Chapter 10

124 10 1
                                    

Chapter 10

Lumipas ang mga linggo na namalagi si Keira sa bahay ng kaniyang mga magulang dahil na rin sa kagustuhan ni Ethan. Nais nitong masigurado ang kaligtasan nilang mag-ina kaya tinapos niya ang bedrest doon na inabiso ng kaniyang OB-GYNE. Bukod doon ay pinahirapan din siya ng kaniyang morning sickness at pagiging maselan sa mga pagkain at amoy. Kung kailan namang pumasok siya sa second trimester ng pagbubuntis ay saka naman siya nagkaroon ng mga iyon.

Kahit ganoon ay madalas naman siyang dalawin ni Ethan at madalas din silang matulog nang magkatabi sa kaniyang kuwarto.

Katulad nga ng inasahan ni Keira ay bahagya siyang nadagdagan ng timbang nang matapos siyang ilang linggo na halos nakahiga lang. Kasabay niyon ay ang paglaki rin ng kaniyang baby bump. Nakabalik na rin sila sa doktor at maayos naman ang lagay ng baby. Nakatulong ang kaniyang mahabang pahinga para lumakas ang kapit nito.

"Welcome home, Keira . . ." ani Ethan nang maiparada nito ang sasakyan sa malawak na garahe ng mansyong binili nito para sa kanila.

It was an elegant two storey mansion with a wide landscape garden, driveway, and garage full of luxurious cars and other vehicles. Kahit hindi bilangin ni Keira ay sa tantsa niya ay nasa higit sampu ang mga iyon. There was a water fountain in the middle of the driveway's roundabout. Napapalibutan ang mansyon ng matataas na kulay gray na pader at at black na gate para sa kanilang seguridad.

Keira's jaw literally dropped at the sight before her. Ang akala niya ay bahay lang ang binili ni Ethan para sa kanila tulad ng palagi nitong sinasabi sa kaniya, ngunit hindi niya naman inakalang sa mansyon pala siya nito ititira. Akala niya ay sa mas maliit na bahay muna sila titira dahil maliit pa lang naman ang kanilang pamilya sa ngayon.

Naunang bumaba si Ethan mula sa driver's seat at umikot papunta sa pintuan ng shotgun seat para pagbuksan siya ng pinto.

Sinalubong sila ng tatlong kasambahay na sa tingin ni Keira ay mga nasa early to mid-forties na. Bumati ang mga ito sa kanila kaya binati niya rin ang mga ito pabalik. Ipinakilala siya ni Ethan sa tatlo bago isa-isang ipinakilala sa kaniya ang mga ito. The three were Tonyang, Dela, and Meling. Kinuha ng mga ito ang mga gamit niya mula sa trunk ng sasakyan, pagkatapos, saka ipinasok ang mga iyon sa loob ng mansyon.

"Ito yung binili mong bahay? Ethan, this is not a house. This is a freaking mansion!" hindi mapigilang bulalas ni Keira nang silang dalawa na lang ang natira doon sa labas. "Hindi ba masyadong malaki 'to para sa atin? Tayo pa lang namang dalawa tapos itong magiging baby natin. Sana mas maliit na lang muna ang binili mo."

Nag-alala si Keira at nakaramdam ng hiya kay Ethan dahil sa hitsura pa lang ng mansyon ay halata nang hindi biro ang halaga niyon.

Nginitian at inakbayan siya ni Ethan.

"It's okay, Keira. I am willing and able to provide everything for you and our future kids," anito saka inalalayan papasok sa nakabukas na double doors.

Napagtanto ni Keira na talagang mayaman nga ang pinakasalan niya. Mayaman din naman siya ngunit hindi siya sanay na pinagkakagastusan siya nang mahal. Hindi siya pinalaking maluho ng parents niya.

Napakunot ang noo ni Keira at napahinto sa paglalakad kaya napahinto rin si Ethan. Nilingon at tiningala niya ang mukha ng huli. Hindi kasi nakatakas sa kaniya ang huling mga katagang sinabi nito.

"Future kids? You want many kids?" kuryoso niyang tanong.

"If God will bless us with two or more, I'll be glad," Ethan replied without hesitation. "Ikaw ba? How many kids do you want us to have?"

Nanlaki ang mga mata ni Keira bago wala sa loob na napahawak sa kaniyang baby bump.

"You mean . . . we're going to have s-sex, again after I give birth to this little one?" tanong niya nang mapagtanto kung paano sila magkakaroon ulit ng mga anak.

Testing the WatersWhere stories live. Discover now