7

86 2 1
                                    

KEN POV

Umalis kami pau sa restaurant na hindi nakakausap si Stell! Pero kahit kulitan ko pa ito na kausapin ako ay Hindi maari dahil may rules sila na dapat sundin sa gitna ng trabaho. Sasakay na sana ako ng sasakyan pero may sinabi si pau, Kaya napatingin ako sa kanya.

"Ken! Si jah na lang ang tanungin mo tungkol sa pag uusap namin kanina.!"

"Sige! para na rin mawala ang bigat sa  loob ko!"

"Sige, una na ako!" umalis na si pau at sumakay ng motor.

Naguguluhan ako kung sino ang una kung kakausapin si jah o Stell! Kaya bago pa ako mag isip dito sa labas, ay  sumakay na ako ng sasakyan dahil baka makita pa ako ng A'tin.

Pagkarating ko sa condo ay nahiga na muna ako saglit bago maligo, pagkatapos ay nagbihis na ako at bumalik sa kama. Naiisip ko na naman ang nangyari kanina sa restaurant kaya kinuha ko ang cellphone at hinanap ko ang pangalan ni Stell sa messages ko.

"Stell? Pwede ba tayo mag-usap, tungkol sa nangyari kanina!?" pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin nag reply si Stell. Siguro busy lang si Stell sa trabaho. Haysst! Ano ba kasi ken ang ginawa mo kanina? Gusto mo diba siya makilala, pero bakit sinaktan mo na agad? napasabunot ako sa ulo ko dahil ang Tanga ko!

Bago pa ako mabaliw sa kakahintay sa reply ni Stell, ay nanunuod na lang ako ng anime. Pagtingin ko sa oras ay Gabe na pla di ko manlang namalayan ang oras! Tumayo ako sa pagkakahiga at nagtungo ng kusina para magluto. Pagbukas ko ng ref. ay halos wala na itong laman.

Lumabas ako ng condo para bumili ng pagkain, Agad akong sumakay ng sasakyan at pinaandar. Sa grocery na Lang ako pupunta kung saan ko unang nakita si Stell. Pagkarating ko ay agad akong bumili ng pagkain, pagkatapos magbayad ay lumabas na ako ng grocery.

Paglabas ko ng grocery ay agad akong sinalubong ng malamig na hangin! Ang sarap. Naglakad lakad lang muna ako at napatingin sa malapit na park.
"May park pla rito?" bulong ko. Naglakad lang ako ng naglakad at umupo sa isang bench.

Tiningnan ko ang buong paligid, kaunti lang ang tao ang nandito, siguro dahil Gabe na rin.

Napatingin ako sa lalaking naglalakad sa gilid ng kalsada! Parang si Stell. Kaya sinundan ko siya hanggang makarating sa apartment niya, pero Hindi niya parin namamalayan ang pagsunod ko. Pansin ko rin na kanina pa siya hinga ng hinga ng malalim habang naglalakad kami.

Bago pa siya pumasok ng apartment ay hinawakan ko agad ang isa niyang kamay. Nagulat pa siya sa paghawak ko sa kanya.

"Ke,ken? Ano ginagawa mo dito?" nauutal niyang tanong.

"Nakita kasi kitang naglalakad kaya sinundan kita!"

"Ahh, ganoon ba! Sige pasok na ako!"aalisin na sana niya ang kamay ko para pumasok, ay mas hinigpitan ko pa Lalo ang pag hawak sa kanyang kamay.

"Stell? Pwede ba tayong mag usap?"

"Ano ka ba ken? Okay lang ako sa nangyari kanina! It's part of our job! Kaya wag kang mag alala!" ngumiti lang siya sa akin at inalis ang kamay niya na hawak ko.

"Sige pasok na ako!" naglakad na ito at binuksan ang pinto. Pero bago pa siya makapasok ay nagsalita ulit ako.
"Stell?" tawag ko ulit. "Ken, wag na muna ngayon, pagod ako!" at tuluyan na siyang pumasok sa kanyang apartment.

Nanatili ako ng ilang minuto sa labas ng kanyang apartment. Umalis na ako dahil wala talaga siyang balak kausapin ako.

Pagrating ko ng condo ay nilapag ko lang ang mga binili ko, Wala na akong gana magluto at kumain. Naglakad na ako patungong kwarto, at nahiga sa kama. Dahil sa kakaisip ay nakatulog na pala ako.

Scared of Losing 'YOU'Where stories live. Discover now