CHAPTER 39

331 15 0
                                    

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK"

Part 39
kaya napag pasyahan namin na pumunta na sa counter sakto naman na andon na sila naka pila narin. Lumapit naman kami sabay kausap sakanila."Lakas ng tawa, kanino 'yon?" Sabi ko sa isip ko sabay tuon nalang ulit kila Kianna.

Habang nag uusap kami ngayon ko lang na realize na hindi na naka pulupot yung braso ni Sam sa akin, nilibot ko naman yung paningin ko, tumigil naman ako sa pag libot ng tingin ng makita ko syang naka pamulsa habang natawa ng malakas pati narin yung kasamang n'yang babae. Mas maganda pa'ko sa babae kasi ang kapal ng make up, ako nga maski pulbo wala, ang haba pa ng nguso ng babae pansin ko rin na my mga pimple ito na marami.Hindi ba nandidiri si sam?

S'ya pala yung naririnig ko na tumatawa ng malakas. Sana all gan'yan s'ya kasaya pag kausap ko s'ya. Pero hindi mangyayari 'yon kasi my nauna ng mag pasaya sakan'ya.Sam!" tawag ko sa pangalan n'ya kaya napa tingin s'ya sa akin ka agad, natigil naman yung tawanan nilang dalawa ng babae n'ya tsk.

Tumingin naman ako kila Tita. "Doon po muna ako sa van, tapos narin naman po akong mamili." Walang gana kong sabi.

"Hoy beh, bibili pa tayo ng bed sheets." Sabi nila Kianna na sinang ayunan ng mga lalaki.

"Ahh... hindi na pagod na kasi ako, hantayin ko nalang kayo sa van." Pag dadahilan ko sabay lakad na palabas ng mall.

"Nangangamoy nag se-selos ah..." Pag paparinig ni irin bago ako maka labas ng grocery store. Oo nag seselos talaga ako kasi ako nga hindi ko mapatawa ng malakas si sam tapos do'n sa babae sobrang tawa s'ya ng tawa!. Edi mag sama silang dalawa!.

"Hon!" Pag tawag ni sam sa akin pero deretso lang ako sa parkingan ng van na parang walang narinig.

"Sammm!" Tawag ng babaeng mukhang clown habang hinahabol si sam. Tumingin naman ako sa likod sabay tigil, hinarap naman ni sam yung babae.

"Don't you ever call me sam, asawa ko lang yung pinapayagan ko non! Kung gusto mong tawagin ako,Lucious." Sigaw nito kasabay naman non ang mga bulungan nila tungkol sa babae. Ang sama ni sam pinahiya n'ya yung babae.

"Ang landi naman ni girl"
"My asawa na yung boy nilalandi pa"
"Nag away tuloy sila ng asawa n'ya dahil sa malanding 'yan"
"Mukha namang clown"

Mga samot saring bulong at sigawan nila.

Hahawakan naman sana ng babae si sam ng biglang umurong ito sabay sumigaw ulit ito na ikina tigil ko.

"Don't you dare touch my body, hindi ka ba nanood ng TV nung baliw pa'ko! If you touch me, you will pay one billion!" Sigaw nito na ikina nganga ko. Gagi niyayakap ko pa naman s'ya ng ilang beses, kung ganon ang laki napala ng babayaran ko. Kaya pala ang daming nag bubulungan 'yun pala yon bawal s'yang hawakan.

"Pero, mahal kita" rinig ko pa na sabi ng babae. Pa'no na'ko?.

"Dati mahal kita pero iniwan mo'ko dahil ano, baliw ako pero tiniis mo lang ako ng ilang months dahil binabayaran ka nila mom! Pero kung hindi mo'ko iniwan edi sana mag kasama parin tayo!" Gigil na sabi ni sam sabay ayos nito ng maskara.

Tumakbo naman na ulit ako dahil sa mga sinasabi nito. Ang sakit naman non edi kung hindi s'ya iniwan ng babae n'ya hindi kami mag kakilala ngayon.

"Sammm!" Sigaw ulit ng babae pero hindi na nilingon ni sam 'yon dahil hinahabol n'ya si monica.

Agad ko namang ni-lock yung van ng naka pasok ako, Todo katok naman si sam sa labas ng van. "Hon, please let's talk." Sabi nito.

Umiling naman ako dahil alam kong makikita n'ya iyon dahil tinaggal ko yung night shield ng van kaya kitang-kita sa loob kung anong ginagawa ko. My pinindot naman ako sa gilid ng upuan kaya naging kama ito, agad naman akong humiga do'n.

Ilang minuto akong nakahiga sa kama dito sa loob ng van ng biglang my narinig akong pag bukas ng van kaya napa balikwas ako ng upo, tatayo naman sana ako ng biglang pumatong si Sam sa akin.

TO BE CONTINUED.....

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK" Where stories live. Discover now