Chapter 4

128 13 0
                                    

Chapter 4

Nawala ang antok ni Keira pagkatapos siyang maihatid ni Ethan sa kuwarto na nasa ikalawang palapag dahil sa mga bagaheng nakita niya sa gilid ng isang super king-sized bed. Kunot-noo niyang nilingon ang asawa.

"Who brought our things here?" nagtatakang tanong niya.

Sa pagkakatanda niya dalawa lang silang pumasok ng bahay kanina at wala itong bitbit na kahit ano bukod sa buhat-buhat siya nito kanina.

"Kami ni Manang Weng ang nag-akyat kanina habang tulog ka pa."

Doon lang nalala ni Keira na matagal bago siya nagising kanina. Alangan nga namang titigan lang siya ni Ethan habang natutulog siya.

Malamang ay may ibang mga bagay pa itong ginawa para hindi mainip—tulad na lang ng paglalagay muna ng mga gamit nila sa kuwartong kinaroroonan ngayon.

"A-aaah . . . okay. But why are your things here, too?"

"Why not?" Ito naman ngayon ang napakunot ang noo.

"H-hindi ba't sabi mo, ito ang magiging kuwarto ko?"

Natigilan ito sandali ngunit napangisi rin pagkatapos.

"Let me correct you, Mrs. Montero. This is our room."

Nanlaki ang mga mata ni Keira.

"What? Why? Bakit dito ka rin matutulog?" naeeskandalong tanong niya na ikinahagalpak ni Ethan.

"You didn't hear me, don't you, Mrs. Montero?" anito nang matapos nitong mahabol ang hininga pagkatapos tumawa. He gave an emphasis on her title. "We are married, Keira. Saan mo ako gustong patulugin?" nakangisi nitong tanong saka humalukipkip.

Napanguso si Keira at napayuko. Alam niya namang mag-asawa na sila pero hindi niya pa rin maiwasang magulat. She expected that they would sleep in a separate room since they were not like other couples who married each other because they were in love.

"N-nagulat lang ako."

Tumayo nang tuwid si Ethan at namulsa bago sumeryoso ang ekspresyon.

"When I said we will make our marriage work, kasama ito roon. Don't worry, I won't do anything that will make you uncomfortable. Also, the reason why I chose to put a bigger bed here is to have more space for us. Kahit maglagay tayo ng unan sa gitna ay ayos lang. Ang mahalaga ay may kasama ka. You might need help when your morning sickness attacks or something."

Napaamang si Keira kay Ethan dahil sa narinig. True enough, the bed was big and spacious for two people. Kahit pa malaking tao si Ethan ay hindi pa rin nito masasakop nang buo ang alin mang side ng tutulugan nito. Welfare niya pa rin ang iniisip nito. Although wala naman siyang morning sickness pero hindi imposible na kailanganin niya nga ng tulong kung sakali.

"O-okay . . . sige. M-maglagay na lang tayo ng unan sa gitna," pagsang-ayon ni Keira sa maliit na tinig.

"Sa bahay din natin ay ganito ang laki ng kama sa kuwarto kaya wala kang dapat ipag-alala."

"O-oh. Okay."

"Go and freshen up yourself so you can sleep, again. Iyon ang banyo," anito at itinuro ang isang saradong pinto malapit sa side kung nasaan ang isang malaking abstract painting. "Kumpleto na rin ang toiletries sa loob. Nakapamili ng mga ginagamit mo si Manang Weng bago tayo dumating. The towels and bathrobes are in the cabinet inside. There's also a bathtub if you want to use one."

"Bakit naman malalaman ni Manang Weng ang mga toiletries na ginagamit ko?"

"Your mom gave me a list. I gave Manang Weng a copy, too so she could prepare."

Testing the WatersWhere stories live. Discover now