07

88 4 0
                                    

Chapter 7

Maagang umuwi nang gabing iyon si Chynna. Inihabilin na niya sa staff niya ang pagsasara ng coffee shop.

Sabay-sabay silang naghapunan ng mga kapatid niya. Nakasalo nila si Tita Mildred. Habang kumakain ay napansin niya si Dotie na manaka-nakang napapatingin sa kuya nito. Halata sa mukha nito ang pagkaawa sa nakatatandang kapatid. Iyon marahil ang nagbunsod dito para dalhan ng libro ang kuya nito nang matapos ang hapunan at bumalik na sa kanyang silid si Vincent.

Nang lumabas si Dotie para magbalik sa kuwarto nito, pakiramdam ni Chynna ay maiiyak siya. May blessings din palang dulot ang ganoong klase ng sitwasyon. Lalo silang nagkalapit na magkapatid. Nabigyan sila ng pagkakataon na makapag-usap, magkaunawaan, at magpadama ng pagmamahal nila sa isa’t isa.

Tulog na sina Vincent at Dotie nang maisipan niyang ilabas ang basura. Kukunin iyon ng truck ng basura sa umaga.

Pipihit na sana siya pabalik nang mapansin niya ang kotseng nakaparada malapit sa gate nila.

Pamilyar sa kanya ang kotseng iyon. Kung hindi siya nagkakamali ay kay Christian iyon.

Ano ang ginagawa ng kotse nito roon? Well, kung may pinuntahan man ito roon, malinaw na hindi siya iyon. Hindi niya masabi kung may tao sa loob dahil patay ang lahat ng ilaw at tinted ang mga bintana. Pero ang hula niya ay wala sa kotse si Christian kundi naroroon sa kung saan man ito dapat naroroon. She doubted if he even knew he parked his car just outside the gates of her house.

Tumalikod na siya at naglalakad na pabalik sa loob nang may marinig siyang bumukas na pinto. Pumihit siya para tingnan kung ang kotse ni Christian ang narinig niya. Natigilan siya nang makitang bumababa ito ng sasakyan. Nakatingin ito sa kanya.

Napakunot-noo siya. Ano ang ginagawa nito sa labas ng bahay niya? Was it presumptuous of her to think that he was there because of her?

Hindi niya gustong paniwalaan ang naisip. Pero pinanood niya ang paglapit nito sa kanya.

“Christian, a-ano’ng ginagawa mo sa neigborhood namin?”

“Hi,” sabi nito nang huminto sa harap niya.

“Anòkako ang ginagawa mo rito?”

“I... I wasn’t sure this was your house. Noong makasiguro naman ako, nahiya na akong kumatok kasi mukhang matutulog na kayo.”

“M-my house? Ano’ng kailangan mo sa bahay ko?”

“You, of course,” nakatawang sagot nito.

“Ano naman ang kailangan mo sa akin?”

Nagkibit-balikat ito. “Talk? I don’t know. Naiingayan ako sa bahay kaya nagpasya akong lumabas. The problem is, I don’t know anyone else here except my girlfriend and her father. And you. Inabutan ko pa sina Helen sa shop at tinanong ko ang direksiyon patungo rito.”

Sina Helen? Patay. Lagot siya bukas.

“If by any chance, nakakaistorbo ako, sabihin mo lang, Chynna. Hindi na lang ako tutuloy.”

“Oh, no, not really,” nag-iinit ang mga pisnging sabi niya. “Nagulat lang ako. Pasok ka.”

Nagpauna siya sa pagpasok sa gate.

“Siguro naman, may available na kape rito sa bahay ninyo, 'no?”

“Oo naman. Libre pa!” sagot niya.

Tumawa ito.

Pumasok sila sa loob at pinasunod niya ito hanggang sa kusina. “If you don’t mind having coffee in the kitchen, that is,” wika niya.

Love Café 10: My Everything | NOELLE ARROYONơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ