nito naisara ang pinto ay nakita niyang maayos ang kuwarto nito. Maging ang pantulog na hinubad nito ay maayos na nakatiklop sa ibabaw ng kama. Kung hindi lang dahil sa kaburaraan ni Vincent, ngumiti na sana siya sa pagmamalaki.

“Tingnan mo ang kuwarto ni Dotie, pilit niyang iniimis kahit maliit pa siya,” sita niya rito.

“Pero ikaw, ang laki-laki mo na, lagi pa ring magulo ang kuwarto mo. Vincent, alam mong halos wala na akong oras para sundan ang bawat kilos mo at ligpitin ang mga kalat mo.”

“Promise talaga, Ate, lilinisin kòyan mamaya. Bilis, ang baon namin. Bumubusina na ang school bus.”

Sinadya niyang paghintayin ito. Una niyang iniabot ang snack bag at pocket money ni Dotie.

Habang ipinapasok nito ang pera sa pink na purse ay inilalabas naman niya ang pocket money ni Vincent. Binawasan niya iyon ng sampung piso.

“Hangga’t hindi mo inaayos ang kuwarto mo, laging may bawas ang allowance mo,” sabi niya.

Umuungol ito habang tinatanggap ang pera. “Ate, naman, eh!”

Pero muli ay bumusina ang school bus. Mabilis na humalik sa magkabilang pisngi niya sina Vincent at Dotie bago patakbong lumabas ng bahay. Sumunod siya sa labas at kumaway sa mga ito nang magsimulang umusad ang school bus. Hindi niya napigilang matawa nang belatan siya ni Vincent.

Only when the small bus was gone did she go back into the house to shower and change. Sinulyapan niya ang orasan habang nagsusuklay ng buhok. Tanghali na siya. Sa coffee shop na lang siya mag-aalmusal.

“I KNOW there’s a coffee shop here somewhere. Itinuro iyon sa akin ni Daddy noong unang beses na nagpunta ako rito, noong kabibili pa lang niya ng property sa burol. Sabi pa nga niya, paaalisin na niya ang nangungupahan doon kapag natapos na ang kontrata nito.”

Bumuntong-hininga si Christian. “Vivi, let’s just get going,” sabi niya. “Tatanghaliin tayo sa pagbalik sa Maynila. You know I have a meeting with the Japanese this afternoon. Those people are suckers for punctuality and I don’t want to be late.”

Humilig ito sa balikat niya at hinaplos ang kanyang pisngi. “Mamang workaholic, huwag kang masyadong mainipin. Marami pang oras. Sanay na naman si Cerie na manggalaiti sa galit kapag kasama mo ako,” malambing na sabi nito.

Napailing siya. Cerie was his executive manager. Pagdating sa punctuality, daig pa nito ang mga Hapon. Ang kaibahan lang, kaya niyang paikutin at amuin si Cerie, samantalang ang mga

Hapong iyon ay hindi. “Vivi, you know it’s not her.”

“Isa pa, hindi mamayang hapon ang meeting mo, mamayang gabi pa, dinnertime. I assure you, as soon as I’ve talked to Dad, we’re going back. Hindi ka male-late.”

Saglit na nakadama siya ng usig ng budhi. He knew Vivi’s father was missing her very much. Sinamahan niya ang kanyang nobya sa pagparoon para lang tumuloy ito. It was just unfortunate that he could not cancel his meeting on such a short notice. What he could only do was move the meeting a little later in the day.

Love Café 10: My Everything | NOELLE ARROYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon