CHAPTER 5

325 13 0
                                    

FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK"

Part 5

Nagising naman ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Umunat naman muna ako bagi umupo.

Habang naka upo ako my kumatok ng ilang beses kaya napa tingin ako sa pinto.

*Tok*
*Tok*

"Gising na daw mon, anong oras na mag aayos kapa ng sarili mo!." Sigaw ni kuya nop habang nasa labas.

"Sige kuya baba nalang ako!." Sigaw ko pabalik, narinig ko naman yung yapak nyang papalayo.

Ilang sigundo akong naka upo na kaya nag balak nakong tumayo para mag linis ng kwarto ko. Nang matapos nako sa pag lilinis ng kwarto ko naligo nako dahil nagugutom narin ako.

Nag suot lang naman ako ng nurse uniform at nag light make up lang tyaka nag pabango bago ako nag balak na bumaba na. Kinuha ko naman muna yung bag ko na naka patong sa sofa ng kwarto ko.

"Good morning madlam people!" Sigaw ko habang pababa ng hagdan! "

"Walang good sa morning kung yang bunganga mo naririnig ko" iritang Sabi ni kuya nop habang nag aayos ng mga plato para makakain na kaming tatlo.

"Tita si kuya nop epal na naman!" Sumbong ko kay tita kaya binato sya ng sandok na hawak ni tita.

"Ma naman!" Sabay himas nito sa ulo kung saan sya tinamaan.

"Aga-aga pinag tri-tripan mo na alam mo namang pikunin yan." Sabi ni tita sabay tawa nilang dalawang mag Ina.

Luh

"Tita kala koba kakampi tayo?" Takang tanong ko natawa naman sya.

"Halikana kain na tayo." Pag iiba nito sa usapan.

"Tita wag mong ibahin ang usapan!" Galit galitan kong sabi tawa lang naman nang tawa si tita.

"Alis na po ako, babye!" Sigaw ko habang pa palabas ng gate, kumakaway naman sila.

"Ingat!" Sigaw nila pabalik habang nakaway.

Sumakay naman nako sa motor, umandar naman na ito ka agad.

Kalahating oras sa pag bya-byahe huminto na ito sa harap ng hospital kaya binayaran ko na sya ng 150, pumasok naman ka agad ako, bumungad naman sa akin si irine.

"Mon!"
"Irinee!"
Sigaw naming dalawa habang natakbo na parang sa k-drama lang.

Nag yakapan naman kami ng mahigpit habang na tawa. "Afternoon beh. Balita ko kanina umalis na yung pasyente mo magaling na ito, galing mo mag alaga." Napangiti naman ako. Yes ito na ang kinahihintay ko bagong pasyente lumalaki ang aking sweldo. Yes!.

"Syempre ako paba" sabay apir namin.

"Nurse monica pina-patawag kana don ni Sir. Luke" Sabi ng isa naming ka trabaho, ang tinutukoy naman nyang luke ay yung maneger dito ng nurse dahil sya yung nag papasahod sa amin at nag sasabi kung saan kami maaa-sign.

"Sige na be puntahan mona biyaya yan." Sabi nito tumango naman ako.

"Sige mamaya nalang ulit!" Sabay kaway ko habang papalayo sakanya.

Nasa tapat nako ng pinto ni Sir. Luke Nakita ko naman sa salamin ng pinto my dalawang naka upo na mag asawa na halatang mayaman ito, mabait din kung tignan, pansin ko naman na nag tatawanan silang tatlo kaya nag da-dalawang isip ako kung papasok ba ako sa loob.

Dalawang minuto nako dito ng mahagip ako ng isang matandang babae nginitian ko naman ito.

"Monica pumasok kana! Kanina kapa namin hinihintay!." Sigaw nya sa loob kaya pumasok nako.

"Good afternoon po" magalang ko bati sabay yuko.

"Good afternoon too iha" sabay na bati ng mag asawa. Bumati rin naman si Sir. Luke

"Umupo ka monica my pag uusapan tayo." Sabi nito kaya umupo ako sa kanan habang yung mag asawa ay kaharap ko. Ngiting ngiti naman sila habang naka tingin sa akin.

Anong meron?

A-ampunin ba nila ako? Ang alam ko mental to hindi ampunan.

TO BE CONTINUE......

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK" Where stories live. Discover now