Chapter 27

107 3 0
                                    

Halos mabitawan ko ang cellphone ko nang marinig ko ang sinabi ni mama, inalalayan pa ako ng ibang babae na narito sa loob nang makita nilang halos matumba na ako.

"Miss, okay ka lang ba?" tanong ng babae sa akin at tumango naman ako. Agad akong lumabas ng cr at sinalubong ako ni Xian. Agad nawala ang ngiti sa kan'yang mga labi nang makita niya ang hitsura ko.

"What happened?" nag-aalalang tanong niya. Mabilis akong nagla-lakad ngayon palabas ng exit ng mall. "Eula...What happened?" tanong niyang muli at hinarap ko siya.

Hindi ko na maiwasan pa ang umiyak, ayokong maniwala hangga't hindi ko nakikita. "S-Si papa..." paninimula ko. "S-Sabi ni mama...si papa...wala na raw," umiiyak kong sabi at agad niya akong niyakap.

"Tara na," bulong niya at agad kaming sumakay sa motor. Dumeretso kami sa hospital kung saan doon dinala si papa.

Nang marating namin ang hospital ay sinalubong ako ni mama, magang-maga na ang mga mata niya kaka-iyak. Mahigpit niya akong niyakap at niyakap ko naman siya pabalik.

"Ma...si papa?" nanginginig kong tanong. Marahan siyang umiling habang umiiyak. "Ma, masamang biro 'to," dagdag ko pa.

"Anak, wala na. Inatake siya kanina sa store...dead on arrival na ang papa mo nang m-makarating dito...anak!" hagulgol na paliwanag ni papa. Halos mapa-upo ako sa sahig nang marinig ko iyon.

Sinalo naman ako ni Xian at niyakap ko siya nang mahigpit, sumubsob ako sa dibdib niya at doon binuhos lahat ng luha ko. Tahimik lang siya habang niyayakap ako pabalik.

Nang pumunta ako sa morgue, naroon nga si papa. Totoo ngang wala na siya...totoo ngang iniwan na kami ni papa. Lumapit ako sa katawan niya at niyakap iyon habang umiiyak.

"Papa naman, bakit ka umalis? Hindi pa ako graduate...bakit hindi mo ako hinintay?" umiiyak kong sabi. "Pa...ang lakas mo pa 'di ba? Ang saya pa natin...bakit ganito, pa?" dagdag ko pa.

Tumagal ako ng ilang minuto sa loob bago ako lumabas. Tulala lang ako, maging si mama ay tulala rin at hindi alam ang gagawin. Ano na buhay namin ngayong wala na si papa?

Nang makauwi kami ay inaayos nanamin ang loob ng bahay, dumating narin ang mga maga-ayos ng burol ni papa. Pumunta si Cassy at alalang-alala siya.

"Nakikiramay ako sisssy ko," malungkot na sabi niya. Parang maluluha pa siya, syempre matagal na rin niyang kilala si papa.

Niyakap ko lang si Cassy at hindi ko na maiwasan ang umiyak muli. Hindi ko matanggap na wala na si papa, na iniwan niya na kami.

Hindi pa nauwi si Xian simula nang samahan niya ako sa hospital, sumama siya rito sa bahay at anong oras na. Hindi pa siya nakakapag-palit ng damit.

"Xian, hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko at umiling naman siya. Nakangiti man siya, malungkot naman ang mga mata niya.

"Dito lang ako," nakangiting sabi niya. "Kailangan mo ako, kailangan ako ni tita. Kaya mananatili ako rito," paliwanag niya pa at niyakap ako.

"Xian, hijo. Mag-palit kana muna ng damit, bumalik ka na lamang," mahinahong sabi ni mama.

"Pwede po ba na dito ako matulog hanggang sa mailibing si tito?" tanong ni Xian at dahan-dahan namang tumango si mama. Niyakap ni mama si Xiaj at humikbi.

"Oo naman, hijo. Maraming salamat," umiiyak na sabi ni mama. Nang mag-hiwalay sila ay hinatid ko muna sa gate si Xian.

"Babalik agad ako," sabi niya at tumango naman ako. "I love you," dagdag niya pa at niyakap akong muli. "I love you more..." malungkot kong sabi.

He cupped my face and wiped my tears away, "Wait for me," nakangiting sabi niya at tumango naman ako.

Sumakay na siya sa motor niya at lumingon pa muna sa akin bago tuluyang mag-maneho palayo. Nang mawala siya sa paningin ko ay bumalik na ako sa loob.

 The Strikes Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon