Chapter 5

121 9 2
                                    

Chapter 5

WALA na si Ethan sa tabi ni Keira nang magising siya kinabukasan. Nang silipin niya ang glass sliding door patungo sa balcony ng kanilang kuwarto ay mataas na ang sikat ng araw sa labas.

Naiiling na napangiti si Keira nang makitang hindi man lang nagalaw ang unan sa pagitan ng space ng tinulugan nila ni Ethan. Ang huli ang naglagay niyon kagabi pagkatapos niyang inumin ang isang basong fresh milk na ipinakuha niya rito kagabi.

She did her morning rituals before she went down. She wore a light blue beach maxi dress and a pair of flip-flops. Hinayaan niya na nakalugay ang kaniyang buhok na hindi na niya pinatuyo sa blower dahil kumakalam na ang kaniyang sikmura.

Naabutan niya si Ethan at ang matandang babae na sa tingin niya ay si Manang Weng sa dining room. Abala ang mga ito sa paghahanda ng hapag.

Si Ethan ang unang nakapansin sa kaniyang pagdating. Nginitian siya nito bago nagsalita.

"Good morning, Keira. Gising ka na pala . . . I was about to wake you up after setting up the table," anito saka inilagay ang malinis na plato sa ibabaw ng placemat. "Tamang-tama ang pagbaba mo. Patapos na rin 'to. Come, sit."

Hinila ni Ethan ang upuang kung saan din naupo si Keira kagabi noong kumain sila ng hapunan kagabi.

Keira smiled back to Ethan, then gave Manang Weng a polite greeting.

"Good morning po, Manang Weng. Good morning, Ethan. Thank you," she said as she sat down.

Sandaling napatigil si Manang Weng sa ginagawa at natulala kay Keira, ngunit hindi kalaunan ay natauhan din at nagsalita.

"Napakaganda nga ng misis n'yo, ser. Mukhang dyosa. Bagay na bagay ho kayo," anito habang papalit-palit ang tingin sa mag-asawa. May hindi maipaliwanag na tuwa at paghanga sa mga mata ng matanda.

Keira blushed at the compliment. She felt the heat all over her face. Alam niyang maganda siya ngunit hindi niya pa ring maiwasang mag-blush kapag may nagsasabi sa kaniya niyon.

Natawa si Ethan na ngayon ay nasa tabi ni Keira.

"Talaga po, Manang? Sabi po sa inyo, e. Salamat po."

Nagtatakang tiningala ni Keira ang asawa ngunit nginitian at kinindatan lang siya nito saka bumalik sa kusina. Mas lalo tuloy namula ang mukha niya dahil first time siyang kindatan ni Ethan. Her mestiza skin failed to hide her blush. Tinawanan tuloy siya ni Manang Weng na hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan nito.

"Napaka-cute n'yo pong mag-asawa," komento nito.

Inalis na ni Keira mga kamay mula sa pagtatakip ng kaniyang mukha saka nakangusong ipinaypay ang isa sa kaniyang mukha.

"Salamat po, manang."

"Siya nga po pala, madam . . . mukhang nabanggit na po sa inyo ni ser Ethan ang pangalan ko, pero hayaan n'yo po akong magpakilala. Ako ho si Weng, katiwala po ng rest house ng mga Montero dito sa isla. Welcome po. Ikinagagalak ko po kayong makilala, Madam Keira. Napakaganda n'yo ho talaga. Congratulations po sa kasal n'yo ni ser."

Keira chuckled. Iyon na naman ang matanda sa pamumuri sa kaniya.

"Salamat po nang marami. Nice to meet you rin po, Manang Weng. Ako po si Keira. 'Wag na po kayong masyadong pormal. Kahit Keira na lang po ang itawag n'yo sa 'kin ay ayos lang po."

"Naku! Hindi po ako sanay tawagin ang mga amo ko sa pangalan nila. Kung hindi po kayo komportable sa madam, ma'am na lang po."

"Sige po . . . Siya nga po pala, ang sasarap po ng mga niluto n'yo kagabi. Naparami po kami ng kain ni Ethan. Salamat po! Ang sarap n'yo pong magluto, at mukhang masarap din po ang agahan ngayon, amoy pa lang po."

Testing the WatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon