Epilogue

192 10 4
                                    

Pakiramdam ni Christian ay suntok sa buwan ang ginawa niyang pagsisiwalat sa mga imbestigador ng tungkol kay Cerie.

Pagsapit ng tanghalian, nang sa palagay niya ay nagawa na niya ang lahat ng magagawa sa opisina, umuwi siya sa bahay para doon mag-late lunch. Inabutan pa niya sina Chynna habang naghahanda ang mga ito sa pagsundo kay Tita Mildred sa airport.

“Can I come?” tanong niya.

“Huwag na. Mabuti pang magpahinga ka muna. You barely slept... last night.”

Nakadama siya ng tuwa nang makitang nagkulay-makopa ang buong mukha nito. Nilapitan niya ito, marahang iniangat ang baba nito, saka ito kinintalan ng masuyong halik sa mga labi. It was a mistake. Light lang iyon ngunit na-arouse pa rin siya. Ilang beses tuloy siyang napahinga at napabuga ng hangin para kalmahin ang sarili.

“Magpapasama ako ng driver at bodyguard sa inyo sa airport, Chynna. Just to be careful,” kapagkuwan ay sabi niya.

“Kailangan pa bàyon? Baka matakot si Tita Mildred.”

“Hangga’t hindi nagkakaroon ng linaw ang nangyari sa opisina, sa palagay ko ay kailangan nating mag-ingat. That message you received was really eerie, you know.”

“Oo.”

Bumuntong-hininga ito. “Sige.” Sumulyap ito sa suot na relo. “Kailangan na naming umalis.”

Tumango siya. Muling naglapat ang mga labi nila. Again, he had to curb himself to calm down.

“Take care.”

“Oo.”

Kaaalis pa lang ng mga ito nang tumunog ang cellphone niya. Mabilis na dinukot niya iyonsa bulsa niya.

Ang abogado niya ang tumatawag. “O, bakit, Attorney?”

“Christian, I think you should come here.”

“Saan?”

“Sa bahay ni Cerie.”

“Bakit? May dahilan ba para—”

“They’re supposed to take her for questioning pero hindi siya lumabas ng kuwarto kanina.

Nakarinig kami ng gunshot. She shot herself inside her room.”

“What?! Why? What? I don’t understand. Bakit siya nagbaril ng sarili niya?”

“Probably because she panicked. We found that she had burn marks on her hair and skin. Sinubukan pala niyang paalisin ang mga katulong niya kaninang umaga. Nang dumating kami, inabutan pa namin ang isa. Sinabi niya na magdamag na wala ang amo nila at umaga na umuwi. Cerie’s car still had some bottles of rugby na ginamit niya kagabi sa pagsunog sa opisina mo. At ang cellphone niya, nasa Sent items ang huling message na ipinadala niya sa number ni Chynna.”

“I can’t find a reason why she did it. Bakit to that extreme?”

“Christian, I think I have a clue.”

Natigilan siya. “Ano?”

“Nakakuha kami ng isang diary sa isang drawer ng bureau niya. There were pictures of her in there and... and your dad. They had an affair shortly before he died at ayon sa kanyang diary, sinubukan niyang i-blackmail ang daddy mo gamit ang mga pictures na iyon so he would give  her money. Kaso nga, namatay nang wala sa oras ang daddy mo kaya walang nangyari.”

“She did it out of spite?”

“She did it out of frustration. Hindi ka niya mapaikot gaya ng nagawa niya sa ama mo. Noong una ay dahil kay Vivien, ngayon, dahil kay Chynna. It’s all in her diary.”

Nalulula pa sa lahat ng kanyang mga nalaman, napapikit siya. “Sige, I’ll be right over. Get that story out of the media’s way, please,” pakiusap niya.

“I will.”

NAKATANGGAP ng tawag si Chynna mula kay Christian habang nasa airport silang magkakapatid kaya hindi na siya nagtaka nang hindi nila ito nadatnan sa bahay nito. Pumasok sa isip niya na umuwi muna sa Catarlan para hindi sila makagulo rito habang ongoing pa ang imbestigasyon pero napagod sa biyahe si Tita Mildred. Tinawagan na lang niya si Helen para malaman nito na hindi sila makakauwi sa araw na iyon.

Alas-singko na ng hapon nang umuwi si Christian. Natagpuan siya nito sa hardin kung saan siya nagpapalipas ng oras habang ang mga kapatid niya ay nasa den at nanonood ng DVD.

Natutulog pa rin si Tita Mildred. Papasok pa lang ito ay nakita na niya ito. Nakangiti ito nang maupo sa tabi niya sa swing.

“It looks like we’ll still have that dinner after all.”

“Si Cerie nga?”

Tumango ito. “Kung nagkataong hindi ka agad nagsalita tungkol sa message na natanggap mo, who knows? Baka nagawan niya ng paraan na makapagtago agad. Bagong hairstyle para sa buhok niyang may burnt ends. O kaya pagli-leave ng ilang araw para hintaying gumaling ang mga pasò sa mga braso niya. Hindi niya inaasahan na matutuklasan namin agad ang identity ng arsonist.

“Kung hindi si Vivi ang natawagan ko, hindi rin basta magpa-pop up ang pangalan ni Cerie.

Akala ko, pakialamera lang siya. Hindi ko naisip na magagawa niya ang ganoon.” Napailing siya. “Ni hindi ko pa siya nakikita nang personal.”

“You never would.”

Napakunot-noo siya. “What do you mean?”

“Nataranta siya nang dumating ang mga imbestigador. Binaril niya ang sarili niya. Siguro, alam niyang oras na makita ng mga imbestigador ang hitsura niya, mabibisto agad ang ginawa niya. There just was no way out of it.”

Napailing uli siya. “Wow! Ang daming nangyari sa loob lang ng sandaling pagbisita namin dito. To think that this is our first visit.”

“Kaya nga hindi puwedeng hindi matuloy ang dinner na iyon.”

“What? To top off this tragedy?” nagbibirong tanong niya.

“I think we can still turn this day to our advantage yet. Let’s have another reason to celebrate tonight aside from... You know, what happened last night?”

Nag-init ang kanyang mga pisngi. “How?”

May inilabas ito mula sa bulsa nito. Napalis ang ngiti sa mga labi niya nang makita ang hawak nito. “Christian?” She raised wondering eyes at him.

“Will you marry me, Chynna?”

Napalunok siya. Para kasing may bumara sa lalamunan niya. “W-when?”

“As soon as possible.”

“Are you sure? Ang mga kapatid ko. Ang office mo, kailangan mo pang ipagawa. Saka—”

“Yes, I’m sure. Mahal ko ang pamilya mo, mahal ko ang coffee shop, and most of all, mahal kita.”

Lumabo ang tingin niya rito dahil sa mga luhang lumambong sa mga mata niya. “Mahal din kita. Yes, I’ll marry you.”

Kinuha nito ang kanyang kamay at isinuot sa kanyang palasingsingan ang singsing. She watched it glitter for a few moments before she raised her lips for his kiss.

WAKAS

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Café 10: My Everything | NOELLE ARROYOWhere stories live. Discover now