Chapter 26

102 5 0
                                    

Matapos ng bagong taon ay umuwi na rin kami ng January 2. Ayaw pa sana nila mama umuwi, pero kailangan.

"Kumusta ang bakasyon? Taray ah, buong bakasyon kasama ang bebe?" nang-aasar na sabi ni Cassy.

"Sus, ikaw nga marupok eh!" pang-aasar ko naman sa kan'ya. Ngumuso naman siya at bahagya pang kinikilig.

"Ano ka ba! Sinong hindi rurupok sa isang tulad ni Cillian? Mayaman, gwapo, magaling sa gitara, famous! Nako nasa kan'ya na ang lahat!" kinikilig na paliwanag niya at napailing nalang ako.

Gan'yan naman palagi 'yan, may araw na kinikilig, may araw din naman na wala sa mood at sinusumpa talaga si Cillian.

Nang pumasok na ang prof namin ay tumahimik na kaming dalawa. Sumulyap naman ako kay Xian na ngayon ay seryosong nakikinig sa teacher na nagtu-turo sa harapan.

2 weeks nalang kasi ay finals na. Wrong timing pa dahil ngayon pa kami tinambakan ng gawain, imbis na review ang gagawin namin ay puro project at paperworks ang binigay.

"Sus! Napaka-raming gagawin," reklamo ni Cassy habang nasa cafeteria kami. "Sinabay pa talaga sa finals!" dagdag niya pa. Stressful talaga bago pa ang mismong exam.

Matapos naming kumain ay nagpaalam siya sa akin na magkikita raw sila ni Cillian, kaya ito ako, mag-isa na nakatambay sa garden.

Habang naka-tambay at nagbabasa ng libro ay may tumabi sa akin, si Aaron, kaklase ko sa World Literature.

"Bakit mag-isa ka?" takang tanong niya.

"Ah, wala kasi yung kaibigan ko eh. Kaya narito ako para makapagbasa nang tahimik," nakangiting sagot ko. Friendly smile lang.

"Eh nasaan si Lixiander? He's your boyfriend, right?" takang tanong niya muli.

"Right here," dinig kong boses ni Xian. Nasa likuran na siya ni Aaron.

Agad namang tumayo si Aaron at nagsalita, "Ah sige. Pasensya na," tanging nasabi niya. Tumango lang si Xian habang nakapamulsa.

Nang makaalis si Aaron ay tumabi sa akin si Xian, umakbay siya sa akin at nanatili siyang nakatingin sa akin. Seryoso pero hindi naman katulad ng dati na para bang palaging may kaaway.

"Pinopormahan ka ba no'n?" tanong niya at mabilis akong umiling. "Noong una ay hinahatid ka sa parking lot, kanina naman ay narito katabi ka. Aba, hindi ba niya alam na akin kana?" taas kilay niyang sabi at natawa naman ako.

"Ano ka ba? Kaibigan ko lang 'yon. Isa pa kaklase ko siya sa isang subject ko, hindi ba? Ito, kung ano-ano ang iniisip mo," mahinahong sabi ko.

"Ayoko, kakilala mo lang dapat siya o kaklase. Ayoko ng kaibigan," nakanguso niyang sabi. Para siyang bata ngayon na nagmamaktol. Nakakatuwa siya, kung dati ay inis na inis ako, ngayon ay tuwang-tuwa ako sa kan'ya. Kahit pa na ganitong nagseselos siya ay natutuwa ako.

"Para kang bata," tanging sabi ko. "Parang baliw eh," dagdag ko pa.

"Eh ayaw ko ng may ibang lalaking nalapit sa'yo. I hate it, you know I hate it. Yung ngiti mo, gusto ko sa'kin lang, 'yang atensyon mo, gusto ko sa'kin lang," seryosong paliwanag niya at tumango nalang ako. Hay nako.

"Oo na. Ikaw lang naman ang laman ng puso ko. Ikaw lang, okay? Kaya itigil mo na ang pago-overthink mo. Promise, ikaw lang ang mahal ko," paliwanag ko at ngumiti naman siya.

"Mabuti," nakangiting sabi niya. "Dahil ako, ikaw lang talaga. Ikaw lang at wala ng iba pa," dagdag pa niya. Mas lumapit pa siya sa akin at sumilip sa binabasa ko. Ang librong binabasa ko ngayon ay isa sa mga regalo niya sa akin noong birthday ko.

"Wala ka bang practice?" tanong ko at umiling naman siya.

"Wala naman. Ang next event naman kasi ay sport fest sa second sem. Wala ng ganap ang banda no'n. Pwedeng meron kapag may introduction at outro o kaya ay special performance," paliwanag niya at tumango-tango naman ako.

 The Strikes Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon