Kabanata 1

29 7 1
                                    

Kabanata 1

“How is the study, Saide? And why aren’t you with Andrino?” seryosong tanong ni Tito Leonardo sakin sa gitna ng hapag kainan.

Tahimik kong pinunasan ang labi ko gamit ang napkin bago sumagot. “May group activity po sila para sa isang subject. Pinapasabi niya po na baka hindi na siya makasama.”

“Totoo ba iyon, Saide? You know, you’re getting older so it’s not surprising that you have secret errands with your friends.” si Tita Rhyza naman ang nag-tanong.

“Totoo po, Tita. Ka-grupo niya po si Eloise. If I’m not mistaken, they are now at Selah’s house.”

“Oh, Selah Mateo?” Mommy reacted. “Kung gano’n, mabuti naman pala ang kalagayan ni Andrino ngayon, ‘wag na kayong magalala, Rhy.”

“Yeah, I think so.” Tita Rhyza agreed. “But it’s still not good that he didn’t tell me that right away. Umaasa pa man din ako na magkasabay kayong umuwi. I don’t see you together anymore. Are you that busy?”

Muli akong tiningnan ni Tita Rhyza.

Sa aming lahat dito, bukod sa mga magulang namin, nandito din si Shion na kapatid ko, at si kuya Landro na panganay na anak nila Tita Rhyza at Tito Leon. Pero bakit nasa akin ang spotlight?

“Yes po, Tita. Naga-adjust pa rin po sa bagong environment ng senior high. And... ganoon pa din naman po kami ni Andrino, hindi na nga lang po katulad ng dati.” pagsi-sinungaling ko. Well, it’s half truth and half lie.

“Malaki na rin ang mga bata, Rhyza.” singit ni Tito Leon. “Hindi na sila para magdikit palagi. They probably found other friends too. Saide already has Eloise. And we don’t know, maybe Andrino has other friends.” his shoulder jerked.

“Wala bang nililigawan si Andrino? Nakikita ko sa mga kabataan ngayon, ganyang edad ay may kinahuhumalingan na.” si Mommy sabay tawa.

“Andrino is not open to us. Maybe with Saide, yes.”

I faked a laugh with Tita Rhyza’s words.

“Naku, Tita, hindi naman po iyon nagsasabi ng ganoon si Andrino sakin.”

Totoo iyon. Hindi namin napaguusapan ni Andrino ang tungkol sa mga ganoong bagay. Siguro ay dahil grade nine pa lamang kami nu’ng huli kaming nagusap nang masinsinan.

When we were only in grade seven, there were more and more girls who had crushes on him, so every time someone approached him, I teased him. Nagagalit siya kapag ganoon. Ayaw niya kasi na may inaasar sa kanyang babae. Allergic yata siya sa babae, ewan ko lang ngayon.

Pero hindi rin naman nagtagal, nagkakaroon na siya ng mga babae na nakakausap. Nu’ng grade eight kami, may nag-confess sa kanya na kaklase namin. She is beautiful, tall and has the aura of a model. She also has a fair skin. Thin but not that thin. Kung tutuusin, maraming nagkakagusto sa babae na ‘yon.

But Andrino was the only one who had the courage to reject that girl. When I asked him, his answer was that he doesn't like people like that. Sabi niya pa, morena daw ang mga gusto ko at yung hindi ganoon katangkad. Opposite talaga sa babaeng iyon.

But there was this girl again, when we were in grade nine, katulad na katulad sa babaeng tipo niya. Medyo masungit nga lang. Hindi mo siya makakausap kung hindi tungkol sa academics. She also has few friends, maybe because of her intimidating vibe. Hindi naman inamin ni Andrino sa akin, pero napansin ko lang din na nakuha niya ang atensyon nito. Lagi ko din itong napapansin na nakatitig sa kanya noon.

“What do you think about her?” tanong ko sa kanya, isang beses, habang nasa bench kami at naabutan ko siyang nakatitig sa mga naglalaro ng volleyball sa field.

The Past, We AwaitWhere stories live. Discover now