CHAPTER 71

261 13 1
                                    

"FALL INLOVE WITH CRAZY MAFIA WEARING A MASK"

Part 71

Maaga akong nagising dahil alam kong maagang aalis si sam, kaya pag hahandaan ko s'ya ang breakfast.

Niluto ko lang pala ay toasted bread Waffles, nag pa init narin ako nang tubig para pag timplahan sya nang kape.

Habang inaayos na lahat nang niluto ko may narinig na akong yapak kaya mabuti nalang tapos na ako sa pag luto, inayos ko naman ang sarili ko sabay tuwid nang maayos.

Ilang sandali lang naka pasok na ito sa pintuan nang dinning area, bigla naman ito napatigil nang makita n'ya akong nakatayo habang naka ngiti na kung titignan mo parang walang problema.

Napatingin naman s'ya sa hinain ko sabay lapit nito.

"Good morning, niluto ko pala para sa iyo sana kainin mo." Nakangiti kong sabi tinignan lang naman n'ya ako sandali sabay lakad na nito nang deretso papunta sa niluto ko.

Huminga naman ako nang malalim para makakuha nang lakas dahil piling ko naiiyak nanaman ako.

Ang hirap kasi yung laging pumapansin sa'yo araw-araw ay nanlalamig na.

Nasa kalagitnaan s'ya nang kinakain n'ya nang mag salita ako sa katahimikan.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong ko kahit alam kong hindi ito sasagot.

Nagulat naman ako nang biglang tumango ito habang kinakain ang huling slice nang waffles.

Pasimple ko naman hinawakan yung tyan ko sabay tulo nang luha ko kaya pansin kong nag taka ito.

"What's the problem?" Malamig nitong wika pero pansin parin dito na nag aalala ito kaya mas lalo akong naiyak.

Totoo ba na may pake parin s'ya sa akin kahit galit na galit s'ya sa akin. Sabagay hindi naman kasi kaagad makakalimutan ang mga nakasanayan mo na kaya hindi na ako mag tataka kung Isang araw hindi na s'ya mag alala sa akin dahil isa lang ibig sabihin non, sanay na s'yang wala ako. Pero hindi ko akalain na nag aalala s'ya sa akin ngayon.

Agad ko namang binaba yung kamay ko na kanina na nakahawak sa tyan ko. "Ahh, w-wala na sanggi lang nang kamay ko yung tyan ko." Pag sisinungaling ko.

Saglit lang itong tumingin sa buong katawan ko bago ulit ituon sa kinakain n'ya.

"Sam, p-pwede bang mag usap naman tayo kung ano man yung ginawa ko, hindi ko talaga alam." Utal-utal kong ani.

Hinigop naman n'ya yung kape sabay tayo nito.
"Wala na tayong dapat pag uusapan, niloko mo 'ko, tapos. Aalis na ako." Turan nito sabay kuha nang bag n'ya na may lamang laptop, na iwan naman ako dito sa dinning area na luhaan habang naka tingin sa kanya na papalayo.

TO BE CONTINUE........

JUST COMMENT ABOUT MY STORY FOR MORE UPDATES

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK" Where stories live. Discover now