Chapter 2

135 12 3
                                    


Chapter 2

Nagising si Keira sa loob ng hindi pamilyar na puting kuwarto. Kahi hindi na siya magtanong ay alam na niya kung nasaan pa siya. The smell of anti-septic that filled the air told her that she was inside a hopital's VIP room.

Pitong pares ng mga mata ang nakatingin sa kaniya. Ang unang nag-react at tumayo mula sa couch na kinauupuan ay si Katelyn.

"Thank goodness, you're finally awake! You made us all worried. Are you okay?" madramang saad nito saka nilingon ang asawa. "Call the doctor and nurses," bossy nitong utos.

Nagkibit-balikat naman si Marcus saka nagtungo sa gilid ng kama ni Keira at pinindot ang paging button sa itaas ng hospital bed na kaniyang kinahihigaan.

Lumapit din si Irene at hinawakan ang kamay ng nanghihinang si Keira, habang si Romualdo ay nanatiling nakaupo sa pang-isahang couch. Nag-iwas ang tingin nito sa anak saka sinamaan ng tingin si Ethan na akmang tatayo sana ngunit natigilan nang makita ang matatalim na tingin mula sa nakatatandang Aragon. Napaayos na lang ito mula sa pagkakaupo.

"Kumusta ang pakiramdam mo, anak? You fainted last night," ani Irene saka hinaplos ang kaniyang buhok.

Napakunot ang noo ni Keira.

Last night?

Her eyes silently searched for a clock around the room. Saktong pagtama ng kaniyang paningin sa pader sa kaliwang side ng kuwarto ay may nakita siyang nakasabit na wall clock. Alas siyete y media ang sinasaad ng orasan. Sa huling pagkakaalala niya ay natapos silang maghapunan ay pasado alas otso na—ibig sabihin ay umaga na nga kahit hindi hawiin ang blind curtains sa bintana para makita kung gaano na kataas ang sikat ng araw sa labas.

"I'm feeling okay now, M-Mom . . . I-is my baby okay? Bakit po ako nahimatay?" Keira weakly asked.

"We're sorry about that, sweetie. Kami yata ang dahilan kung bakit ka na-stress kagabi at nahimatay. Hindi nakabubuti para sa sitwasyon mo ang ma-stress. The baby is safe naman sabi ni doktora. Hintayin lang natin siya para sa further results ng test, ha?"

Nakahinga nang maluwag si Keira sa narinig. Hindi niya man inasahang mabubuntis siya nang wala sa oras ay ayaw niya pa ring may mangyari sa inosenteng buhay na nasa sinapupunan niya ngayon.

Nilingon ng mommy nila ang daddy nila at tinaasan ito ng kilay.

"Rome, halika rito. Mag-sorry ka rin sa anak mo. You acted violently last night. Tinakot mo si Keira," malumanay ngunit may halong pagka-istriktang saad nito kaya ang padre de pamilya naman ng mga Aragon ang napaayos ng pagkakaupo.

Akmang magsasalita ito nang may biglang kumatok at nagbukas ng pinto.

Keira's OB-GYNE entered the room together with two female nurses. Nginitian agad siya ng doktora nang magtama ang kanilang paningin.

"Good morning, Keira. Mabuti at gising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo?"

"Ayos na po, Doc."

"Hindi ka naman nahihilo?"

Pinakiramdaman ni Keira ang sarili at umiling nang wala naman siyang naramdamang kakaiba.

"That's great. The nurse will just check your vitals before I read the results of the tests, we've ran last night."

"Sige po . . ."

Hinayaan lang ni Keira ang mga nurse na kunin ang vital signs at i-check ng suwero niya. Nang matapos lahat ay muling tumikhim si Dra. Sanches habang binubuklat ang mga papel na nakaipit mul sa clipboard na hawak nito.

Testing the WatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon