17

79 3 3
                                    

STELL POV

Sinama ako ni ken sa final rehearsal nila for their tomorrow's event. Ayaw ko pa sana sumama pero nagpilit sila pau na sumama ako! Kaya wala akong nagawa kundi ang sumama.

Pinanunuod ko lang sila habang nakaupo, Panay Naman ang tingin ni Ken sa pwesto ko! Ngumingiti na lang ako sa ginagawa niya!

Napansin ko rin ang simpleng pasulyap-sulyap ni Ylona kay Ken. Hindi ko rin maiwasan 'di mag selos sa kanya, dahil maganda naman si Ylona, mabait, charismatic at mayaman.

Tumayo ako sa pagkakaupo dahil nasasaktan ako sa tuwing nagkakatinginan sila habang kumakanta! They have chemistry, at bagay sila.

Umalis ako sa loob at naglakad palabas ng Arena, Hindi na ako nagpaalam sa kanila dahil ayuko maka istorbo! Nag hanap ako ng bench at umupo! Napaiyak ako dahil sa nararamdaman ko! Bakit alam ko naman na Mahal ako ni Ken! pero di ko pa rin mawala sa isip ko na possibleng magkagusto si Ken sa iba, lalo na kay Ylona. Umiyak lang ako ng umiyak Hanggang maubos ang luha sa mata ko! Nang okay na ang pakiramdam ko ay naglakad na ako pabalik ng arena.

Pagpasok ko sa loob  ng Arena ay iilang staff na lang andito! Lumapit ako kay jah at josh na nag uusap! Saan kaya si Ken!

"Josh, jah! Nasaan si Ken?" Tanong ko!

"Pagkakarinig ko hinahanap ka niya!" sagot ni jah sa akin!

"Saan siya nag punta? Alam mo ba?" Tanong ko pabalik!

"Parang nakita ko papuntang backstage!" sabat ni josh! Tumango lang ako at iniwan ko sila!

Naglakad ako patungong backstage at hinahanap ko si Ken! Pero halos napasukan ko na ang lahat ng room dito, pero hindi ko pa rin makita si Ken! Isang room nalang ang di ko pa nabubuksan. Naglakad ako patungo sa huling kwarto!

Dahan dahan kung binuksan ang pinto! Pero napahawak ako sa bibig ko, I saw Ylona and ken kissing, si Ylona ay nakaupo sa lap ni ken, While Ken's hands are in the head of ylona! Napaiyak ako sa nakita ko, Akala ko ba wala lang si Ylona sa kanya pero bakit ganito ang makikita ko! Hindi ako gumawa ng kahit anong ingay! Kahit gusto ko nang umiyak dahil sa sakit! pero dahan dahan kung sinarado ang pinto at tumakbo paalis habang umiiyak! Hindi pa ako nakakalayo ay naka salubong ko si pau! Kaya napahinto ako!

"Stell! What happened?" Tanong niya!

"Ahh! Wala napuwing lang ako! Sige alis na ako!"tatakbo na sana ako paalis pero nagtanong siya ulit!

"Bakit di mo kasama si Ken?" Tanong niya! Pinigilan kong mapahikbi nang narinig ko ang pangalan ni ken!

"He's busy! Sige alis na ako! Pakisabi nalang Kay Ken na umuwi na ako!"

"Sige! Ingat ka!" Hindi na ako sumagot pa. Tumalikod ako, dahil hindi ko na rin mapigilan ang pagtulo ng mga luha sa mata ko! Habang naglalakad ako paalis ay hindi ko maiwasan di mapahikbi!

"Ang sakit naman Ken, ang mahalin ka! Akala ko masaya na tayo! Akala ko totoo ang lahat ng pinakita mo sa akin! Pero bakit ganito? Bakit ganito ang makikita ko!"

Naglakad lang ako nang naglakad habang umiiyak, hinayaan ko lang ang mga paa ko kung saan ako dadalhin. Huminto ako sa Lugar na hindi ko alam! Napaupo ako dahil sa sakit na nararamdaman ko! Ang sakit sakit huuu! Habang umiiyak ako ay nararamdaman ko ang cellphone na nag riring. Kinuha ko agad ang cellphone sa bulsa ko! Pagtingin ko ay si Ken! Pinatay ko agad ang tawag niya! Ayuko na muna makita ang pagmumukha niya! Tumunog ulit ang cellphone ko at binuksan ko ang text niya!

"Babe! Where are you? Kanina pa ako  nag hahanap sayo!" text niya! Hindi ko pinansin ang text niya! Nanatili akong nakaupo habang nakatingin sa kawalan na umiiyak!

"Babe! Nasaan ka ba? Nasa apartment mo ako pero wala ka dito!" text niya ulit! Bakit parang wala lang sa kanya ang nangyari sa kanila ni Ylona! Wala ba siyang boyfriend, para gawin ang mga bagay na 'yon! Mas napaiyak ako dahil sa nararamdaman kung sakit!

Tumayo ako sa pagkakaupo at kahit ayaw kung umuwi ng apartment ay wala akong magagawa! Kahit masakit man sa dibdib ang makita si ken, I will act normal kung madatnan ko man si Ken sa apartment! Hindi ko sasabihin sa kanya ang nakita ko! Kahit masakit makita si Ken sa Araw Araw ay kakayanin ko! Dahil ganoon ko siya mahal.

Scared of Losing 'YOU'Where stories live. Discover now