8

86 2 3
                                    

KEN POV

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa sinag ng Araw na tumatama sa Mukha ko. Nahiga lang muna ako saglit para magising ang diwa ko. Tumayo na ako at nagtungo ng kusina nararamdaman ko na kasi ang gutom kaya nagluto ako, nag init ng tubig, at pagkatapos ay inayos ko ang pagkain sa lamesa. Nagsimula na akong kumain, pagkatapos kung kumain ay naligo na ako dahil may practice kami.

Umalis na ako ng condo dahil gusto kung magtungo sa restaurant bago pumunta ng practice. Pagkarating ko sa labas ng restaurant ay nakita ko agad si Stell na nag aayos ng ilang lamesa.

Naglakad ako patungo sa loob ng restaurant, pagpasok ko ay agad na patingin si Stell sa pwesto ko.

"Good morning!" nakangiti kung Bati sa kanya. "Good morning!" pabalik niyang bati habang nakangiti.  "Musta?" Tanong ko ulit, sa kanya habang naglakad palapit sa pwesto niya. "Okay lang! Pasensya na pala kagabi. Napagod lang yata ako sa trabaho ko!" pahingi niya ng tawad habang nakatingin sa akin. "okay lang, naiintindihan ko naman!" Sabi ko. "Sige, maiwan na kita! Marami pa kasi akong gagawin!" pagpapaalam niya.

"Stell! Iniiwasan mo ba ako?" napatigil si Stell sa paglalakad dahil sa tanong ko. "Bakit naman kita iiwasan? sadyang may gagawin lang talaga ako!" he said, at tuluyan na siyang umalis.

Gusto ko pa sana siyang sundan pero pagtingin ko ng oras ay late na ako ng practice. Kaya lumabas na akong restaurant at nag maneho patungong building. Pagkarating ko ay halos kasabayan ko lang dumating si pau, nakahinga rin ako ng maluwag.

Nagsimula na kami sa practice, pero panay ang sulyap ni jah sa akin! Hindi ko na lang pinansin ang mga sulyap niya at tinuuon ko ang isip ko sa pagsasayaw. Halos isang oras kaming nag sayaw, at mabuti nalang napansin ni pau na medyo hingal na rin kami, Kaya binigyan niya kami ng ilang minutong pahinga. Habang nagpapahinga kami ay nagsalita si pau.

"Ken! Kain tayo mamaya sa restaurant ni Tito Kenneth!" pangyayaya ni pau. "Sige!" matipid kung sagot. "Josh at jah! Sama kayo ha, matagal tagal na rin ang huli nating bonding!" Sabi pau Kay jah at josh habang ang dalawa ay nag uusap. "Sige! Gusto rin makita si Stell sa personal" tanging sagot ni josh. Si jah naman ay tahimik lang habang nasa tabi ni josh!

Pagkatapos namin magpahinga ay bumalik agad kami sa pagsasayaw. Mukhang mabilis na kami kompara kahapon, kaya wala pang Isang oras ay natapos na kami.

Sabay sabay kaming naglakad paalis ng room! at lumabas ng building. May kanya kanya kaming sakay ng sasakyan. Nauna akong umalis, ilang beses na rin kaming kumain sa restaurant ni Tito, kahit hindi na kami sabay sabay magpunta hindi na sila mawawala pa.

Pagkarating ko ay agad akong pumasok sa restaurant, sinalubong ako ni mike, "Table for four person!" Sabi ko agad sa kanya! "This way sir!" sumunod lang ako mike. Aalis na sana si mike pero agad akong nagtanong "Mike where's Stell?" "Nasa kitchen po Sir. Sige sir alis na po ako!" tumango lang ako kay mike.

Dumating na si pau, sumunod si jah at josh. Agad namin silang umupo. At tumawag ng waiter. Lumapit si Stell sa table namin. "Yes, Sir? Here's the menu!" binigay ni Stell sa amin ang tig iisang menu. Naghintay lang ito hanggang matapos kaming mag order. Pansin ko naman ang kakaibang tingin ni pau kay Stell! medyo na iinis ako sa tingin ni pau. haystt!

"Anyway Stell! This is Jah and josh ang dalawa pa namin kasama sa grupo."

"Ganoon po ba sir! Sige alis na po ako!" Umalis si Stell sa table namin.

"Kaya pala, ganoon ang impact sayo ng lalaking 'yun si stell. Di rin naman kasi maipagkakaila dahil may angking kagwapuhan naman pala!" Sabi ni josh habang nakatingin sa likod ni Stell na papaalis. "Loko!" tanging nasabi ko.

Bumalik na si Stell na dala ang mga order namin, habang nilalagay ni Stell isa isa ang pagkain sa lamesa ay nagsalita ako.

"Stell, Umupo ka saluhan mo kami! Ako nang bahala magpaliwang Kay Tito.!"

"Pasensya na po Sir! pero hindi po maari ang gusto niyong mangyari!"

"Sige na Stell! Ako na bahala magpaliwanag Kay Tito!"

"Pero Sir Ken....!"Hindi na tapos ang sasabihin ni stell ay biglang dumating si Tito.

"What's happening here?" Tanong ni Tito.

"Tito, gusto ko lang po sana yayain si Stell para saluhan kami. Okay lang po ba?"

"Sige na Stell! Saluhan mo na sila! Bumalik ka nalang sa trabaho pagkatapos!"

"Pero sir!" aangal pa sana si Stell pero Wala na siyang magawa dahil lumapit na si mike para Kunin ang menu na nasa kamay niya.

"Sige, mga iho! Alis na ako." aalis pa sana si Stell sa table namin pero napatingin si Tito kay Stell ng may malalim na tingin. Walang nagawa si Stell kundi ang bumalik sa pagkakaupo.



Scared of Losing 'YOU'Where stories live. Discover now