06

94 6 0
                                    

Chapter 6

Imboluntaryong napatingin si Chynna sa pinto nang marinig ang pagbukas ng pinto ng coffee shop. Iniluwa niyon ang isang matangkad na lalaki.

Bumubuntong-hiningang ibinalik niya ang tingin sa kanyang ginagawa habang nilalapitan ni Helen ang customer para alamin kung ano ang order nito. She was expecting Christian.

It had been a week since she had last seen him. Mula nang malaman niya na ang mukhang moderna at magandang babaeng kasama nito noon ay ang nag-iisang anak ng kanyang mayamang landlord, tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa. Para siyang sinampal ng katotohanang si Christian ay isang lalaking magdaraan lang sa buhay niya. She better forget about him for her own good.

Isa pa, may iba pang lalaki sa paligid. Hindi naman siya nawawalan ng manliligaw.

Paminsan-minsan ay lumalabas din siya, kung may pagkakataon din lang. Inisip niya kung kailan siya huling lumabas. Naalala niyang noong isang taon pa nga pala iyon. Si Henry ang date niya noon. Ngayon ay may asawa na ito.

Napabuntong-hininga uli siya. Kapagkuwan ay isang pasya ang nabuo niya. Kapag may nagyaya sa kanya—provided single ito—ay makikipag-date siya. Gagawin niya iyon para makalimutan ang crush na nadarama niya sa isang lalaking malabong maging kanya.

May bagong order na naman ng kape ang kusinera ni Mr. Arguelles. Apparently, sumunod na ang anak nito sa malaking bahay at may mga kasamang kaibigan. Kailangan ng bagong supply ng kape dahil kung sayangin daw iyon ng mga bagong dating ay parang pangmumog lamang,

ayon kay Helen na nakausap ni Aling Linda sa phone.

Si Bob ang magdadala niyon sa malaking bahay, hindi siya. Hindi na siya magkakamaling tumuntong doon kahit kailan. Mahirap na. Kahit paano ay nagtatagumpay na siyang abalahin ang kanyang isip kapag naaalala niya si Christian, kapag naaalala niya ang ekspresyon sa mukha nito noong maabutan siyang nakatingala sa portrait ng kasintahan nito.

Baka kapag nakita na naman niya ito, magkapilay pa ang kanyang determinasyon.

NAKATUKOD ang mga kamay ni Christian sa bakod habang pinagmamasdan ang bayan ng Catarlan sa ibaba ng burol. Mas madalas siya sa spot na iyon kaysa sa ibang spots sa loob ng maluwang na bakuran. Mula kasi roon ay tanaw ang bubungan ng Coffee Crash. Doon huminto ang mga mata niya.

Pauwi siya mula sa pamamasyal sa bayan nang nagdaang gabi nang matanaw niya si Chynna.

Sinadya niyang idaan ang kotse niya sa Coffee Crash. Karga ni Chynna si Dotie habang nagsasara ang staff nito ng coffee shop.

He had seen her face. She was smiling sweetly at Dotie. Bigla ay nahiling niyang sana ay ngitian din siya nito nang ganoon. Hindi pala. Higit pa roon ang gusto niya. Gusto niyang maging parte ng buhay nito. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon na lang ang pagnanasa niyang iyon. Hindi pa niya iyon naramdaman kahit kailan sa kahit sinong tao.

Umuwi siyang naguguluhan ang isip. Iniwasan niya nang nagdaang gabi sina Vivi at ang mga kaibigan nito hindi lang dahil may tampo siya sa kasintahan kundi dahil gusto niyang mapag-isa. Dumiretso siya sa kanyang kuwarto pagdating niya sa bahay.

Last night, he almost wished he hadn’t quit smoking. He badly needed a cigarette. He had fallen for a woman who was virtually a stranger.

Paano si Vivi?

Humugot siya ng malalim na hininga. Inside the house, the music was playing loudly.

Hanggang nang mga sandaling iyon ay masama pa rin ang loob niya sa kasintahan dahil sa ginawa nito. Hindi umubra ang paglalambing nito para mawala iyon. Alam niyang nag-imbita ito ng mga kaibigan nito roon para magkaroon ng excuse na hindi nito masamahan ang ama nito sa anumang lakad. In fact, he didn’t want to believe now that she did go to Hong Kong or that she couldn’t postpone or cancel the engagement. To do that to the old man was cruel.

Love Café 10: My Everything | NOELLE ARROYOOnde as histórias ganham vida. Descobre agora