4

87 5 2
                                    

KEN POV

Halos araw Araw akong pumunta sa restaurant ni Tito Kenneth, dahil Kay Stell, sinubukan ko na rin na kausapin siya, pero palagi itong busy, Kaya try ko ulit ngayon. 

Maaga pa pero nandito na ako para Abangan ang pagbubukas ng pinto. Kung palagi akong late sa practice, pero kung Kay Stell ay palagi akong nauuna, diba!

Nasasakyan lang ako naghintay dahil sarado pa ang restaurant, halos 30 minutes na yata ako naghihintay sa wakas ay dumating na rin si Stell. Si Stell ang pinagkatiwalaan ni Tito na mag open ng restaurant, Kaya lumabas agad ako ng sasakyan para salubungin siya.

"Good morning, Stell!" mukhang nagulat pa siya, sa pagsalubong sa kanya.

"Hi! Ba't ang aga mo yata?" Medyo okay na kami, siguro magaan din ang loob ni Stell sa akin!

Nung una medyo,  nagulat pa siya na pamangkin ako ni Tito Kenneth, pero kalaunan naging comportable din ito sa tuwing kinakausap ko.

"Oo eh! Gusto kasi kitang makita at makausap!" bahala na kung direct to the point ang pagkakasabi ko, pero Yun ang totoo.

"Nakakausap mo naman ako palagi at nakikita, ano paba gusto mo?" Sabi habang binubuksan ang pinto ng restaurant.

"Gusto ko sana na makilala kapa ng lubusan eh, okay lang ba?" Sabi ko habang naglalakad kami papasok.

"Asuss! Yun lang pala. Sige ba walang problema"

"Sabi mo Yan ha!" tumango lang ito sa sinabi ko.

Tinulungan ko siya sa pag aayos ng mga upuan, pag trapo ng mga lamesa.  Medyo alam ko rin ang ganitong trabaho,dahil madalas ako tumutulong dito. Hindi nga lang palagi, dahil may mga A'tin na nagkakagulo, kaya madalas. Siguro ngayon palagi na akong nandito, dahil gusto kung makasama si Stell.

"Thank you Ken sa pagtulong ha!"

"Suss, Wala yun ano ka ba!" magaan ang puso ko sa tuwing nakikita ko ang magaganda niyang mga mata sa tuwing ngumingiti siya.

STELL POV

Napansin ko ang palaging pagsubok ni Ken para makausap ako! Pero ngayon mas nagulat ako dahil ang aga niya pa na magpunta dito! Kahit alam kung busy ito sa kanya career.

Habang nag aayos si ken ng upuan ay Hindi ko lubos maiisip kung bakit ba, ganito si ken sa akin! Pinagmamasdan ko lang siya, mas lalo lang itong nagiging matipuno sa tuwing itinataas niya ang upuan.

Sa halos araw Araw na gustong makausap ako ni Ken, ay naging magaan na rin ang loob ko sa kanya! Siguro dahil gusto ko rin ang presensya niya.

Habang nag aayos ako ng tela sa mga lamesa ay biglang lumapit si ken sa tabi ko, ramdam ko ang kanyang paghawak sa braso ko, pero patay malisya lang ako! Ayukong mag isip ng iba sa kinikilos niya! Alam kung hindi siya papatol sa gaya ko.

Simula ng bata pa ako, ay ramdam ko ang kakaiba sa akin! Iwan ko! Pero nang tumuntong ako ng High School ay mas na na attract ako sa lalaking malinis sa katawan, mabango at conservative sa sarili. Simula noon ay natanggap ko ang pagiging gay!  Tinanggap din naman ni mama at papa ang pagiging gay ko.

"Stell wuyy!" tawag ni ken sa akin, nakakatulala na pala ako, Hindi ko manlang napansin.

"Oh! Pasensya na, ano nga ulit iyon?" Tanong ko sa kanya.

"Sabi ko, okay lang ba na hingiin ang Number mo?" Ibinigay ko ang number ko sa kanya.

"Sige alis na ako! May practice pa kasi kami ngayon! I will text you later! Bye!"

"Sige, ingat ka!" Tumango lang ito sabay kindat! Hayss ayuko mahulog sa kanya dahil alam ko na ako lang rin ang babagsak sa lupa.

Dumating na rin ang iba kung kasamahan sa trabaho! Nandito na rin si Mike!

"Good morning, Stell!" Madalas kung ka kwentuhan si mike sa kahit anong bagay, siya rin kasi Ang una kong naging kaibigan dito.

"Ang ganda ng ngiti mo a, ano bang Meron?" pagbibiro ko sa kanya.

"Syempre kailangan eh, ako kaya ang sumasalubong sa customer, Kaya kailangan ang ngiti na ito!"

"Asuss Sabihin mong may nangyari maganda!"

"Iwan ko sayo Stell!" umalis na ito sa harapan ko at tumulong sa pag aayos ng paligid.

Scared of Losing 'YOU'Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt