Kabanata 12

12 4 1
                                    

Kabanata 12

Blanche Ariadne:

Do you want to go with us? Gym.

Nagising ako nang alas nueve at nakatanggap ng mensahe galing kay Blanche. Mainit na ang araw na sumalubong sa akin galing sa bintana nang magising ako.

Hindi ko na mawari kung anong oras ba ako nakatulog kagabi dahil masyadong inokupa ni Andrino ang isip ko. I won’t deny that I will never forget the way he smiled at me last night, something that only happens in my dreams.

Iba ang impact no’n sakin kahit noon pa ma’y madalas ko na siyang nakikitang nakangiti, sa akin man o sa ibang tao. But now, after three years, he has left a major question mark in my head, bagong-bago sa akin ang naging akto niya na iyon kagabi. Hindi ko naman akalaing pwede pa palang maibalik ang ganoong Andrino.

Dumagdag pa sa akin ngayon ang epekto ng dalawang shot ng tequila. Dalawa lang iyon pero ramdam ko pa rin ang sakit ng ulo ko! Ganoon na nga siguro kababa ang alcohol tolerance ko.

Saide Monique Koh:

What time?

Pagkatipa ko ng reply ay bumaba ako kung saan naabutan ko si Mommy na nanonood ng movie sa sala habang sumisimsim sa kape. Gumaan agad ang pakiramdam ko nang hindi makita ni anino ni Angkong.

Blanche Ariadne:

Right now.

Bahagyang nanlaki ang mata ko.

Halos tatlong minuto lang matapos niyang mag-send sa akin ng message at pag-gising ko.

Saide Monique Koh:

I just woke up! Give me 10 minutes. You with?

Pagkatapos kong kumain ng dalawang pirasong toasted bread ay kumaripas ako ng takbo pabalik sa kwarto ko at mabilis na naligo.

I’ve never been to the gym in my life, regardless of the fact that my cousin Blanche loves it and even brought Shion over once. Niyayaya niya ako noon pero dahil maraming ginagawa o kaya’y tinatamad, hindi ako sumasama.

Pero si Mommy naman ay kinahihiligan talaga ang mag-yoga kaya lagi niya akong isinasama sa ayaw ko o sa gusto. Iyon din ang dahilan kung bakit kahit hindi naman ako nag-gym o nage-exercise ay mayroon pa rin akong maisusuot.

Ang kaibahan lang ngayon, I want to go with Blanche even though it’s not something I do often because I want to escape from home for a while at least. Gusto kong takasan si Angkong at ang mga topic niya tungkol sa kasal ko. Sigurado ako na maya-maya lang ay narito na siya at ako na naman ang pagiinitan ng mga tanong niya.

I just wore a scoop neck cropped tank in white and black leggings both from Lululemon. I also put my hair in a high ponytail. Nang lumabas ako ng bahay ay may dala akong duffle bag at white na Stanley tumbler.

“Wow. Good morning sa taong nawala na lang bigla kagabi, huh?” bungad ni Eloise sa akin.

Nagtataka at nagugulat man na nandito siya, nginitian ko na lang siya. Nakasuot siya ng itim na fitted cropped top at itim rin na leggings. Katulad ko, naka-ponytail din ang buhok.

“Umuwi na ko. I was sober because of tequila.” sagot ko nang inilagay ang duffle bag sa trunk ng Audi ni Blanche.

“Uminom ka?” nagugulat na sulpot ni Shion mula sa bintana ng kotse. “Isusumbong kita kay Daddy!”

“Ang ingay mo!” singhal ko. “Two shots lang, okay? I was frustrated. ‘Wag ka na lang maingay, Shion!” iritableng sabi ko pa.

“Two shots daw! Baka mamaya two shots pero mug gamit mo!” tiningnan ako ng kapatid ko na parang nagsisinungaling ako.

The Past, We AwaitWhere stories live. Discover now