Chapter 36

157 8 0
                                    

WARNING : R18+
Read at your own risk.

Naki-usap sa akin si Ian na dito matulog sa bahay si Xian, kahit sa guest room. Pumayag naman ako.

Narito kami ni Xian sa loob ng guest room, gabi na at mag-desisyon kaming dalawa na mag-usap.

"Care to explain everything?" tanging sabi niya habang naka-upo sa kama. Ako naman ay naka-tayo lang at naka-sandal sa pader.

"I never cheated on you. That night, I was drunk and that man was Kuya Seb. Cassy's cousin. Lasing na kaming lahat ng gabing iyon, hindi na namin kaya umuwi ni Cassy," paninimula ko. "Kaya nag-check in kami sa malapit na motel. Siguro hindi mo naabutan na ang unang niyang pinasok sa loob ng motel ay si Cassy, sunod ay ako. Humiwalay ng renta ng kwarto si Kuya Seb. Nothing happened between me and him," dagdag ko pa at tumango-tango naman siya.

"I'm sorry..." tanging nasabi niya.

"I understand kung nagalit ka man, Xian. Pero sana, binigyan mo ako ng pagkakataon mag-explain para hindi tayo umabot sa ganito," mahinahong paliwanag ko.

"I can't. Maraming gumugulo sa isip ko ng araw na iyon. Maraming tanong, maraming problema, hindi ko kaya. Naging duwag akong malaman ang totoo, dahil iniisip ko na kung maging totoo ka man sa akin, ay baka may nangyari nga sa inyo," naka-yukong paliwanag niya.

"That night, I came to tell you na hindi na matutuloy ang pangako kong maipapakilala kita sa mga magulang ko," paliwanag niya.

"So plano mo na talagang hindi magpa-kita sa akin?" tanong ko at umiling siya.

"My dad killed my mom that night. And that night, I decided to get back here only to see you with another man. That killed me even more, Eula. I was hurt, badly hurt, and wounded." paliwanag niya at natahimik ako.

Nagulat ako sa mga sinabi niya, namatayan siya ng ina, at ang masama ay tatay niya mismo ang dahilan no'n. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko, nanginginig din ang mga kamay ko sa nalaman ko. Ngayon ay na-explain ng tattoo sa pulsuhan njya ang lahat.

"Bumalik nalang ako sa Batanes at doon sinayang lahat ng oras ko. I was wasted, depressed, and alone. Five years, I was all alone. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin sa buhay ko that time. Kailangan kita, Eula. Ikaw lang ang kinakapitan kong ilaw noon, but that light shattered when I saw you with another man. Buhay pa ako, pero yung loob ko patay na patay na. Naisip ko na lalaki ako, hindi dapat ako mahina. Pero tangina...pag-dating sa'yo sobrang hina ko."

Doon ay narinig ko ang pag-iyak niya. Naka-yuko parin siya, patay ang ilaw kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya. Dahan-dahan akong lumapit sa kan'ya. Kusang niyakap ng katawan ko siya.

Naramdaman kong bumaon ang mukha niya sa tyan ko at niyakap niya ako nang mahigpit, "Sobrang sakit, Eula...my mom died in my arms. I saw her eyes finally close and heard her last breath, and for the first time, she said that she's proud of me, that she loves me, and that she was sorry for not showing her love when she had a chance," umiiyak niyang sabi.

Hinawakan ko ang ulo niya at hinaplos-haplos iyon, hindi ko alam ang sasabihin ko. Naubusan ako ng mga salita, hindi ko akalain na ganito kabigat ang dinadala niya sa dibdib niya.

"That's why I'm grateful to be with you and your family. Sa pamilya mo nahanap ko ang tunay na kahulugan ng salitang pamilya. Gustong-gusto ko ulit bumalik, Eula...gusto kong makasama ka...but those what I saw are playing in my mind, I can't face you...until I saw you at the reunion. Akala ko nalimutan ko na ang lahat, akala ko tanggap ko na, but I was wrong," umiiyak parin na sabi niya. "Please...come back to me, Eula...I'll do better this time...lahat ng sasabihin mo paniniwalaan ko. Sa mga sasabihin mo lang ako maniniwala...please, I'm begging you...come back to me. I can't imagine my life without you in it."

 The Strikes Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon