Kabanata 7

37 5 0
                                    

Kabanata 7

“Ako? Paborito kong panoorin yung ‘How to Train the Dragon’.” nakita ko ang pag-litaw ng dimples ni Andrino sa kanang pisngi niya dahil sa matamis niyang ngiti.

Kumunot ang noo ko nang tingnan siya.

“Why? Wala ka namang dragon, huh?” I asked.
Tinawanan niya ang sinabi ko. “Gusto ko rin magkaroon ng dragon tulad ni Toothless.”

Lumitaw ang matamis na ngiti sa aking labi dahil sa sinabi niya. The ten year old Sadie was happy while listening to the words of the ten year old Andrino. Hindi na namin alintana ang pinapanood na cartoon movie dahil sa pinagu-usapan namin.

Nginitian ni Andrino ang katulong nila nang mag-lapag ito ng biscuits sa coffee table habang kaming dalawa ay nakasandal sa sofa. Agad akong kumuha roon bago nagsalita kahit na may laman pa ang bibig ko.

“I can be your Toothless! I am toothless.” hagikhik ko at pinakita ang bibig ko na walang ngipin sa harap at bulok pa ang iba.

Malakas siyang tumawa sa ginawa ko. I also did the same thing. Medyo nag-tagal pa ang tawa niya at humahawak na sa tiyan niya dahil siguro nananakit na iyon.

Pagkatapos niyang tumawa ay tumayo siya at umakyat, ilang sandali pa ay bumaba siya dala ang camera nila. My forehead creased. I didn’t know at that time why he was holding a camera. I just saw myself on the screen with a creased forehead.

Nu’ng napagtanto ko na ang ginagawa niya ay agad akong nag-pose. Inilabas ko ang ngipin ko—kahit na wala naman ako no’n at nag-peace sign habang may hawak pa na biscuits.

“Ikaw? What’s your favorite movie?” he asked me as he placed the camera on the coffee table.

Sandali akong nag-isip at nakahawak pa sa sentido ko habang ngumunguya.

“I like Beauty and the Beast! The story you told me, one time, before we went to sleep. But the cartoon one!”

“Why? Do I look like a beast?” natatawang tanong niya at sumimsim sa juice na inihanda rin para sa amin.
I shook my head. “No. Sinasabi kasi nila sa akin na Belle and I have a resemblance. Is that true?”

He titled his head. Nakakunot ang noo niya at mataman akong tinitigan habang ngumunguya ng biscuits. Nagtagal iyon nang ilan pang minuto bago siya tumango.

“Yeah. But not the Belle in the cartoon.” ang kanyang tinutukoy ay ang artistang gumanap ng Belle. “Pero kaunti lang.” minuwestra pa niya ang kamay.

Naudlot ang pagk-kuwentuhan namin dahil nagkaroon ng eksena sa Spiderman: Into the Spider-verse na pumukaw sa atensyon namin.

We love watching movies together. At the age of ten, Andrino and I bonded over watching movies, especially cartoon movies that we really enjoyed. Samu’t sari na ang mga movies na napanood namin at mayroon pa kaming listahan para sa mga gusto naming panoorin.

Ang paborito ko na Beauty and the Beast ay ilang beses na naming napanood kaya alam ko na may ideya siya na iyon ang paborito ko. Minsan pa, sinasabayan ko ang pag-kanta ni Belle roon dahil hindi ko namamalayang kabisado ko na pala iyon.

Mayroon akong video na kumakanta gamit ang camera nila Andrino. From time to time, we also enjoy taking videos of each other doing other things. Nagsimula iyon nu’ng hindi namin namalayang na-pindot namin ang play button ng camera nila.

“I want to watch a movie in Cinema.” I pouted while hugging Tita Rhyza’s throw pillow.

“Bakit? Ayaw mo ba dito? Kapag sa Cinema may bayad at saka maraming tao.” tanong ng nakatitig na Andrino sa akin, hawak na ang ps4 niya dahil tapos na kaming manood.

The Past, We AwaitUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum