Chapter 3

163 8 0
                                    

Nakadapa ako ngayon sa kama at malalim na ang gabi, hinahanap ko ang social media ni Khiarus. Mabuti nga at public ang mga post niya sa Instagram at Facebook, pero hindi ko siya ina-add. Tamang stalk lang.

Grabe ang aesthetic ng mga post niya, buhay na buhay talaga ang music sa timeline niya! Nakita ko rin ang facebook page nila na SilentStrike na mayroong 465 thousands likes and followers! Grabe sikat na sikat pala talaga sila? Dami nilang fangirls!

Habang nag-scroll ako sa Instagram niya ay narating ko na ang dulo, sa dami ng post niya ay wala siyang babaeng kasama sa mga pictures niya maliban sa ka-band group nila na si Abegail.

Nang dahil may kumatok sa pintuan ko ay aksidente kong na-double tap yung lumang post niya! Jusko February 26 2021 pa ang post niya na 'yon! 2024 na ngayon!

Agad kong binawi ang heart, pero kahit na bawiin ko ang heart na iyon ay paniguradong nasa notification niya na iyon! Ni-blocked ko siya sa ig at agad kong pinatay ang cellphone ko saka tinapon iyon sa kama ko. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si mama.

"I just wanna say goodnight, anak," nakangiting sabi niya at niyakap ko naman siya.

"Goodnight, ma," bulong ko. Muli ko nang sinara ang pintuan ko at binagsak ang sarili ko sa kama. Sinubsob ko nang mariin ang mukha ko sa unan dahil sa sobrang kahihiyan! Iisipin niya na isa akong stalker!

Muli akong tumihaya at nag-isip, sabagay, hindi lang naman ako ang nag-stalk  sa kan'ya, marami pa r'yan at panigurado ako na nire-react din nila ang mga old post ni Khiarus!

Umiling nalang ako at pumikit, pero kahit anong pilit ko ay hindi ako makatulog. Para akong mababaliw kakaisip dahil sa ginawa ako.

KINAUMAGAHAN bangag ako at tila ba puyat na puyat. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa pago-overthink. "Eula! Ano ba't hindi ka makausap nang maayos d'yan?" takang tanong ni mama sa akin habang nilalagyan ng almusal ang plato ko.

"Wala po, ma. Iniisip ko lang po ang story na gusto kong ipasa sa theatre arts department," palusot ko, dahil kapag sinabi kong may ultimate crush ako ay baka sabunutan niya ako.

"Baka naman may nanliligaw na sa'yo kaya ka nagkakaganyan? Nako, ipagbigay alam mo agad ito sa akin Eularis Levine!" nakakatakot na sabi ni papa pero ang tono niya ay may halong biro.

Nagkatinginan kami ni mama at natawa nalang dahil sa sinabi ni papa. Dating routine, after kong kumain ay lumabas na ako para pumunta sa paradahan ng tricycle.

Saktong kulang ng isa ang tricycle, sumakay na ako at mabilis nakaalis ang tricycle, mabuti nalang dahil hindi ko na kailangan maghintay.

Mabuti at hindi ko kaklase si Khiarus, ang sabi kasi ni Cassy ay Maritime ang course ni Khiarus, ang layo sa course ko na Psychology.

Nang makapasok ako ay nadatnan kong nasa upuan na niya si Cassy, always maaga talaga ang babaita na ito. Kumaway siya sa akin at ngumiti.

Nang makaupo ako sa upuan ko ay lumapit si Cassy sa lalaking katabi ko na nerdy, "Hi Mikael. Pwede bang palit nalang tayo ng upuan?" tanong ni Cassy kay Mikael habang nagpapa-cute. Wala namang nagawa si Mikael kung hindi ang makipag-palit. Nakuha yata siya ni Cassy sa pagpapabebe.

"Oh ayan! Magkatabi na tayo," natutuwang sabi ni Cassy.

"Mabuti naman at mayroon na akong makakadaldalan!" hirit ko pa. Mayamaya lang ay pumasok sa na loob si  Sir Garcia.

Hindi pa siya nakakapagsalita ay pumasok sa loob si Lixiander, ang lahat ng mga mata namin ay nakatuon sa kan'ya. Dumeretso siya sa pwesto niya at preskong naupo habang nakatingin sa white board.

 The Strikes Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon